27/10/2026
𝟒𝟑𝐑𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 | 𝐎𝐜𝐭𝐨𝐛𝐞𝐫 𝟐𝟔, 𝟐𝟎𝟐𝟔
📍 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐮𝐬𝐚𝐥𝐢, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐓𝐚𝐯𝐞𝐫𝐚, 𝐏𝐚𝐤𝐢𝐥, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚
Matagumpay na naidaos ng Sangguniang Bayan ng Pakil ang ika-43 Pangkaraniwang Pagpupulong sa Bagong Pamahalaang Gusali, Barangay Tavera, Pakil, Laguna, sa pangunguna ng ating 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻, 𝗞𝗴𝗴. 𝗔𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗩. 𝗙𝗼𝗿𝗻𝗼𝗹𝗲𝘀. Nagsimula ang sesyon sa ganap na ika-9:00 ng umaga at natapos ng ganap na ika-2:00 ng hapon.
𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔, 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗜𝗡𝗜-𝗥𝗘𝗙𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗨𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗:
✅ Kahilingan mula sa Tanggapan ng Health Services na aprubahan ang Work & Financial Plan (WFP) para sa paggamit ng PhilHealth Capitation Fund na nagkakahalaga ng ₱855,239.40, saklaw ang Nobyembre-Disyembre 2025 (SAP1), Enero-Mayo 2026 (SAP1), at Marso-Disyembre 2026 (SAP2)
𝗦𝗔 𝗢𝗥𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡 (𝗤𝗨𝗘𝗦𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗔𝗡𝗦𝗪𝗘𝗥 𝗛𝗢𝗨𝗥), 𝗜𝗡𝗔𝗡𝗬𝗔𝗬𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗨𝗛𝗜𝗡:
Inanyayahan ng 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗮𝗻, sa pangunguna ni Konsehal Mark Benito R. Caballero, sina 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗘𝗻𝗿𝗶𝗰𝗼 𝗕𝗲𝗻𝗶𝘁𝗲𝘇, Board Director-Pakil, at 𝗘𝗻𝗴𝗿. 𝗝𝗮𝘆𝘀𝗼𝗻 𝗕𝗮𝗶𝘀𝗮𝘀, Special Equipment and System Protection Engineer ng First Laguna Electric Cooperative, Inc. (FLECO), upang talakayin ang panukalang ordinansa hinggil sa tamang pag-install at pagpapanatili ng Telecommunication at Electrical Wires sa Bayan ng Pakil.
𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗨𝗣𝗢𝗡 (𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗧𝗧𝗘𝗘 𝗥𝗘𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦), 𝗜𝗡𝗜𝗨𝗟𝗔𝗧 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗞𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗗𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗔, 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗔𝗧 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡:
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘁𝗮𝘀, 𝗣𝗮𝘁𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗿𝗶𝗯𝗶𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼: amendment sa alcohol drinking ban, General Institutional Zone (GIZ) ordinance, Parental Leave para sa mga Solo Parent na nasa ilalim ng Job Order at Contract of Service status, ordinansa laban sa gambling, mga hakbang sa paghahanda at pagtugon sa epekto ng El Niño, pagpapatibay sa opisyal na kulay ng logo ng Barangay Matikiw, kapasiyahan hinggil sa pagpaparehistro ng mga NGO, CSO, at International Agency, pagpapatibay sa West Philippine Sea Victory Day, at bagong Kautusang Bayan na nagtatatag ng Taunang Gawad Parangal para sa mga Barangay Nutrition Scholar, Barangay Health Worker, Midwife, at Nurse ng Bayan ng Pakil
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗽𝗮: kahilingan ng Sangguniang Barangay ng Saray para sa paglilinaw at beripikasyon ng mga opisyal nitong hangganan
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶: per diem allowance ng CSO representatives, Proposed Supplemental Budget Blg. 08 (General Fund, ₱3,500,000.00), Annual Budget CY 2027 ng General Fund (₱307,000,000.00) at ng Local Economic Enterprise (₱8,990,000.00), at ang Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan (₱6,003,000.00) at Local Anti-Drug Plan of Action (LADPA) (₱482,000.00) para sa Taong Piskal 2027
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗧𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺𝗼, 𝗞𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮 𝗮𝘁 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴: pagtuturo ng kasaysayan ng Pakil
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗘𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻: Retired Teacher's Day, Scouting Activities, proteksyon ng mga mag-aaral laban sa karahasan sa paaralan, at Financial Incentive sa walong ( 8 ) batang Cum Laude at isang (1) licensure examination topnotcher
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝗶𝗵𝗮𝗻, 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮: Solo Parent Leave Benefits
