Local Government of Barangay Patalan

Directions

Local Government of Barangay Patalan Official Page of Barangay Patalan


BARANGAY HOTLINE
09636448486 | 09478490997

Magandang Umaga mga KA- FARMERS... Andito na po list ng makakatanggap ng FOLIAR FERTILIZER.. Magtungo po kayo ngayung ar...
26/10/2026

Magandang Umaga mga KA- FARMERS... Andito na po list ng makakatanggap ng FOLIAR FERTILIZER..

Magtungo po kayo ngayung araw OCTOBER 26, 2026, 1:00 PM dito sa ating Barangay Hall...

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”-๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ! ๐Ÿ“ขInaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Barangay Patalan, Paniqui, Tarlac na dumalo ...
15/10/2026

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐— ๐—š๐—” ๐—ž๐—”-๐—•๐—”๐—ฅ๐—”๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ! ๐Ÿ“ข

Inaanyayahan po namin ang lahat ng residente ng Barangay Patalan, Paniqui, Tarlac na dumalo sa ating

*BARANGAY ASSEMBLY DAY*
*2nd Semester - CY 2026*

Tema: _โ€œTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidadโ€

Ito po ay napakahalagang pagtitipon kung saan tatalakayin ang mga programa, proyekto, at estado ng ating barangay. Ang inyong boses at opinyon ay mahalaga!

๐Ÿ—“๏ธ Date: October 24, 2026 (Sabado)
๐Ÿ•‘ Time: 3:00 PM
๐Ÿก Venue: Brgy. Hall

Magkita-kita po tayo! Sama-sama nating isulong ang mas maunlad at nagkakaisang Barangay Patalan.

Ang aattend po sa assembly meeting ay makakasali po sa paraffle ng Brgy. na bigas..

Magandang Buhay Patalan ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œNarito po ang listahan ng makakatanggap ng Financial Assistance (Medical/Burial Assistance) n...
05/10/2026

Magandang Buhay Patalan ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ๐Ÿ’œ

Narito po ang listahan ng makakatanggap ng Financial Assistance (Medical/Burial Assistance) na gaganapin sa araw ng Huwebes, October 8, 2026 sa Municipal Gymnasium (Likod po ng Munisipyo) at dalhin po ang inyong Valid ID. Pakisundan na lang po ang nakatakdang oras. Maraming Salamat po.

CLEAN-UP DRIVE | OCTOBER 3Ikatlong araw ng ating Clean-Up Drive sa Purok Lorenza.
03/10/2026

CLEAN-UP DRIVE | OCTOBER 3

Ikatlong araw ng ating Clean-Up Drive sa Purok Lorenza.

CLEAN-UP DRIVE | SEPTEMBER 29Ikalawang araw ng ating Clean-Up Drive sa Sitio Umangan, Purok United.
30/09/2026

CLEAN-UP DRIVE | SEPTEMBER 29

Ikalawang araw ng ating Clean-Up Drive sa Sitio Umangan, Purok United.

CLEAN-UP DRIVE | SEPTEMBER 28Unang araw ng Clean-Up Drive sa Purok Timbugan. Maraming salamat sa ating mga Barangay Offi...
30/09/2026

CLEAN-UP DRIVE | SEPTEMBER 28

Unang araw ng Clean-Up Drive sa Purok Timbugan. Maraming salamat sa ating mga Barangay Officials at SK Officials sa pakikiisa at pagtutulungan.

Na-award na po ang โ‚ฑ100,000 educational assistance para sa limang beneficiary ng BBM Scholarship mula sa ating barangay....
29/09/2026

Na-award na po ang โ‚ฑ100,000 educational assistance para sa limang beneficiary ng BBM Scholarship mula sa ating barangay.

Kasabay nito, na-award na rin ang โ‚ฑ100,000 Solar Project mula sa BBM Program para sa ating komunidad.

โš ๏ธPAKIUSAP PO SA MGA MAY ALAGANG ASOMuli na naman pong may naganap na aksidente dahil sa asong pakalat-kalat sa kalsada....
17/09/2026

โš ๏ธPAKIUSAP PO SA MGA MAY ALAGANG ASO

Muli na naman pong may naganap na aksidente dahil sa asong pakalat-kalat sa kalsada.

Nakikiusap po kami sa mga may-ari ng aso na maging responsable at huwag hayaang gumala ang inyong mga alaga sa daan. Magkaroon din po tayo ng kaunting consideration at concern sa mga motorista, dahil maaaring magdulot ito ng aksidente at panganib sa ibang tao.

Paalala po: pananagutan ng may-ari ang aso kung ito ay maging sanhi ng disgrasya.

Magandang gabi po, mga Kabarangay! Kung sino man po ang nakakakilala o nawawalan ng Shih Tzu na lalaki, maari po kayong ...
17/09/2026

Magandang gabi po, mga Kabarangay!

Kung sino man po ang nakakakilala o nawawalan ng Shih Tzu na lalaki, maari po kayong pumunta dito sa ating Barangay Hall upang makumpirma at makuha ang inyong alagang aso.

Paki-share na rin po upang makarating sa tunay na may-ari. Maraming salamat po! ๐Ÿ™

Taos-pusong pasasalamat po kina Boss Bebot Roxas at Boss BJ Roxas, gayundin sa ating minamahal na Mayora Kat Roxas at Vi...
12/09/2026

Taos-pusong pasasalamat po kina Boss Bebot Roxas at Boss BJ Roxas, gayundin sa ating minamahal na Mayora Kat Roxas at Vice Mayor Jake Roxas, sa pagkakaloob ng apat (4) na wall fan para sa ating mga mag-aaral sa Day Care Center.

Malaking tulong po ito upang maging mas komportable ang kanilang pag-aaral. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at malasakit sa ating mga kabataan! ๐Ÿ™

Address

Patalan Paniqui, Tarlac
Paniqui
2307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Government of Barangay Patalan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share