Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office-MDRRMO Island Kalasag

Call Directions Contact the organization

Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office-MDRRMO Island Kalasag Disaster Prevention & Mitigation, Preparedness, Response, Rehabilitation & Recovery.

August 28, 2026 @ 11000HStatus of rivers and waterways: NORMAL
28/08/2026

August 28, 2026 @ 11000H
Status of rivers and waterways: NORMAL

22/08/2026

𝐏𝐂𝐆, ππ€π“π”π‹πŽπ˜ 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐒𝐀 πŒπ€ππ†πˆππ†πˆπ’πƒπ€ππ† 𝐍𝐀𝐖𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 πŠπ€π‘π€π†π€π“π€ππ† ππ€π’πˆππˆπŠπŽ

Patuloy ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang 42-taong-gulang na mangingisda na nawala matapos tumalon sa dagat para kumuha ng lambat noong Biyernes, Agosto 21, 2026, sa karagatang sakop ng Pacific fishing grounds.

Nakilala ang nawawalang mangingisda na si Ginoong Denver Pumarada, residente ng Sitio Dinahican, Infanta, Quezon. Si Pumarada ay may taas na 5'3", katamtaman ang pangangatawan, may hikaw sa kaliwang tainga, tattoo sa kaliwang braso, at huling nakitang nakasuot ng itim na damit at asul na shorts.

Ayon sa paunang ulat mula sa Coast Guard Sub-Station (CGSS) Infanta, naganap ang insidente humigit-kumulang 5:30 ng umaga noong 21 Agosto 2026 sa tinatayang 21 nautical miles hilagang-silangan ng Sitio Bongliw, Panukulan, Quezon. Tumalon diumano si Pumarada mula sa fishing banca na FBCA Rheel Andrei upang hawakan at sagipin ang kanilang lambat ngunit hindi na ito muling lumitaw sa ibabaw ng tubig.

Agad na nag-ikot at naghanap ang mga kasamahang mangingisda sa lugar mula 5:30 ng umaga hanggang 06:00 ng gabi noong araw na iyon ngunit hindi nila ito natagpuan. Iniulat naman ito ng mga kinatawan ng sasakyang-dagat sa CGSS Infanta noong tanghali ng 22 Agosto 2026.

Bilang mabilis na pagtugon, agad na nagpalabas ng radio broadcast at alerto ang CGSS Infanta sa pakikipagtulungan sa Kabalikat Civicom upang abisuhan ang lahat ng dumadaan at kalapit na mga sasakyang-dagat na magmatyag at agad na ipagbigay-alam kung sakaling makita ang nawalang mangingisda.

Nakatakda ring magsagawa ng karagdagang imbestigasyon ang PCG sa pagdating ng FBCA Rheel Andrei sa pantalan ngayong gabi, habang nagsumite na rin ng kahilingan sa tanghalan ng PCG para sa aerial search na isasagawa upang mas mapadali at mapalawak ang paghahanap sa Karagatang Pasipiko.

Para sa sinumang makakakita o may impormasyon ukol sa kinaroroonan ng naturang indibidwal, ipinapaabot ang pakiusap na ipagbigay-alam ito agad sa mga sumusunod na tanggapan at kinatawan:
β€’ Coast Guard Sub Station Infanta: 0928-961-0507
β€’ Coast Guard Station Northern Quezon: 0931-764-0859
β€’ G. Nel Jurado: 0909-569-6987





https://www.facebook.com/share/1HZwMwcbqz/
02/08/2026

https://www.facebook.com/share/1HZwMwcbqz/

OFFICIAL ADVISORY

Suspension of Classes in All Levels

Alinsunod sa PAGASA Weather Advisory No. 4 na inilabas ngayong August 2, 2026, 5:00 PM, kaugnay ng Tropical Depression at ng pinalalakas nitong Southwest Monsoon (Habagat) na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa kasama ang Lalawigan ng Quezon, at bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan,

IPINAAALAM na sa pamamagitan ng kautusan ni Hon. Mayor Alfred Rigor S. Mitra, SUSPENDIDO ang klase sa LAHAT NG ANTAS (Kindergarten, Elementary, Junior High School, at Senior High School), sa lahat ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Panukulan, sa araw ng August 3, 2026 (Lunes).

Pinapayuhan ang lahat na manatiling mapagmatyag at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng LGU, MDRRMO, at PAGASA para sa mga susunod na abiso.

Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad.

14/03/2026
Maraming salamat po QUEZON Pdrrmo Quezon sa installed CCTV  sa port ng Panukulan, Quezon.
03/01/2026

Maraming salamat po QUEZON Pdrrmo Quezon sa installed CCTV sa port ng Panukulan, Quezon.

10/12/2025

ADVISORY
03/11/2025

ADVISORY

30/10/2025

Address

236 Ramon Magsaysay Extension
Panukulan
4337

Telephone

+639276409577

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office-MDRRMO Island Kalasag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office-MDRRMO Island Kalasag:

Shortcuts

Share