05/09/2025
47th National Disability Rights Week Celebration cm Cash Aid Distribution
September 2-3, 2025
Panukulan, Quezon
Bilang pakikiisa sa 47th National Disability Rights Week Celebration, ang Pamahalaang Lokal ng Panukulan, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) katuwang ang Tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWDO), ay namahagi ng cash aid sa mga Persons with Disabilities (PWD) noong Setyembre 2β3, 2025, na isinagawa sa 13 Barangay ng Panukulan, Quezon.
Sa pamamagitan ng programang ito, 228 rehistradong PWD ang nabigyan ng tig-β±500, na may kabuuang halagang β±114,000. Ito ay bahagi ng patuloy na suporta at pangako ng Lokal na Pamahalaan upang isulong ang karapatan, dignidad, at kapakanan ng mga PWD.
Dahil dito, muling pinagtibay ng LGU ng Panukulan ang dedikasyon na tiyakin na walang PWD sa bayan ang mapag-iiwanan at ang kanilang mga karapatan at kapakanan ay patuloy na naipagtatanggol alinsunod sa pagdiriwang ng National Disability Rights Week.
Sa ngalan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan, Kgg. Alfred Rigor S. Mitra, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng naging katuwang at tumulong upang maisakatuparan ang makabuluhang programang ito.