Parañaque City Public Library

Parañaque City Public Library

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Parañaque City Public Library, Library, Col. E. De Leon, Wawa, Bgy. Sto. Niño, Parañaque City, Parañaque.

VISION:

Parañaque City Public Library will be recognized as the community meeting space of life-long learning, preserving the culture and history of Parañaque City.

03/06/2026

Pampa-good vibes! Good job, kiddos at Team Parañaque City Public Library!

🔁 I-SHARE ang post para mas marami ang makabalita
👍 I-FOLLOW ang Page para sa real-time updates sa mga serbisyo ng City Government



Photos from Parañaque City Public Library's post 02/06/2026

June 2, 2026

🌟 MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG NAGING BAHAGI NG SUMMER READING PROGRAM 2026 – CULMINATING ACTIVITY! 🌟

Ngayong araw ay matagumpay nating naisagawa ang Culminating Activity ng Summer Reading Program 2026 ng Parañaque City Public Library. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang na nagtiwala at sumuporta sa kanilang mga anak upang maging bahagi ng programang ito. Higit sa lahat, binabati namin ang aming mga batang kalahok sa kanilang sipag, dedikasyon, at pagmamahal sa pagbabasa.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa ating mga mahal na konsehal na patuloy na nagbibigay ng suporta sa mga programa para sa kabataan:

✨ Councilor Shannin Olivarez-Bernardo
✨ Councilor Rina Gabriel
✨ Councilor Raquel Gabriel
✨ Councilor Yeoj Marquez

Maraming salamat po sa inyong ipinagkaloob na Food Carts na nagbigay saya at dagdag na kasiyahan sa ating mga kalahok.

Taos-puso rin po ang aming pasasalamat kay Councilor Tin Esplana sa kanyang personal na pagdalo sa aktibidad at sa kanyang mga donasyon.

Nagpapasalamat din kami kay Mr. Juancho Fajardo, Head ng Barangay Operations Office, sa kanyang pagdalo at pakikiisa sa ating programa. Maraming salamat din kay Councilor Rina Gabriel na naging bahagi ng ating programa at nagbigay inspirasyon sa ating mga kabataan.

At higit sa lahat, ang aming taos-pusong pasasalamat sa ating butihing Mayor, Edwin L. Olivarez, sa kanyang walang sawang suporta sa mga programang pang-edukasyon at pangkaunlaran para sa mga mamamayan ng Parañaque.

📚💚 Sama-sama nating ipinagdiwang ang tagumpay ng pagbabasa, pagkatuto, at paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating kabataan.

Read. Learn. Imagine. Grow. Together.

Photos from Parañaque City Public Library's post 02/06/2026
01/06/2026

June 1, 2026

🌈 Happy Pride Month

Ngayong buwan ng Hunyo, sama-sama nating ipinagdiriwang ang Pride Month—isang paalala ng pagmamahal, paggalang, at pagkakapantay-pantay para sa lahat.

Sa ating aklatan, naniniwala tayo na bawat tao ay may kwento na mahalaga, boses na dapat marinig, at lugar na dapat maging ligtas at malaya. Anuman ang iyong pagkakakilanlan, ikaw ay malugod na tinatanggap sa Parañaque City Public Library.

📖 Sa bawat pahina ng aklat ay may pagkakataong matuto.
🤝 Sa bawat pagbisita ay may puwang para sa pag-unawa at respeto.
🌈 At sa bawat isa sa atin ay may karapatang maging tunay sa sarili.

Mula sa Parañaque City Public Library, ipinagdiriwang natin ang pagkakaiba-iba at pagkakaisa ng ating komunidad.




🌈

28/05/2026

🇵🇭 Pambansang Araw ng Watawat 🇵🇭
Mayo 28 hanggang Hunyo 12

Sa paggunita ng National Flag Days, sama-sama nating ipakita ang pagmamahal at paggalang sa ating watawat—simbolo ng kalayaan, pagkakaisa, at pagiging makabayan ng bawat Pilipino.

📖 Alam n’yo ba? (Trivia)
🔹 Unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas noong Mayo 28, 1898 sa Labanan sa Alapan, Imus, Cavite—ang kauna-unahang tagumpay ng mga Pilipino laban sa mga Kastila.
🔹 Ang 8 sinag ng araw sa watawat ay sumisimbolo sa walong lalawigang unang naghimagsik laban sa Espanya.
🔹 Ang 3 bituin ay kumakatawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa bawat pagwagayway ng ating watawat, ipinapaalala nito ang sakripisyo ng ating mga bayani at ang tungkulin nating pangalagaan ang kalayaan ng ating bayan.

