03/10/2026
Noong Oktubre 3, 2026, bandang alas-2:30 ng hapon, lumahok ang mga tauhan ng 4th MFP, 2nd CPMFC, sa pangunguna ni PLT CHARLIE CAGAYAN, Platoon Leader, sa Barangay Assembly at nagsagawa ng “Hepe sa Komunidad” at Project A.L.E.R.T. (Awareness Lecture to End waR on Terrorism and illegal drugs) information drive sa Barangay Casambalangan Gymnasium, Santa Ana, Cagayan.
Sa aktibidad, ipinakilala ng bagong Platoon Leader ang kanyang sarili sa mga residente at nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga panganib at epekto ng ilegal na droga, kabilang ang epekto nito sa indibidwal, pamilya, at komunidad, gayundin ang mga kaukulang legal na pananagutan.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, hikayatin ang maagap na pag-uulat ng mga kahina-hinalang gawain, at isulong ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad. Dumalo rin sina Hon. Nelson Robinion, Municipal Mayor, mga kinatawan ng Sangguniang Bayan, MHO, SILG, MDRRMO, BFP, Santa Ana PS, iba pang ahensya, at mga Barangay Officials sa pangunguna ni Hon. Gavino Ruiz, Barangay Captain.