07/10/2026
Ginanap ngayong araw ang Sangguniang Kabataan (SK) Monthly Meeting ng Lungsod ng Palayan, kasama ang ating Local Youth Development Officer (LYDO) at City Tourism Officer, at JCO President.
Sa ating pagpupulong, tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin at isyu na kinakaharap ng ating sektor. Nagkaroon ng malalimang talakayan ukol sa mga problemang kinakailangang pagtuunan ng pansin at agarang aksyon ng ating mga lider-kabataan upang mas mapaganda at mapabuti ang ating mga serbisyo at programa sa bawat barangay.🤞
Bukod dito, actively na pinakinggan at pinag-usapan din ang mga nakahanay na aktibidad at programa para sa ating nalalapit na 61st Pala-Alay Founding Anniversary Celebration! 🥳✨
Asahan ang mas masigla, mas makabuluhan, at mas inklusibong mga kaganapan para sa bawat kabataang Palayano!🌾🩷