Barangay San Martin De Porres - City of Parañaque
Brgy. SMDP was created under Presidential Decree No. 1324 dated April 3, 1978.
02/06/2026
🚨 ABISO SA ATING MGA SENIOR CITIZENS: OSCA CARES CONDITIONAL CASH TRANSFER PROGRAM 🚨
Isang magandang araw po sa ating mga lolo at lola sa Lungsod ng Parañaque!
Inanunsyo po ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ng ating Lokal na Pamahalaan at ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), ang nakatakdang pamamahagi ng OSCA Cares Conditional Cash Transfer (Birthday Cash Gift) para sa mga senior citizens na nagdiwang o magdidiwang ng kanilang kaarawan mula Enero hanggang Hunyo.
Upang maging mabilis at ligtas ang distribusyon, ang pamamahagi ay isasagawa mismo sa bawat barangay. Narito po ang opisyal na iskedyul at mga venue: (tignan ang larawan sa ibaba)
💰 Halaga ng Benepisyo Batay sa Edad:
Alinsunod sa ordinansa ng lungsod, ito po ang halagang matatanggap ng ating mga benepisyaryo:
Edad 60 hanggang 74 taong gulang: ₱1,000.00
Edad 75 hanggang 84 taong gulang: ₱1,500.00
Edad 85 taong gulang pataas: ₱3,000.00
⚠️ Paunawa para sa Unclaimed Cash Gifts:
Para sa mga hindi makakakuha sa nakatakdang araw sa kanilang barangay, magkakaroon po ng Extension Dates para sa unclaimed cash gifts na gaganapin sa Parañaque Sports Complex. (tignan ang larawan sa ibaba)
Para sa mga katanungan o karagdagang detalye, maaari po kayong tumawag sa OSCA Parañaque sa mga numerong ito:
☎️ Telephone: 8820-7542
📱 Mobile: 0927-199-4824
Maraming salamat po at mag-ingat po ang lahat!
02/06/2026
📢 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄📢
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng mga sumusunod na basura:
❌ 𝐏𝐚𝐧𝐚𝐦𝐛𝐚𝐤
❌ 𝐒𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨
❌ 𝐊𝐚𝐡𝐨𝐲
❌ 𝐇𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐁𝐥𝐨𝐜𝐤𝐬
❌ 𝐓𝐢𝐥𝐞𝐬
❌ 𝐏𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐇𝐚𝐲𝐨𝐩
❌ 𝐒𝐨𝐟𝐚
❌ 𝐊𝐚𝐦𝐚
⚠️ 𝐌𝐔𝐋𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀:
💰 ₱𝟏,𝟎𝟎𝟎.𝟎𝟎
🕔 𝐎𝐑𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐀 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀:
𝟓:𝟎𝟎 𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐏𝐎𝐍 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 𝟕:𝟎𝟎 𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐁𝐈 𝐋𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆
Hinihiling namin ang pakikiisa ng lahat upang mapanatiling malinis, maayos, at ligtas ang ating komunidad. Ang sinumang mahuhuling lumalabag ay papatawan ng kaukulang multa alinsunod sa mga umiiral na ordinansa.
Maraming salamat sa inyong kooperasyon.
02/06/2026
𝐏𝐚𝐫𝐚ñ𝐚𝐪𝐮𝐞 𝐑𝐞𝐜𝐨𝐠𝐧𝐢𝐳𝐞𝐬 𝐎𝐮𝐭𝐬𝐭𝐚𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲𝐬 𝐃𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐩𝐨𝐧 𝐖𝐞𝐞𝐤 𝐂𝐮𝐥𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧
The City Government of Parañaque recognized the top-performing barangays under the Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) for Performance Year 2025 during the city’s flag-raising ceremony, marking the culmination of the weeklong observance of Lupon Week.
Lupon Tagapamayapa ng Barangay San Martin De Porres, Parañaque City was named the city’s top-performing barangay, followed by Barangay Vitalez and Barangay Don Bosco. Cash incentives were awarded to recognize the exemplary efforts of their respective Lupong Tagapamayapa in fostering peaceful communities through accessible and effective settlement of disputes at the barangay level.
The awarding ceremony was facilitated by City Director John Visca alongside Mayor Edwin L. Olivarez, Vice Mayor Florencio Bernabe III, and Congressman Eric L. Olivarez. Members of the Lupong Tagapamayapa from the winning barangays personally received the recognition, highlighting their continued role in promoting dialogue, harmony, and grassroots justice in their communities.
01/06/2026
𝐃𝐑𝐀𝐈𝐍𝐀𝐆𝐄 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐀𝐓𝐇𝐖𝐀𝐘 𝐑𝐄𝐇𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓
Nagsagawa ng inspeksyon ang Pamunuan ng Barangay San Martin de Porres sa kasalukuyang konstruksyon ng Pathway at Drainage Rehabilitation Project sa Sitio GSIS upang matiyak ang maayos at de-kalidad na pagpapatupad ng proyekto para sa kapakinabangan ng ating mga residente.