Itaguyod. Ipagmalaki. Ipagdiwang.
Mabuhay ang bandila ng Pilipinas! 🇵🇭


26/05/2026

May 26, 2026

📢 PUBLIC ADVISORY

Alinsunod sa Proclamation No. 1264, na nagdedeklara ng May 27, 2026 (Wednesday) bilang isang regular holiday sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l Adha (Feast of Sacrifice), ipinaaalam po sa lahat na sarado ang Parañaque City Public Library bukas, May 27, 2026 (Miyerkules).

Magbabalik po ang regular na operasyon ng aklatan sa May 28, 2026 (Huwebes).

Maraming salamat po at mapayapang pagdiriwang sa ating mga kapatid na Muslim. 🌙📚



Photos from Parañaque City Public Library's post 21/05/2026

May 21, 2026

Patuloy na nagsisilbing tahimik at maayos na lugar ng pag-aaral ang Parañaque City Public Library para sa ating mga kabataan. 📚✏️

Ngayong araw, masigasig na nagreview at gumawa ng kanilang layout floor plan ang mga engineering students mula sa Polytechnic University of the Philippines - Parañaque Campus bilang paghahanda sa kanilang mga akademikong gawain.

Maraming salamat sa pagpili sa Parañaque City Public Library bilang inyong study space at katuwang sa pag-abot ng inyong mga pangarap. 💚

Patuloy rin nating isinusulong ang adhikain ng ating mahal na Punong Lungsod, Edwin L. Olivarez, na mapalawak ang access sa edukasyon at makapagbigay ng ligtas at produktibong lugar para sa pag-aaral ng bawat Parañaqueño.

Photos from Parañaque City Public Library's post 21/05/2026

May 21, 2026

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas pinalakas na ugnayan at kaalaman ang naganap noong May 18, 2026 sa Memorandum of Understanding (MOU) Signing ng Tripartite Consortium of Libraries na ginanap sa Parañaque City College.

Ang kasunduang ito ay pinagtibay sa pagitan ng:

📚 Parañaque City Public Library
📚 Polytechnic University of the Philippines – Parañaque
📚 Parañaque City College

Layunin ng Tripartite Consortium na palakasin ang kooperasyon ng ating mga aklatan sa pagbabahagi ng kaalaman, resources, at mga programang makatutulong sa mas epektibong pananaliksik at pagkatuto ng ating mga mag-aaral at komunidad.

Alinsunod ito sa adhikain ng ating mahal na Punong Lungsod, Edwin L. Olivarez, na patuloy na palawakin ang akses sa dekalidad na edukasyon at mga serbisyong pangkaalaman para sa bawat Parañaqueño.

Sama-sama nating itaguyod ang kultura ng pagbabasa, pananaliksik, at patuloy na pagkatuto para sa mas maunlad na Lungsod ng Parañaque! 📖✨


Photos from Parañaque City Public Library's post 20/05/2026

May 20, 2026

📚✨ Patuloy ang Summer Reading Program sa Parañaque City Public Library! ✨📚

Masaya at makabuluhan ang pagpapatuloy ng ating Summer Reading Program dito sa Parañaque City Public Library! Sa bawat araw ng ating programa, mas lalo pang nahuhubog ang kakayahan ng ating mga kabataan sa pagbasa, pag-unawa, at pagpapahalaga sa kaalaman.

Sa pamamagitan ng iba’t ibang interactive activities, storytelling sessions, at learning exercises, patuloy nating pinayayabong ang kanilang imahinasyon at tiwala sa sarili.

Ang programang ito ay alinsunod sa layunin ng ating mahal na Punong Lungsod, Edwin L. Olivarez, na maitaguyod ang dekalidad na edukasyon at mabigyan ng oportunidad ang bawat batang Parañaqueño na malinang ang kanilang talento at kakayahan.

Sama-sama tayong magtulungan sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan para sa ating kabataan! 📖


19/05/2026

By the Numbers

Parañaque City Public Library



Want your business to be the top-listed Government Service in Parañaque?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Address


Col. E. De Leon, Wawa, Bgy. Sto. Niño, Parañaque City
Parañaque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm