06/10/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ง, ๐๐๐ | ๐๐ฆ๐โ๐๐๐ฆ๐ ๐ฏ๐ฅ๐ ๐ค๐จ๐๐ฅ๐ง๐๐ฅ ๐๐ข๐๐ก๐ง ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐
Kaninang umaga, October 6, 2026, isinagawa sa Training Center, Poblacion, Paglat ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Local School Board (LSB) at Local Arabic School Board (LASB), sa pangunguna nina Mayor Raisa Pendatun Langkuno at Vice Mayor Sagandingan Gumonsang, kasama ang mga school heads mula elementarya, sekundarya, at kolehiyo sa Paglat District.
Tinalakay ang mahahalagang usapin para sa kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng ating mga mag-aaral. Binigyang-diin ni Education Committee Chairman Hon. Cons JayHan Langkuno ang kahalagahan ng mga preventive measures sa mga paaralan, kabilang ang pagbibigay ng mga metal detector at mas pinaigting na security measures sa pakikipagtulungan sa mga barangay.
Napag-usapan din ang pagpapalakas ng mental health awareness at counseling para sa mga estudyante, kung saan hinihikayat ang RHU-Paglat na makipagtulungan sa religious sector at mga ustadz upang magkaroon ng guidance, counseling, at awareness activities para sa ating mga kabataan.
Samantala, nagpahayag ng commitment si LnB President Kamarudin M. Gumonsang, kasama ang mga Barangay Chairpersons, na suportahan ang mga hakbang para sa seguridad at kapakanan ng mga paaralan at ng buong paglat.
Nagbigay rin ng updates, concerns, at recommendations ang mga school heads, na itinala ng Office of the Mayor para sa future planning, resource allocation, at implementation.
Kasama rin sa meeting ang PNP-Paglat, 1-12 Association of Commanders represented by Mr. Tammy Dalama of BIAF-MILF at iba pang stakeholders na nagpahayag ng kanilang suporta. Sama-sama nating palakasin ang seguridad, edukasyon, at proteksyon para sa ating mga anak.
Para sa wata na paglat, ligtas, edukado, at may magandang kinabukasan.
Isa a Paglat. Sulong Paglat!