Patuloy ang ating pagtutok at pagsubaybay upang masiguro ang ligtas, maayos, at pangmatagalang imprastraktura para sa komunidad.
01/06/2026
📣 Nasa barangay na ang bakuna!
Narito na ang schedule ng 𝑴𝑹𝑺𝑰𝑨 2026 ng 𝑺𝑨𝑵 𝑴𝑨𝑹𝑻𝑰𝑵 𝑫𝑬 𝑷𝑶𝑹𝑹𝑬𝑺 𝑯𝑬𝑨𝑳𝑻𝑯 𝑪𝑬𝑵𝑻𝑬𝑹.
Tingnan ang schedule at venue ng pagbabakuna sa inyong komunidad at siguraduhing mabigyan ng dagdag na proteksyon ang inyong mga chikiting laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin.
𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤 𝙨𝙞 𝙗𝙖𝙗𝙮, 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖.
𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙠𝙪𝙣𝙖𝙙𝙤, 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤!
See less
📣 Nasa barangay na ang bakuna!
Narito na ang schedule ng 𝑴𝑹𝑺𝑰𝑨 2026 ng 𝑺𝑨𝑵 𝑴𝑨𝑹𝑻𝑰𝑵 𝑫𝑬 𝑷𝑶𝑹𝑹𝑬𝑺 𝑯𝑬𝑨𝑳𝑻𝑯 𝑪𝑬𝑵𝑻𝑬𝑹.
Tingnan ang schedule at venue ng pagbabakuna sa inyong komunidad at siguraduhing mabigyan ng dagdag na proteksyon ang inyong mga chikiting laban sa Tigdas at Tigdas-Hangin.
𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤 𝙨𝙞 𝙗𝙖𝙗𝙮, 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙩𝙖𝙜 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮𝙖.
𝘽𝙖𝙩𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙠𝙪𝙣𝙖𝙙𝙤, 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙩𝙖𝙙𝙤!
31/05/2026
🏳️🌈 Happy Pride Month 🏳️🌈
HINDI KA BAKLA LANG, BAHAGI KA NG LAHAT
Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang natin ang pagmamahal, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa bawat isa. Nawa’y maging inspirasyon ang buwang ito upang patuloy nating itaguyod ang isang komunidad na bukas, ligtas, at nagbibigay-halaga sa dignidad ng lahat, anuman ang kasarian, pagkakakilanlan, o pinagmulan.
Sama-sama nating ipagdiwang ang pagkakaiba-iba at itaguyod ang isang lipunang may pagkakaisa, pag-unawa, at pagmamahalan.
Happy Pride Month 🏳️🌈
Be proud. Be yourself. Be celebrated. 🌈✨
30/05/2026
📢 PAUNAWA
Kasalukuyang kinukumpuni ng ** Meralco** ang mga linya ng kuryente na naapektuhan at nawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Barangay San Martin de Porres.
Patuloy pong nagsasagawa ng restoration works ang Meralco upang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. Patuloy po tayong maghintay ng mga susunod na abiso hinggil sa sitwasyon. 🙏⚡️
30/05/2026
MAY 30, 2026
🕯️✨ 𝐋𝐈𝐕𝐄𝐋𝐈𝐇𝐎𝐎𝐃 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌: 𝐂𝐀𝐍𝐃𝐋𝐄 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐖𝐎𝐑𝐊𝐒𝐇𝐎𝐏 ✨🕯️
Isang makabuluhan at kapaki-pakinabang na araw ang ginanap para sa ating mga Senior Citizens ng SDA Chapter sa pangunguna ni 𝐆𝐧𝐠. 𝐂𝐨𝐫𝐚𝐳𝐨𝐧 𝐍𝐚𝐯𝐚𝐫𝐫𝐨, at Kababaihan ng Barangay San Martin De Porres sa pamumuno ni 𝐆𝐧𝐠. 𝐍𝐞𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐭𝐞𝐠𝐚, sa isinagawang Candle Making Livelihood Program.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng karagdagang kaalaman at pagkakakitaan ang ating mga kabarangay, lalo na ang ating mga senior citizens, upang mapalawak ang kanilang kakayahan at magkaroon ng pagkakataong makadagdag sa kanilang kabuhayan.
Taos pusong nagpapasalamat ang sanguniang barangay ng SMDP sa pangunguna ng ating butihing Kapitana Thelma Singson - SMDP, Kap. Mithor Singson, 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐝 Jhee Kramyaj Solomon, Committee for Livelihood at PLRMO-Paranaque sa pangunguna ni 𝐌𝐚𝐦 𝐌𝐚𝐫𝐥𝐞𝐭𝐭𝐞 𝐘𝐚𝐦𝐬𝐮𝐚𝐧 sa lahat ng nakiisa, sumuporta, at nagbahagi ng kanilang oras at kaalaman upang maging matagumpay ang gawaing ito. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating paunlarin ang ating komunidad sa pamamagitan ng mga programang nagbibigay ng oportunidad at pag-asa.
💙 Sama-sama para sa mas maunlad at mas produktibong Barangay San Martin De Porres!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Km. 15 East Service Road, SMDP
Parañaque
1700
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