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗘𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗜𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 (𝗝𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲): kapakanan ng student-athletes
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗺𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗻: Sports Clinic Program, at Palarong Pambayan
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗮𝘆𝘂𝘀𝗮𝗻: BPAT professionalization, proteksyon ng mga g**o at kawani ng paaralan laban sa harassment at cyberbullying, at ordinansa laban sa scamming
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱: institutionalization ng livestreaming ng mga sesyon
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗼𝗺𝗲𝗿𝘀𝗶𝘆𝗼, 𝗞𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝗶𝘆𝗮: mga alituntunin sa piggery na ibinalik para sa muling pagsusuri
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗘𝘁𝗶𝗸𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱: patuloy na pagrepaso sa mga reklamong etikal na natanggap ng Sanggunian, kabilang ang isang sulat-reklamo mula sa isang residente ng Barangay Burgos ukol sa isang insidente ng di-magalang na pakikitungo mula sa isang opisyal ng barangay, at isang kahilingan ng Tanggapan ng Turismo, Kultura at Sining na imbestigahan ang isang insidenteng naganap sa Mt. Ping-as kaugnay ng Pakil Tourism Brochure Project
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗨𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆: kahilingan para sa agarang solusyon sa pagbaha sa Lanzones Road, Barangay Tavera, at imbestigasyon sa mga sasakyang nakakasira sa wire ng kuryente sa Sitio Maulawin, Barangay Casinsin
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝗻: regulasyon sa Health Caravans at Medical Missions
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻: kahilingan ng Kabalikat sa Pag-unlad para sa accreditation bilang Civil Society Organization
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗠𝗶𝗱𝘆𝗮: kapasiyahang humihiling sa Pangulo ng Pilipinas na ideklara ang ika-12 ng Mayo bilang Special Non-Working Holiday taon-taon bilang pagdiriwang ng Araw ng Pagkakatatag ng Bayan ng Pakil
🔹 𝗟𝘂𝗽𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁𝗮𝗻: bagong Kautusang Bayan na nagtatakda ng mga gabay sa paggamit ng Solar Power bilang tugon sa climate change at pagpapababa ng gastos sa kuryente
𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔:
🔸 Institutionalization ng Municipal Agricultural Innovation and Resilience Program (MAIRP)
🔸 Ordinansa sa ambulant, itinerant vendors, at peddlers
🔸 Contract of Service kay Atty. Luvimindo Balinang
🔸 Amendment sa petsa ng taunang pagdiriwang ng Matikiw Day
🔸 Regulasyon sa pag-install at pagpapanatili ng Telecommunication at Electrical Wires
🔸 LGBTQIA+ Pride Month Ordinance
🔸 Security equipment sa mga paaralan
🔸 Streamlined Permitting Process para sa Telecommunications at Internet Infrastructure
🔸 Cultural Development Plan CY2027 (₱21,472,300.00)
🔸 PPA para sa Local Council for the Protection of Children (₱1,741,289.02), Senior Citizens (₱10,011,000.00), at Persons with Disability (₱2,614,368.00)
🔸 Annual Investment Program (AIP) para sa Taong Piskal 2027 (₱1,177,551,742.30)
🔸 Dalawampung Porsyento (20%) Development Fund para sa Taong Piskal 2027 (₱34,825,780.40)
🔸 MDC Resolution Blg. 19-2026 at SIP Blg. 17 (₱400,000.00)
🔸 Subscription Agreement sa Philippine Statistics Authority para sa APCAS
𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗦𝗔:
✔️ Municipal Ordinance No. 2026-0267 – Reclassification ng isang parsela ng lupa na pag-aari ni Romeo Macuha, kasal kay Concepcion Asinas, na may sukat na 7,155 metro kwadrado sa Barangay Casa Real, mula agricultural patungong commercial land use, para sa pagtatayo at operasyon ng isang pribadong sementeryo
Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Pakil sa pagsusulong ng mga makabuluhang batas, programa, at polisiya upang higit pang mapaunlad ang serbisyong pampubliko at maisulong ang kapakanan ng bawat Pakileño.
𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗞𝗜𝗟!
Mga Dumalo sa Sesyon:
𝙆𝙂𝙂. 𝘼𝙍𝙄𝙀𝙇 𝙑. 𝙁𝙊𝙍𝙉𝙊𝙇𝙀𝙎
𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫/𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫
𝐒𝐁 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬:
𝙆𝙂𝙂. 𝘼𝙄𝙇𝙀𝙀𝙉 𝙎. 𝘾𝘼𝙄𝙇𝙇𝙀𝙎
𝙆𝙂𝙂. 𝙑𝙇𝘼𝘾𝙃𝙀𝙎𝙇𝘼𝙑 𝙑𝘼𝘼𝙍𝙉𝙄𝙑 𝙍. 𝙈𝘼𝙍𝙏𝙄𝙉𝙀𝙕
𝙆𝙂𝙂. 𝘼𝙈𝙀𝙇𝙄𝙏𝘼 𝙄. 𝘿𝙀𝙇 𝙈𝙊𝙍𝙊
𝙆𝙂𝙂. 𝙉𝘼𝙍𝘾𝙄𝙎𝙊 𝘼. 𝘾𝘼𝙏𝘼𝙍𝙄𝙉𝙊
𝙆𝙂𝙂. 𝘾𝘼𝙍𝙑𝙄𝙇𝙇𝙀 𝙈. 𝘼𝙐𝘿𝙄𝙏𝙊𝙍
𝙆𝙂𝙂. 𝙀𝙇𝙈𝙀𝙍 𝘽. 𝘾𝙊𝙏𝙊𝙉𝙀𝙍
𝙆𝙂𝙂. 𝙆𝙀𝙑𝙄𝙉 𝙈. 𝙍𝙀𝙔𝙀𝙎
𝙆𝙂𝙂. 𝙈𝘼𝙍𝙆 𝘽𝙀𝙉𝙄𝙏𝙊 𝙍. 𝘾𝘼𝘽𝘼𝙇𝙇𝙀𝙍𝙊
𝙆𝙂𝙂. 𝙈𝘼𝙉𝙐𝙀𝙇 𝙔. 𝙇𝘼𝘾𝙄𝙎𝙏𝙀 (𝘼𝘽𝘾)
𝙆𝙂𝙂. 𝙆𝘼𝙍𝙔𝙇𝙇𝙀 𝘿𝘼𝙉𝙄𝙀𝙇𝙇𝙀 𝙈. 𝙑𝙄𝙑𝘼𝙍 (𝙎𝙆𝙁)