16/10/2026
Isang linggong puno ng makabuluhang gawain at paglilingkod para sa ating mga kababayan!
Ngayong linggo, pinangunahan natin ang Regular Session ng Sangguniang Bayan, pinamunuan ang isang Committee Meeting, dumalo sa pampublikong pagdinig tungkol sa panukalang CLAYGO at Anti-Littering Ordinance, at nakipagpulong sa pananghalian sa Regional Director ng BFAR na si Dr. Angel Encarnacion, CESE.
Sinamantala rin natin ang pagkakataong personal na maipagkaloob sa kanya ang mahahalagang resolusyon ng Sangguniang Bayan para sa kaukulang konsiderasyon.
Sa bawat pagpupulong, talakayan, at pakikipag-ugnayan, patuloy nating isinusulong ang mga programang makatutulong sa ating bayan.
Patuloy sa pagkilos, patuloy sa paglilingkod, at hindi titigil sa paghahanap ng mga oportunidad para sa ikauunlad ng Pamplona! š§”
Arnie Sampaga-Fernandez