21/09/2026
๐ฃ ๐ฃ๐๐๐๐ง๐๐ ๐ฃ๐จ๐๐๐๐๐ข
๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ง ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ร๐ข
Ang Pamahalaang Bayan ng Pakil ay nagpapaabot ng paumanhin at pang-unawa sa ating mga kababayan na umaasa sa iba't ibang uri ng tulong o assistance mula sa Pamahalaang Lokal.
Gayunman, pansamantala munang hindi maaaring ipamahagi ng LGU Pakil ang mga tulong /assistance na sakop ng election ban, alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay ng 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
โ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ
Batay sa COMELEC Resolution No. 11191, na nagtakda ng Calendar of Activities at mga ipinagbabawal na gawain para sa November 2, 2026 BSKE, ipinagbabawal ang release, disbursement o expenditure ng public funds sa mga panahong itinakda ng COMELEC, alinsunod sa Section 261(v) ng Omnibus Election Code (OEC).
Higit na partikular, sa COMELEC Resolution No. 11265, na promulgated noong August 5, 2026, itinakda na:
โ ๐ฆ๐ฒ๐ฝ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ญ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Ipinagbabawal ang release, disbursement o expenditure ng public funds para sa social welfare and services projects, maliban kung ito ay pinahintulutan o nabigyan ng exemption ng COMELEC.
โ ๐ข๐ฐ๐๐ผ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ฏ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
May TOTAL PROHIBITION sa pagbibigay at pamamahagi ng tulong / assistance , TUPAD, AKAP, AICS at 4Ps, maliban sa medical at burial assistance na karaniwang ipinagkakaloob sa mga kwalipikadong benepisyaryo, alinsunod sa mga kondisyon ng Resolution.
โ ๐๐๐๐๐ง ๐๐๐๐๐๐ก๐๐๐ก๐ ๐ฆ๐จ๐ ๐จ๐ก๐ข๐ ๐ก๐ ๐๐๐จ?
Ang election ban ay ipinatutupad upang matiyak na ang paggamit at paggastos ng pampublikong pondo ay hindi magiging kasangkapan upang maimpluwensiyahan ang mga botante o ang proseso ng halalan.
Dahil dito, ang LGU Pakil ay kailangang mahigpit na sumunod sa mga itinakdang prohibition, exception at exemption ng COMELEC.
Ang paglabag sa mga prohibition sa Section 261(v) at (w) ng Omnibus Election Code ay itinuturing na election offense at may kaukulang pananagutan sa ilalim ng batas.
Hindi po ibig sabihin nito na ayaw tumulong ng Pamahalaang Bayan.
Ang pansamantalang paghinto o hindi pagbibigay ng mga tulong /assistance na sakop ng election ban ay pagsunod sa batas at regulasyon ng COMELEC, upang maprotektahan ang LGU, ang mga benepisyaryo, at ang integridad ng halalan.
Sa sandaling matapos ang itinakdang election ban at maaari nang ipagpatuloy ang mga programa alinsunod sa batas, ang LGU Pakil ay muling magsasagawa ng mga nararapat na hakbang para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at pagsunod sa batas.