06/10/2026
๐๐๐๐๐๐ || ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐ โ๐๐๐๐๐๐โ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐ฃ๐ฎ๐น๐๐ถ๐ด, ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฒ๐ - Nagsagawa ng Command Visit si Lieutenant General CERILO C. BALAORO JR. PA, Commander, Southern Luzon Command (SOLCOM) Armed Forces of the Philippines, sa 69th Infantry (COUGAR) Battalion, 7th Infantry (KAUGNAY) Division, Philippine Army, Headquarters, Tent City, Barangay Bulawen, Palauig, Zambales, nitong Oktubre 06, 2026.
Ang pagbisita ay bahagi ng kanyang mga huling opisyal na gawain bago ang kanyang pagreretiro sa aktibong serbisyo militar. Sa kanyang pagbisita, binigyang-pansin ang kalagayan ng yunit, mga nakamit nito, at ang patuloy na pagsisikap para sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa kanilang Area of Operation (AO).
Naging makabuluhan ang pagbisita ni LTGEN BALAORO dahil nagsilbi rin siya sa 69th Infantry Battalion mula 1991 hanggang 1998 bilang Platoon Leader, Company Commander at Battalion Staff. Ang kanyang muling pagbisita sa yunit ay nagsilbing pagbabalik-tanaw sa kanyang mga unang taon ng paglilingkod at sa mga karanasang humubog sa kanyang karera bilang isang opisyal ng Philippine Army.
Sa kanyang mahabang karera militar, nagsilbi si LTGEN BALAORO sa iba't ibang mahahalagang posisyon, kabilang ang pagiging Commander ng 2nd Infantry Division bago italaga bilang Commander ng SOLCOM noong 2025. Sa kanyang paglilingkod, ipinamalas niya ang dedikasyon sa pamumuno, propesyonalismo, at tapat na paglilingkod sa bayan.
Sa kanyang Talk to Troops, binigyang-diin niya sa mga tauhan ng Cougar Battalion ang kahalagahan ng disiplina, kahandaan, propesyonalismo, at pagkakaisa sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin.
Bilang bahagi ng pagbisita, ipinaabot ng 69th Infantry (COUGAR) Battalion ang taos-pusong pasasalamat at pinakamataas na paggalang kay LTGEN BALAORO sa kanyang mga taon ng marangal at dedikadong paglilingkod sa Philippine Army at sa sambayanang Pilipino.