11/02/2023
Mga minamahal na mag-aaral ng LIBO NATIONAL HIGH SCHOOL, mula po sa pamunuan ng LNHS Faculty katuwang ang Supreme Student Government . Malugod Po naming ipinababatid na mula sa lunes(Pebrero 13,2023 ay bawal na pong magdala Ng Cellphone ang lahat ng mag-aaral, maliban sa barangay ng Matangkap at Lipata, ang mga mag-aaral ng nasabing barangay ay maaaring magdala ng Cellphone, subalit hindi pwedeng gamitin. Sa kadahilanang baka mawala ito sa inuupahang bahay. Mula Po sa lunes kukumpiskahin ang lahat ng Cellphone sa gate.
Kung sakali pong kailangan ang cellphone ay maaaring sabihin sa akin o kaya naman Po ay sa Officer Ng SSG. Sa Oras lamang Po Ng asignaturang ipinagpaalam pwedeng gamitin Ang cellphone. Kapag nakumpiska Po ang cellphone ay isang linggo muna namin Po itong hindi ibabalik at tanging magulang o tagapangala lamang Ng mag-aaral Ang pwedeng kumuha. Alinsunod Po ito sa napagkasunduan noong nagpulong ang PTA.
Lubos Po kaming umaasa na lahat ng mag-aaral ay tatalima sa kautusang ito.
Mapagpalang Gabi Po🙏
Government organisation