Councilor CONG Soriano

Directions

Councilor CONG Soriano Municipal Councilor of Paniqui, Tarlac.

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ!  ๐“๐ก๐š๐ง๐ค ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฎ๐ง๐ฐ๐š๐ฏ๐ž๐ซ๐ข๐ง๐  ๐๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž, ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐ฌ๐ก๐š๐ฉ๐ข๐ง๐  ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข...
05/10/2026

๐‡๐š๐ฉ๐ฉ๐ฒ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ'๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ!

๐“๐ก๐š๐ง๐ค ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฎ๐ง๐ฐ๐š๐ฏ๐ž๐ซ๐ข๐ง๐  ๐๐ž๐๐ข๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง, ๐ฉ๐š๐ญ๐ข๐ž๐ง๐œ๐ž, ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐š๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐ข๐ง ๐ฌ๐ก๐š๐ฉ๐ข๐ง๐  ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž ๐ ๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ.

๐˜๐จ๐ฎ๐ซ ๐ ๐ฎ๐ข๐๐š๐ง๐œ๐ž, ๐ฐ๐ข๐ฌ๐๐จ๐ฆ, ๐š๐ง๐ ๐œ๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐š๐ค๐ž ๐š ๐ฅ๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐ข๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ซ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ๐ฌ.

๐“๐จ๐๐š๐ฒ, ๐ฐ๐ž ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ž ๐š๐ง๐ ๐ก๐จ๐ง๐จ๐ซ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ญ๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ž ๐ข๐ง๐ฏ๐š๐ฅ๐ฎ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐ซ๐จ๐ฅ๐ž ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ฅ๐š๐ฒ ๐ข๐ง ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐š ๐›๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž.

28/09/2026
17/09/2026

Sa ginanap na public hearing kasama ang mga toda presidents, mga civil society organizations, barangay captains, at mga barangay kagawad sa ating bayang Paniqui, na dinaluhan ni Vice Mayor Jake P. Roxas at pinangunahan ng Committee on Transportation na ang chairman po ay si Councilor Paul Gaรฑa, ang inyo pong lingkod ay nagbigay ng pahayag ukol sa panukala na pag-amyenda sa tricycle fare dito sa ating bayang Paniqui. Kinikilala natin ang kahalagahan ng mga tricycle drivers at operators ngunit kailangan din nating isaalang-alang ang kapakanan ng ating mga mananakay. Kaya naman umasa po kayo na ito ay pag-aaralang mabuti ng Sangguniang Bayan at ng ating mahal na Mayor Hon. Kathleen C. Roxas.

Maraming salamat po!

16/09/2026

Nagpahayag ng lubos na suporta at pagtitiwala ang ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ช๐ฎ๐ข na pinamumunuan ni ๐•๐ข๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‰๐š๐ค๐ž ๐. ๐‘๐จ๐ฑ๐š๐ฌ, sa administrasyon ng ating butihing alkalde, ๐‡๐จ๐ง. ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐Š๐š๐ญ๐ก๐ฅ๐ž๐ž๐ง ๐‚. ๐‘๐จ๐ฑ๐š๐ฌ, sa kanyang pamumuno dito sa ating bayan at sa lahat ng kanyang mga programa at serbisyong ๐ฆ๐š๐Š๐€๐“๐š๐จ para sa ikagaganda, ikauunlad, at ikaaayos ng ating mahal na bayang ๐๐š๐ง๐ข๐ช๐ฎ๐ข.

Isa pong malaking pasasalamat sa ating mahal na Board Member ng Unang Distrito ng Tarlac, BM Tito Roxas sa kanyang agara...
15/09/2026

Isa pong malaking pasasalamat sa ating mahal na Board Member ng Unang Distrito ng Tarlac, BM Tito Roxas sa kanyang agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating kababayan na si Ginoong Renie M. Corpuz ng Brgy. Brillante ng wheelchair na kanyang magagamit sa kanyang iniindang karamdaman.

Patunay po ito sa pangako ng ating BM Tito Roxas na ilapit lamang sa kanyang opisina ang mga pangangailangang medikal ng ating mga kababayan at ito ay agad na matutugunan at hinding-hindi kaliligtaan.

Ito rin po ay patunay na hangga't kaya po nating tumulong sa abot ng ating makakaya ay hahanap at hahanap po tayo ng paraan upang matulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan.

Maraming salamat po!

HAPPY TEACHER'S MONTH!Sa lahat ng mga g**o na walang sawang nagbabahagi ng kaalaman, gumagabay sa bawat mag-aaral, at na...
10/09/2026

HAPPY TEACHER'S MONTH!

