21/04/2026
BADAC TAMBO CONSULTATIVE MEETING✨️
Ang Barangay Anti-Drugs Abuse Council Tambo ay nakipagpulong sa Parañaque Anti-Drugs Abuse Office patungkol sa mga paparating na plano ngayon 2nd Quarter ng taon at mga pagpapaagang plano para sa darating na 3rd Quarter ng taon. Napagusapan din ang mga Guidelines para sa paggamit ng Performance Incentive Award na natanggap ng ating Barangay.
Ang pagpupulong ay pinangunahan ng ating 24/7 Barangay Kagawad Darwin Labay Morit at ni Ate Lhiezel Villagracia, Head, Brgy. Drug Clearing Division, PADAO. Kasama din sa pagpupulong ang BADAC Focal Person Giremie Martinez at BADAC Desk Officer Nai Baldago.
23/03/2026
ᴅʀᴜɢ ᴀᴡᴀʀᴇɴᴇꜱꜱ ᴀɴᴅ ᴘʀᴇᴠᴇɴᴛɪᴏɴ ꜱʏᴍᴘᴏꜱɪᴜᴍ
𝕋ℍ𝔼𝕄𝔼: "𝕊𝔸𝕐 ℕ𝕆 𝕋𝕆 𝔻ℝ𝕌𝔾𝕊, 𝕂𝔸𝔹𝔸𝕋𝔸𝔸ℕ 𝕀𝕎𝔸𝕊 𝕊𝔸 𝔻ℝ𝕆𝔾𝔸"✨️
Ang Barangay Anti-Drug Abuse Council Tambo at Parañaque Anti-Drug Abuse Office ay nagsagawa ng Drug Awareness and Prevention Symposium sa mga mag-aaral ng Tambo National High School. Dito ay itunuro natin sa mga mag-aaral na walang matutulong na mabuti ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot para sa kalusugan, pamilya, at kapaligiran. Bukod pa dito ay ipinabatid din natin sa kanila ang karampatang mga kaparusahan sa taong mahuhuling gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o ang pagbebenta nito.
Isang malaking pasasalamat din kay Principal Dr. Gina Zapico at NDEP Coordinator Ma'am Stella Lagahid para sa suportang inyong ibinibigay sa mga programa ng Barangay para sa mga mag-aaral ng Tambo National High School.
Ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi sa inisyatibo ng mahal nating Kapitana Jenn Quizon at BADAC Vice-Chairman Kagawad Darwin Labay Morit. Hindi din nagpahuli sa kanilang pagbibigay suporta ang mga aspirant Sk Chairperson Gwen De Leon at kanyang mga aspirant Sk Kagawad Jojo Macalinao Reyes, Sk Kagawad Ian Rebullar at Sk Kagawad Aya Hernandez.
18/03/2026
March 18, 2026
Isinagawa ang 1st Quarter PADAC Council Meeting para sa taong kasalukuyan 2026 na dinaluhan ng iba't ibang miyembro mula sa PNP, BJMP, 16 BADAC kasama ang Badac Tambo na pinangunahan ni Kagawad Darwin Labay Morit , Parole and Probation Office, CSO, at iba pang mga departamento. Tinalakay sa pagpupulong ang mga programa, accomplishments, at mga hakbang upang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga sa komunidad.
18/03/2026
NATIONAL DRUG EDUCATION PROGRAM
SCHOOL-WIDE ORIENTATION AND SYMPOSIUM ON THE ANTI-DRUG ABUSE AWARENESS CAMPAIGN✨️
Ang Parañaque Anti-Drug Abuse Office at Barangay Anti-Drug Abuse Council ay naimbitahan ng Tambo Elementary School - Main na pinangungunahan ng ating Principal Ma'am Lanely Solito, mahal na Kapitana Jenn Quizon, at 24/7 Kagawad Darwin Labay Morit upang magsalita sa harap ng mga magsisipagtapos na mga ika-anim na baitang patungkol sa masamang naidudulot ng ipinagbabawal na gamot sa ating sarili, pamilya, at kapaligiran.
Isang malaking pasasalamat sa Tambo Elementary School - Main para sa pagpapahalaga sa mga makabuluhang program na nagtuturo sa mga kabataan nating mas piliin ang tuwid na landas tungo sa tagumpay na kinabukasan.
Ang buong Barangay Tambo ay lubusan ding nagpapasalamat kay Sir Kristian Buhay, RSW
Officer-In-Charge, PADAO at kay Ate Lhiezel Villagracia para sa kanilang walang sawang pagsuporta ng mga ibinababang programa ng Barangay Tambo pati na rin ng mga mamamayan nitong nangangailangan ng tulong.
11/03/2026
March 11, 2026
Nagkaroon ng 1st Quarter Meeting ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Barangay Tambo na dinaluhan ng mga miyembro ng BADAC Council sa pangunguna ni Kagawad Darwin Labay Morit .
Nakiisa rin sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan mula sa PNP Substation 2, Representative ng bawat School sa Barangay Tambo at Parañaque Anti-Drug Abuse Office (PADAO). Tinalakay sa pulong ang mga programa, aktibidad, at mga hakbangin ng barangay upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa iligal na droga at ang pagpapatupad ng mga kaugnay na programa sa komunidad.