26/09/2026
Nakilahok ang mga President Officers ng Panukulan sa pagdiriwang ng 52nd Founding Anniversary ng Pag-asa Youth Association of the Philippines (PYAP-AKO) na ginaganap Ngayong Setyembre 26, 2026, sa St. Jude Cooperative Hotel & Event Center, Brgy. Isabang, Tayabas City.
Ang pagdiriwang ay isinagawa sa temang
βSustaining the Flame: Institutionalizing Empowered Leadership, Strengthening Governance, and Advancing Development Pathways for a Future-Ready PYAP-AKO.β
Layunin ng pagtitipon na mapalakas ang ugnayan at pakikilahok ng mga kabataan, gayundin ang patuloy na paghubog sa kanilang kakayahan sa pamumuno, pamamahala, pakikipagtulungan, at paglilingkod sa komunidad.
Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga ganitong programa, patuloy na sinusuportahan ng Sangguniang Kabataan ng Panukulan ang mga oportunidad na nagbibigay-daan sa kabataan upang magkaroon ng mas malawak na kaalaman, karanasan, at aktibong partisipasyon sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang sektor.
Naniniwala ang SK Panukulan na ang pagbibigay ng espasyo para sa makabuluhang partisipasyon ng kabataan ay mahalagang hakbang tungo sa paghubog ng mga responsable, may kakayahan, at handang maging katuwang sa pagpapaunlad ng pamayanan.
Patuloy nating palakasin ang boses, kakayahan, at partisipasyon ng kabataan para sa isang mas inklusibo at mas maunlad na Panukulan.
Sangguniang Kabataan ng Panukulan
Para sa Kabataan. Para sa Pamayanan. π΅π