07/08/2026
๐๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐๐ซ๐ญ๐ฒ ๐๐๐ฑ ๐๐ฆ๐ง๐๐ฌ๐ญ๐ฒ, ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ก๐๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ซ
Matapos ang tax amnesty program ng pamahalaan sa ilalim ng Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA), mas pinahaba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Hilagang Samar sa pamumuno ni Gobernador Harris Ongchuan, ang pagbibigay ng tax amnesty sa mga lupain at iba pang ari-arian o real property sa loob ng Northern Samar, sa ilalim ng Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 29, Series of 2026. Ang ordinansa na tinawag "The Northern Samar Real Property Tax Relief Ordinance of 2026", ay inisponsoran ni Board Member Don L. Abalon at sinang-ayunan ng lahat ng mga miyembro ng SP.
Layunin ng pamunuan ni Gob. Ongchuan kasama ang Sangguniang Panlalawigan na pinangunguluhan ni Vice Gov. Clarence Dato, na maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga may-ari ng lupa, sa pamamagitan ng โcondonationโ o hindi pagsisingil ng interest, surcharge, at penalty sa mga hindi pa nababayaran na Real Property Tax (RPT) sa probinsya bago naging epektibo ang ordinansa. Inaprubahan ni Gob. Ongchuan noong July 6, 2026 ang nasabing palisiya.
Sa ilalim ng ordinansa, hindi na magbabayad ng interest, surcharge, at penalty ang mga kwalipikadong nagbabayad ng buwis, bastaโt mabayaran ang "principal tax due" o kabuuang halaga ng kanilang Real Property Tax. Ang benepisyo na eto ay maaaring ma-avail sa loob ng isang taon o hanggang Hulyo 6, 2027.
Hindi naman saklaw ng Tax Amnesty ang mga mga sumusunod:
โข Real property na naibenta na sa public auction dahil sa hindi pagbabayad ng buwis sa tamang oras;
โข Mga ari-ariang may tax delinquency at binabayaran sa ilalim ng compromise agreement; at
โข Mga real property na sangkot sa mga kasong dinidinig sa hukuman na may kaugnayan sa real property tax delinquency
Isinaalang-alang ng Pamahalaang Panlalawigan sa programa ang mga epekto ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente sa Northern Samar na nagdudulot ng malaking pinansyal na pasanin sa mga kabahayan, negosyo, at iba pang sektor, kasabay ng Executive Order No. 110 na nagdeklara ng State of National Energy Emergency.
Para sa karagdagang impormasyon at proseso ng pag-avail. makipag-ugnayan lamang sa Provincial Treasurer's Office o sa Municipal Treasurer's Office kung saan matatagpuan ang inyong mga ari-arian.

Hindi naman saklaw ng Tax Amnesty ang mga sumusunod: