31/05/2026
Narito po ang schedule ng mga doktor para sa Outpatient Consultation.
Paalala po na ang oras ng konsultasyon ay mula 8:00 AM hanggang 2:00 PM lamang (cut-off).
Mangyaring dalhin ang mga mahahalagang dokumento tulad ng:
• Laboratory results
• Diagnostic test results
• Mga dating medical records
• Reseta o prescription
Makakatulong ang mga ito upang maging mas mabilis at maayos ang inyong pagpapatingin.
First come, first served basis pa rin po ang ating konsultasyon.
Maraming salamat po.
20/05/2026
DOCTORS SCHEDULE para sa outpatient consultation.
Wala pong OPD (Outpatient Department) consultation tuwing Sabado at Linggo. Gayunpaman, bukas pa rin po ang ospital 24 oras para sa mga emergency cases na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Paalala sa lahat ng pasyente na sundin ang nakatakdang schedule ng inyong doktor upang mas maayos at mabilis ang inyong pagpapatingin. Dalhin ang inyong mga lumang reseta, laboratory results, ultrasound results, at iba pang mahahalagang medical records.
Magpaaga po tayo dahil ang consultation ay first come, first served basis. Salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.
19/05/2026
Wednesday is Buntis Day!
Sa lahat po ng mga mommy na nagdadalang-tao, ang miyerkules po ay nakalaan para sa inyong prenatal check-up.
Huwag pong kalimutang dalhin ang inyong
✔prenatal record
✔ultrasound results
✔at mga laboratory results.
Bisitahin ang OPD Section. Magpaaga po tayo dahil first come, first served ang ating sistema.
Ang regular na prenatal check-up ay mahalaga upang masubaybayan ang kalusugan ni mommy at ng inyong baby
04/05/2026
Narito ang iskedyul ng ultrasound sa NPPH para sa mga nais magpa-check.
Kinakailangang may request mula sa doktor at sundin ang tamang preparation depende sa uri ng ultrasound. Inaabisuhan ang lahat na dumating nang mas maaga para sa maayos na proseso at dalhin ang kinakailangang dokumento at valid ID.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa NPPH o mag-message sa official page.
04/05/2026
May bukol ba sa katawan? Huwag nang mag-atubili—may pagkakataon ka ngayong magpa-check at magpagamot nang libre. Magpa-screening muna sa OPD upang ma-evaluate at makasama sa libreng operasyon. Siguraduhing basahin at sundin nang mabuti ang mga instruction at ang mga requirements, at dalhin ang kumpletong dokumento sa araw ng screening.
Kung may katanungan o alinlangan, huwag mag-atubiling magtanong. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag o mag-text sa 0955-724-3002.
01/05/2026
DOCTORS’ WEEKLY SCHEDULE | MAY 1-10, 2026
PAUNAWA UGALIING LAGING ICHECK ANG DATE NG SCHEDULE NG MGA DOKTOR.
Magdala ng valid ID at PhilHealth ID sa araw ng pagpapakonsulta.
OPD Schedule: Lunes hanggang Biyernes
Oras: 8:00 AM – 2:00 PM(CUT-OFF) lamang.
Ang weekends ay bukas naman para sa mga emergency cases lamang.
30/04/2026
Wala pong pasok at sarado ang aming opisina at ang aming OPD Unit bukas May 1 bilang paggunita sa Labor Day, at sa parating na May 4 naman bilang special/local holiday.
Magbabalik po ang aming regular na serbisyo sa susunod na working day.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa.
25/04/2026
Huwag matakot, magpa-check agad.
May LIBRENG ALIS BUKOL ngayong April 29 at May 6, 2026!
Unahin ang kalusugan—magpa-screening muna sa OPD para makasama sa libreng operasyon.
Dalhin ang requirements at magtanong at tumawag sa 0955-724-3002 kung may alinlangan.
20/04/2026
DOCTORS’ WEEKLY SCHEDULE | APRIL 21-30, 2026
PAUNAWA UGALIING LAGING ICHECK ANG DATE NG SCHEDULE NG MGA DOKTOR.
Magdala ng valid ID at PhilHealth ID sa araw ng pagpapakonsulta.
OPD Schedule: Lunes hanggang Biyernes
Oras: 8:00 AM – 2:00 PM(CUT-OFF) lamang.
Ang weekends ay bukas naman para sa mga emergency cases lamang.
17/04/2026
BUKAS NA!
Sa lahat ng nakapagpalista, inaanyayahan po namin kayong dumating nang mas maaga upang masiguro ang maayos at mabilis na proseso.
Kita-kits!