Team Bago para sa Pagbabago

Directions

Team Bago para sa Pagbabago Team Bago para sa Pagbabago!

🤝 COURTESY CALL WITH KONSI YEOJ MARQUEZIsang makabuluhang courtesy call kasama si Konsi Yeoj Marquez, bilang pagpapakita...
15/10/2026

🤝 COURTESY CALL WITH KONSI YEOJ MARQUEZ

Isang makabuluhang courtesy call kasama si Konsi Yeoj Marquez, bilang pagpapakita ng respeto, pakikipag-ugnayan, at patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Sama-sama para sa mas maayos na serbisyo at mas magandang kinabukasan ng ating barangay! 💙




🤝 TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO ❤️Ang ating Team Bago ay buong suporta at sinamahan si Kagawad Daddy Audie de Leon sa paki...
05/10/2026

🤝 TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO ❤️

Ang ating Team Bago ay buong suporta at sinamahan si Kagawad Daddy Audie de Leon sa pakikipagpulong sa kanyang mga Street Leaders upang makipagkamustahan, makinig sa kanilang mga saloobin, at alamin ang mga pangangailangan ng bawat komunidad.

Dahil para sa Team Bago, hindi natatapos ang serbisyo sa isang posisyon. Ang tunay na paglilingkod ay ang patuloy na pakikinig, pakikipag-ugnayan, at pagtulong sa abot ng ating makakaya.

Bago man o nagbabalik, iisa ang layunin — Serbisyong Tapat, May Puso at Malasakit! ❤️



🏡 WELCOME HOME, DADDY Audie de Leon ! ❤️Maraming salamat sa mga pasalubong mo para sa ating Team Bago! 🥰Hindi lang pasal...
02/10/2026

🏡 WELCOME HOME, DADDY Audie de Leon ! ❤️

Maraming salamat sa mga pasalubong mo para sa ating Team Bago! 🥰

Hindi lang pasalubong ang dala mo, kundi saya at good vibes para sa buong team.

God bless you always, Daddy Audie! ❤️

TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO 💚

25/09/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO
(Independent Aspiring Kagawads – Barangay Sto. Niño)
Mga ka-barangay,
Ipinapaalam lang po namin na hindi na matutuloy ang BSKE 2026. Nilagdaan na ni Pres. Marcos Jr. ang bagong batas na nagpapaliban nito sa 2028.
Hindi ito nangangahulugan na titigil kami. Wala kaming posisyon, wala kaming titulo, pero patuloy pa rin kaming tutulong sa abot ng aming makakaya. Hindi dahil sa eleksyon, kundi dahil sa komunidad.
Patuloy naming susuportahan ang mga programa at pangangailangan ng mga residente ng Sto. Niño. Kapag may kailangan, andiyan kami. Simple lang.
Salamat sa mga naniwala sa amin at sa mga kasama sa TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO. Hindi namin ito kakalimutan.
Magtulungan lang tayo.
Team Bago para sa Pagbabago

🎉🎂 HAPPY BIRTHDAY! 🎂🎉Maligayang kaarawan sa isa sa aming masipag at maaasahang staff ng TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO! 💙Ma...
21/09/2026

🎉🎂 HAPPY BIRTHDAY! 🎂🎉

Maligayang kaarawan sa isa sa aming masipag at maaasahang staff ng TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO! 💙

Maraming salamat sa iyong oras, effort, at dedikasyon sa bawat gawain. Ang iyong suporta at pakikiisa ay malaking bahagi ng aming samahan. 🙌

Nawa’y maging masaya, malusog, at puno ng blessings ang iyong bagong taon. Patuloy lang sa pagiging mabuting halimbawa at katuwang sa paglilingkod. 💪❤️

Happy Birthday Cobbie Feliciano More birthdays and blessings to come! 🥳🎈

— TEAM BAGO PARA SA PAGBABAGO 💙

Our deepest condolences to the Nopuente Family, especially to my Ate and friend, Kagawad Theena Nopuente-olalia .Nakikir...
21/09/2026

Our deepest condolences to the Nopuente Family, especially to my Ate and friend, Kagawad Theena Nopuente-olalia .

