20/10/2026
๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐จ๐ง ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐จ๐ซ๐ฌ ๐๐ง๐ ๐
๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ฌ ๐๐๐, ๐๐๐ฆ๐ฉ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐จ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ข๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐๐ข๐๐ข๐๐ซ๐ฒ ๐ง๐ โฑ๐๐๐,๐๐๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐๐ฌ๐ญ-๐
๐ซ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฎ๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ๐๐ง
Tampok sa programang Oras ng Kooperatiba ang Bongabon Market Vendors and Farmers Multi-Purpose Cooperative (MPC) ng Bongabon, Nueva Ecija, upang ibahagi ang kanilang mga karanasan, serbisyong pangkabuhayan, at mga plano para sa higit pang pagpapalakas ng kanilang kooperatiba.
Sa talakayan, tinalakay ang kanilang ibaโt ibang linya ng negosyo, kabilang ang re-lending, mini banking, rice dealership, farm machinery rental, transport services, leasing, at onion processing. Binigyang-pansin din ang potensiyal ng pagproseso ng sibuyas bilang paraan upang madagdagan ang halaga ng produktong agrikultural at makabuo ng mga bagong oportunidad sa kabuhayan.
Kasabay nito, nakatakdang makatanggap ang kooperatiba ng โฑ100,000.00 na interest-free loan sa ilalim ng Cooperative Livelihood Loan Program ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office (PCEDO). Ang programa ay naglalayong suportahan ang mga kooperatiba sa pagpapaunlad ng kanilang mga produktibong gawain, pagpapalawak ng operasyon, at pagpapalakas ng kabuhayan ng kanilang mga miyembro.
Ang inisyatibang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pamumuno nina Governor Aurelio M. Umali at Vice Governor Gil Raymond โLemonโ M. Umali, ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kooperatiba bilang katuwang sa pagpapaunlad ng kabuhayan at ekonomiya ng lalawigan.