Local Youth Development Office - Paombong

Directions Website

Local Youth Development Office - Paombong Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Local Youth Development Office - Paombong, Public & Government Service, Poblacion, Paombong.

Maligayang kaarawan, SK Manuel! ✨
23/08/2026

Maligayang kaarawan, SK Manuel! ✨

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗮𝗿𝗮𝘄𝗮𝗻, 𝗦𝗞 𝗠𝗮𝗻𝘂𝗲𝗹! 🎂🎉

Nawa’y mapuno ng saya, biyaya, magandang kalusugan, at tagumpay ang iyong espesyal na araw. Patuloy na maging inspirasyon at katuwang sa paglilingkod para sa kabataan. 💙

Mula sa iyong SK Binakod Family, maligayang kaarawan! 🥳

𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗶𝗻𝗮𝗸𝗼𝗱, 𝗔𝗿𝘆𝗮 𝗡𝗮!

𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | August 17, 2026Muling idinaos ang Flag Raising Ceremony sa harap ng Municipal Hall ngayong Agost...
17/08/2026

𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | August 17, 2026

Muling idinaos ang Flag Raising Ceremony sa harap ng Municipal Hall ngayong Agosto 17, 2026, sa pangunguna ng Local Youth Development Office (LYDO) bilang tagapangasiwa ng programa.

Sa isinagawang programa, ibinahagi ng Paombong LYDO ang kanilang mga pangunahing accomplishment, inisyatiba, at mga programang patuloy na isinusulong para sa kapakanan ng kabataan at ng buong pamayanan.

Nagbigay rin ng sigla at kasiyahan sa mga dumalo ang isang pampasiglang bilang, bago ang mensahe ng ating Punong Bayan, Mayor Ian Mark P. Marcos, na nagpaabot ng pagbati at pasasalamat, gayundin ng mahahalagang paalala hinggil sa patuloy na maayos, tapat, at mahusay na paglilingkod para sa bawat Paombongeño.

Patuloy ang pagkakaisa ng Pamahalaang Bayan ng Paombong sa pagsusulong ng mabuting pamamahala, dekalidad na serbisyo publiko, at mga programang naglalayong makalikha ng mas ligtas, mas maunlad, at mas maayos na kinabukasan para sa ating bayan.

Mahalaga ka, Kabataan - ngayon at magpakailanman! Happy International Youth Day, Kabataang Paombongeño! ✨
12/08/2026

Mahalaga ka, Kabataan - ngayon at magpakailanman!

Happy International Youth Day, Kabataang Paombongeño! ✨

📢MAHALAGANG ANUNSYONais nating ipagbigay-alam na ang mga nakatakdang aktibidad at gawain ngayong linggo ay pansamantalan...
11/08/2026

📢MAHALAGANG ANUNSYO

Nais nating ipagbigay-alam na ang mga nakatakdang aktibidad at gawain ngayong linggo ay pansamantalang na-postpone dahil sa hindi pa maayos at paiba-ibang lagay ng panahon at sa mga epekto ng Habagat gaya ng mataas na pagbaha sa mga parte ng ating bayan.

Ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabataan ang higit at pangunahin nating prayoridad.

Maraming salamat sa inyong suporta at pang-unawa.

10/08/2026
Isang malaking pagpupugay at pagbati ng good luck sa ating  mga kapwa Kabataang Paombongeños na sasabak sa National Stag...
07/08/2026

Isang malaking pagpupugay at pagbati ng good luck sa ating mga kapwa Kabataang Paombongeños na sasabak sa National Stage ng pageantry!

Dala ninyo ang husay at suporta ng buong bayan ng Paombong.

Iuwi ninyo ang korona at mga parangal sa ating bayan! ✨

Linggo ng Kabataan 2026Handa ka na bang ipakita ang iyong talento, talino, at leadership skills? Halina't makiisa sa pag...
04/08/2026

Linggo ng Kabataan 2026

Handa ka na bang ipakita ang iyong talento, talino, at leadership skills? Halina't makiisa sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 ngayong Agosto 10-15, 2026.

Hihintayin ka namin, Kabataang Paombongeño!


29/07/2026

Mabuhay kabataang Paombongeños!

Pagbati sa ating Boy/Girl Officials - Provincial Representatives na lumahok sa isinagawang Provincial Elections ngayong ika-29 ng Hulyo 2026 sa Francisco Balagtas Hall, Hiyas ng Bulacan Convention Center.

Nahalal sa mga sumusunod na posisyon ang ating kabataang Paombongeños:

Geoff Marcus Nicodemus - BGO 1st District - Board Member
Rein Mika Tolentino - BGO Chief of Staff for the Office of the Vice Governor

Saludo sa inyong dedikasyon at kakayahan. Patuloy tayong magbigay inspirasyon sa kapwa kabataang Paombongeños!

23/07/2026

Sa maagang yugto ng buhay-kabataan, umuusbong ang tunay na binhi ng pamumuno!

Isinagawa ang taonang Boy/Girl Officials - Election Day! Naganap ito ngayong ika-23 ng Hulyo 2026 sa Youth Facility Center. Pinagmalaki ng ating mga kabataan na handa silang humawak ng responsibilidad at maging bahagi ng ating pamahalaan.

Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Igg. Ian Mark P. Marcos naipamalas ng ating mga student-leaders ang kanilang husay at galing. Ito ay mahalagang hakbang upang hubugin ang kanilang kaalaman sa tunay na kahulugan ng pampublikong paglilingkod.

Maraming salamat sa ating nakatuwang na mga opisina, higit sa lahat sa ating Comelec Paombong.

Pagbati sa ating mga bagong halal na Boy/Girl Officials 2026! ✨

17/07/2026

🎓📚 LIBRENG GILAS UPCAT Refresher Course! 📚🎓

Nais mo bang maging mas handa sa pagkuha ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT)? Narito na ang pagkakataon para sa iyo!
Sa pangunguna ni Mayor Mac P. Marcos katuwang ang UP Circle of Industrial Engineering Majors, handog ng Pamahalaang Bayan ng Paombong ang GILAS UPCAT Refresher Course — isang LIBRENG review program na layuning tulungan ang mga estudyante na mapalakas ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga pangunahing asignaturang saklaw ng UPCAT.

📅 Schedule
• July 4, 2026
• July 18, 2026
• July 25, 2026

🕖 Registration: 7:00 AM
🕗 Review Sessions: 8:00 AM – 3:00 PM

📲 I-scan ang QR Code o i-click ang link upang
magparehistro. https://docs.google.com/.../1FAIpQLSc_fDn1.../viewform
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sama-sama nating abutin ang pangarap na makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas.

Address

Poblacion
Paombong
3001

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Youth Development Office - Paombong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share