Nakikiramay po kami sa pagpanaw ni Nanay. Maraming salamat po sa buhay, pagmamahal at sakripisyo na kanyang iniwan.
Praying for your strength and peace during this time. May she rest in eternal peace 🙏❤️
"No more pain na po, Nanay."

LAGAY NG KALIDAD NG HANGIN AT HAZE SA BANSA 📢Sa isang eksklusibong panayam kay Dr. Maria Obiminda L. Cambaliza, Research...
01/09/2026

LAGAY NG KALIDAD NG HANGIN AT HAZE SA BANSA 📢

Sa isang eksklusibong panayam kay Dr. Maria Obiminda L. Cambaliza, Research Scientist sa Air Quality Dynamics Laboratory ng Manila Observatory at Professor sa Department of Physics ng Ateneo de Manila University, ipinaliwanag niyang ang haze na nararanasan sa malaking bahagi ng bansa ay sanhi ng tinatawag na "peatland burning season" sa Indonesia.

Bagama't hindi ito nangyayari taon-taon, ang umiiral na hanging Habagat (Southwest Monsoon) ang nagiging dahilan upang maitulak at maitangay ang makapal na usok (smoke plume) mula Indonesia patawid sa airspace ng Pilipinas na nagdudulot ng pagbaba ng kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Nilinaw rin niya na depende sa galaw ng Habagat at weather system ang pagbabago sa kalidad ng hangin. Bagama't unti-unti nang bumubuti ang hangin sa Metro Manila sa mga susunod na araw, inaasahang mas mabagal o dahan-dahan naman ang pagbuti nito sa nalalabing bahagi ng bansa.

Paalala sa publiko, lalo na ang mga senior citizens, bata, at may mga karamdaman sa baga at puso, na magsuot ng mask kapag lalabas, limitahan ang mga outdoor activities, at panatilihing nakasara ang mga bintana habang nananatili ang hazy conditions.



Stay safe barangay Sto Niño

LAGAY NG KALIDAD NG HANGIN AT HAZE SA BANSA 📢

Sa isang eksklusibong panayam kay Dr. Maria Obiminda L. Cambaliza, Research Scientist sa Air Quality Dynamics Laboratory ng Manila Observatory at Professor sa Department of Physics ng Ateneo de Manila University, ipinaliwanag niyang ang haze na nararanasan sa malaking bahagi ng bansa ay sanhi ng tinatawag na "peatland burning season" sa Indonesia.

Bagama't hindi ito nangyayari taon-taon, ang umiiral na hanging Habagat (Southwest Monsoon) ang nagiging dahilan upang maitulak at maitangay ang makapal na usok (smoke plume) mula Indonesia patawid sa airspace ng Pilipinas na nagdudulot ng pagbaba ng kalidad ng hangin sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Nilinaw din niya na depende sa galaw ng Habagat at weather system ang pagbabago sa kalidad ng hangin. Bagama't unti-unti nang bumubuti ang hangin sa Metro Manila sa mga susunod na araw, inaasahang mas mabagal o dahan-dahan naman ang pagbuti nito sa nalalabing bahagi ng bansa.

Paalala sa publiko, lalo na ang mga senior citizens, bata, at may mga karamdaman sa baga at puso, na magsuot ng mask kapag lalabas, limitahan ang mga outdoor activities, at panatilihing nakasara ang mga bintana habang nananatili ang hazy conditions.

Talakayan! 🗣️🤝Maraming salamat po sa PWD Group ng Sto. Niño sa mainit na pagtanggap at pakikiisa sa ating talakayan.Maha...
31/08/2026

Talakayan! 🗣️🤝

Maraming salamat po sa PWD Group ng Sto. Niño sa mainit na pagtanggap at pakikiisa sa ating talakayan.

Mahalaga ang bawat boses at suhestiyon ng ating mga kabarangay. Sama-sama nating pag-usapan ang mga solusyon at pagbabago para sa mas maayos na Barangay Sto. Niño. ❤️💙

Team Bago Para sa Pagbabago
Serbisyong tapat, para sa lahat!

Kgwd. Clothy Feliciano
Kgwd. Faith Bruno
Kgwd. Theena Nopuente-olalia
Kgwd. Cole Jaberina Catanghal
Kgwd. Audie de Leon

Address

Barangay Sto Niño
Parañaque
1700

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Team Bago para sa Pagbabago posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share