Sa lahat ng mga g**o na walang sawang nagbabahagi ng kaalaman, gumagabay sa bawat mag-aaral, at nagsisilbing inspirasyon sa paghubog ng mas mabuting kinabukasanโ€”taos-pusong pagpupugay at pasasalamat po sa inyo.

Ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa pagtuturo ay tunay na nagbibigay-liwanag sa landas ng bawat kabataan. Kayo ang mga tahimik na bayani na humuhubog sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

Mabuhay ang lahat ng mga g**o!

Sa pamumuno ng ating mahal na Gobernador Christian Yap, at ng ating mahal na Bise Gobernador Lita Aquino, at sa mga miye...
08/09/2026

Sa pamumuno ng ating mahal na Gobernador Christian Yap, at ng ating mahal na Bise Gobernador Lita Aquino, at sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at sa inisyatibo ng ating mahal na Board Member ng Unang Distrito ng Tarlac, Board Member Tito Roxas, matagumpay pong naisagawa ang PGT - Tarlac Center for Learning and Skills Success (TCLASS) orientation para sa ating mga minamahal na Persons With Disability dito sa ating bayang Paniqui.

Sa tulong ng ating mahal na Mayor Kathleen C. Roxas, ng ating mahal na Bise Mayor Jake P. Roxas, sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, ang inyo pong lingkod ay nanguna upang magkaroon ng TCLASS Orientation ang ating mga minamahal na Persons with Disability upang sila ay magkarooon ng sapat na skills na kailangan at sila ay maalalayan ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa mga livelihood programs na kanilang inilulunsad.

Kasabay nito ay ang pag-anunsyo ng ating mahal na Board Member Tito Roxas na ang lahat ng ating mga kababayan, partikular ang mga kababayan nating kabilang sa mga poorest of the poor na may karamdaman na magtungo lamang sa ating opisina, upang sila ay ating mailapit sa opisina ng ating mahal na Board Member upang sila ay higit na maasikaso sa ating Tarlac Provincial Hospital upang siguruhin na sila ay makakatanggap ng agarang atensyong medikal para sa kanilang mga karamdaman.

Tayo po ay dumalo sa isang mahalagang orientation para sa kapakanan ng ating mga kababayan pagdating sa tamang pagsasaay...
28/08/2026

Tayo po ay dumalo sa isang mahalagang orientation para sa kapakanan ng ating mga kababayan pagdating sa tamang pagsasaayos ng mga lupa na nasasakupan ng ating bayang Paniqui upang mas maging komprehensibo at nasusunod ang mga regulasyon at mga tungkulin na dapat tugunan ng ating mga lokal na opisyal at ng mga departamento na may kinalaman sa pagsasaayos at tamang pagbubuwis sa mga lupain na ibinebenta, at dinedevelop sa ating bayang Paniqui.

Ito po ay pinangunahan ng Department of Human Settlements and Urban Planning (DHSUD) na siyang nagbigay sa atin ng mga karagdagang kaalaman kung paano magkaroon ng isang maayos at makabuluhan na Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance sa ating bayan.

Mahalaga ang tungkulin natin bilang lokal na opisyal kaya naman tayo ay dumalo, nakinig, nakialam, at nakipagpalitan ng mga ideya at pananaw. Naging makabuluhan po ang ating pagdalo kaya naman asahan po ninyo, sa pamumuno ng ating mahal na Mayor Kathleen C. Roxas, sa ating mahal na Vice Mayor Jake P. Roxas, sa aking mga kasamahan sa Sangguniang Bayan, lalong-lalo na po sa Komite ng Land Use na tayo po ay miyembro, at sa tulong po ng mga departamento na may kinalaman sa pagsasaayos at tamang pgbubuwis ng mga lupain sa ating bayan.

Ito po ay patunay na umulan man o umaraw, tuloy-tuloy po tayong nagtatrabaho para sa ating bayan at sa kapakanan ng ating mga mamamayan, lalo na sa sektor ng pagnenegosyo at agrikultura.

Maraming salamat po!

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-112๐“๐‡ ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐ˆ๐†๐‹๐„๐’๐ˆ๐€ ๐๐ˆ ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž!
27/07/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐€๐“๐ˆ ๐’๐€ ๐ˆ๐Š๐€-112๐“๐‡ ๐€๐๐ˆ๐๐„๐‘๐’๐€๐‘๐˜๐Ž ๐๐† ๐ˆ๐†๐‹๐„๐’๐ˆ๐€ ๐๐ˆ ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž!

Address

Brgy. Estacion
Paniqui
2307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Councilor CONG Soriano posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category