03/11/2026
🏆 HAKBANG NG PAG-ASA, BUNGA NG PAGSISIKAP: ISANG PAGPUPUGAY SA TAGUMPAY NG PAMILYANG 4Ps! ❤
Sa likod ng bawat tagumpay ay may kuwento ng pagsisikap, sakripisyo, pagtitiyaga at hindi pagsuko.
Ang video na ito ay pagbabalik-tanaw sa mga makabuluhang kaganapan sa ating Pagpupugay sa Tagumpay ng mga Pamilyang 4Ps Beneficiaries — isang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa mga pamilyang nagsikap, nagtiyaga at patuloy na nagsusumikap tungo sa mas magandang kinabukasan.
Ang inyong mga tagumpay ay patunay na sa pamamagitan ng determinasyon, pagkakaisa ng pamilya at tamang paggabay, maraming positibong pagbabago ang maaaring makamit.
Sa bawat pamilyang naging bahagi ng programang ito, saludo kami sa inyong mga pagsisikap at tagumpay! Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang pamilyang patuloy na nangangarap at nagsusumikap.
Dahil ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga bagay na nakamit, kundi sa mga pagbabagong pinaghirapan at sa kinabukasang sama-samang binuo. 🌟
Muli, pagbati sa lahat ng ating pinarangalan at sa bawat pamilyang patuloy na nagsisikap!