18/08/2026
๐๐ก๐จ๐ก๐ฆ๐ฌ๐ข ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ขโผ๏ธ
Mariin nating kinukundena ang isang Facebook post na may kaugnayan sa pamamaril at pagpaslang sa mahal nating bayan ng Pagsanjan.
Bilang tugon sa naturang nakababahalang banta, agad na nakipag-ugnayan ang ating butihing Punongbayan, Kgg. Januario Ferry Garcia, kay Hepe Gerald Balansi upang matiyak ang kaukulang pag-iimbestiga at seguridad ng ating mga mamamayan.
Matapos magtungo ng ating kapulisan sa tahanan ng nagpost sa facebook, ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang naturang Facebook Account ay di umano ay na-hack matapos hindi mai-logout ang Facebook Account sa lumang cellphone na kaniyang ibinenta 3 buwan na ang nakakalipas.
Ang anumang banta sa buhay at kapayapaan ay hindi dapat balewalain. Hinihikayat natin ang lahat na maging mapagmatyag, responsable sa pagbabahagi ng impormasyon at iwasang magpakalat ng mga hindi beripikadong balita na maaaring magdulot ng takot at kaguluhan.
Ang kaligtasan ng bawat mamamayan ay pananagutan nating lahat. Sa pagkakaisa ng pamahalaan, kapulisan, at buong komunidad, mananatili tayong matatag laban sa anumang uri ng karahasan at banta sa kapayapaan.
Bantay, pagkakaisa, at malasakit, para sa ligtas at mapayapang Pagsanjan.
Update: Official Statement of Pagsanjan MPS
https://www.facebook.com/share/1J4ANgeqBi/
โค๏ธPagsan๐๐๐ก