16/11/2015
Puerto Princesa City Chamber of Commerce and Industry, iti-nurn over na sa Lungsod ng Puerto Princesa ang Feedbox, isa sa 3 mga integrity mechanism na iprinisinta ng suydad sa ginanap na I4J Conference sa Bayleaf Hotel, Intramuros na dinaluhan ng mga kalapit bansa sa Asya.
Pinangunahan nina Arjie Lim, President ng Puerto Princesa City Chamber of Commerce and Industry at Bart Duff, Executive Vice-President ang pag-turn over ng I4J Feedbox sa Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa. Katuwang din ng nasabing grupo ang Integrity Circle Group na pinamumunuan naman ni Engr. Jose Cortez ng New City Commercial Complex bilang President.
Ayon kay Engr. Josel, ang nasabing Feedbox ay isa sa magiging instrumento na makatutulong sa pagbibigay impormasyon sa mga namumuno sa pamahalaan ng anumang suhestiyon o kuro-kuro at sa pamamagitan nito ay siguradong makakarating ito sa kanila at mabibigyan ng karampatang aksyon. Target nito ay ang mga mamamayan na tumutungo sa City Hall upang mag-follow up ng kanilang mga pangangailangan. Sa pamamagitan nito ay mamomonitor din ng bayan ang pagseserbisyo na ginagampanan ng mga empleyado at kung papaano pa ito mai-improve.
Ayon pa kay Engr Joset, makakatulong din ito sa kampanya ng Civil Service Commission sa lalo pang pagsasaayos ng mga mekanismo upang mapataas pa ang antas ng pagseserbisyo sa mga mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa. Ito rin ang paraan upang makapili ang Komisyon ng mga masisipag at tapat na kawani ng pamahalaan upang pagkalooban ng parangal bilang isa sa mga insentibo na ipinagkakaloob ng Kagawaran.
Dumalo rin sina kagawad Roy Ventura, Jonjie Rodriguez at Primo Lorenzo sa turn-over na ginanap kasama ang mga hepe ng departamento ng Pamahalaang panlunsod. Ayon sa mga konsehal, malaking bagay ito umano sa pagsasayos pa ng magandang serbisyo – publiko, gayundin sa mga panauhin na dumarayo sa City Hall. Kailangan din umanong maging bukas ang mga empleyado at pinuno ng ating pamahalaan sa mga suhestiyon upang lalo pang gumanda ang paghahatid serbisyo sa lahat ng mga mamamayan ng Lungsod. (10-5-215)
16/11/2015
2 araw na I4J International Conference ginanap sa Bayleaf Hotel, Intramuros, mga kalapit bansang Thailand, Indonesia, Vietnam, Taiwan at Cambodia dumalo rin.
Humigit sa isang daang delegado mula sa 3 munisipyo, 3 syudad, 3 lalawigan, kabilang din ang Makati Business Club, Shell Companies, DILG at I4J Project counter-parts mula sa bansang ASEAN ang dumalo sa 2 – araw na Exhibit at International Conference hingil sa pagbuo ng Integrity Mechanism ng ibat-ibang LGU upang mapabilis ang serbisyo publiko sa mga mamamayan ng kani-kanilang mga lugar lalot higit sa mga imbestor na dadayo sa siyam na lugar na napiling pilot areas ng I4J Project na kasalukiyang isinusulong ng European Union of Chamber of Commerce, DELGOSEA at ng Konrad Adenauer Stiftung sa pakikipag-tulungan ng League of Municipalities, Cities and Provinces sa bansa.
Kabilang sa mga nabiyayaan ng nasabing proyekto ay ang mga munisipyo ng Parang- Iranun, Naujan at Tuburan habang ang mga syudad naman ng Cagayan De Oro, San Carlos City at Puerto Princesa City kabilang ang probinsiya ng South Cotabato, Cebu at Oriental Mindoro kung saan ay nagpresenta ng mga tinaguriang “models of integrity and Business Mechanism:”
Pinangunahan ni Marisa Lerias, DELCOSEA Network Coordinator at Executive Director ng League of Municipalities in the Philippines ang opening remarks sa pagsisimula ng programa habang nagbigay naman ng welcome remarks sina Governor Alfonso Umali ng Oriental Mindoro. Sinundan naman ito ng pagbibigay mensahe ni Eric Galvin, Programme Director ng delegasyon ng European Unio to the Philippines.
Ayon kay Dr. Peter Koeppinger, Project Director ng I4J, isa sa pangunahing layunin ng programa ay ang promosyon ng “Partnership sa pagitan ng Local Government, Civil Society at Local Businesses on Integrity and Job Creation” at isa sa mga hamon dito ay ang pagbubuo ng mga integrity and Business Promotion Mechanism. Ito umano ang magsisilbing ehemplo sa iba pang lokal na pamahalaan upang maka-halina pa ng mga imbestor sa Lungsod at Lalawigan.
Isa sa mga tinuran ni Mayor Lucilo Bayron na kabilang sa mga panelist sa ginanap na conference at panel discussion na ang pagpapagaan ng proseso sa pag-aayos ng mga papeles sa City Hall ay isa sa pinag-uukulan ng pansin ng kaniyang administrasyon upang maiwasan ang red tape at duplikasyon ng trabaho ng mga empleyado. Mas maganda umano kung gagawing simple lamang ang proceso kesa sa komplikado. Ito umano ang isa sa nagiging dahilan kung bakit tinatabangan ang mga negosyante na mag – renew ng kanilang mga business permit sa dami ng requirement na hinihingi ng bawat opisina sa City Hall at ng mga nasyunal na ahensya ng pamahalaan.
Maglalagay na rin umano ng I4J Feedbox at complaint desk sa New City Hall sa tagiliran ng elevator habang binuo na ang Integrity Circle na kinabibilangan ng Civil Society, Business Sector, Religious Sector, Government and Non – Government Sector na pinamumunuan ni Engr. Joset Corpuz ng New City Commercial Complex (NCCC) at isa rin sa mga kasama sa Puerto Princesa delegasyon. Sa ngayon, mayroon na ring I4J office at Investment Office ang syudad na matatagpuan sa Old City Hall building habang nahirang na Investment Officer si Ms. Lorraine Banzuelo ng City Planning Office. Inaasahan na darayuhin ng mga ASEAN Investors ang Lungsod at Lalawigan sa mga darating na araw bunsod sa tuloy-tuloy na exposure ng Lungsod at Lalawigan sa tulong ng nasabing proyekto. (MTVR-8-26-15