LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan

LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan, Dominic Savio Street, Parañaque.

Ang LIKHA o Lipunan para sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan ay ang opisyal na organisasyong pang-mag-aaral ng Humanities and Social Sciences Strand ng Immaculate Heart of Mary College - Parañaque Senior High School Department

Photos from LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan's post 02/09/2025

Halina't sariwain ang diwa ng pagkakaisa at kasiyahan sa ating Kulminasyong Gawain para sa Pagdiriwang ng Wikang Pambansa 2025!

Ating buhayin ang ating kultura at balikan ang saya ng pagkabata sa magaganap na Laro ng Lahi. Ipamalas ang galing, tapang, at gilas mula sa paglalaro ng patintero, tumbang preso at luksong lubid.

🗓️ Ika-3 ng Setyembre 2025
⏰ 07:30 NU - 11:00 NU
📍 Fr. Simpliciano Gymnasium

Hindi lang ito laro, ito ay pamana.
Hindi lang ito kasiyahan, ito ay pagtutulungan.

Makiisa. Sumali. Ipagmalaki ang wika, kultura, at pagka-Pilipino.

Photos from LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan's post 19/08/2025

"Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan... Ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan."
-Bienvenido Lumbera

Ngayong buwan ng Agosto, kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng Ama ng Wikang Pambansa, Manuel Luis Quezon, ating pahalagahan ang Wikang Filipino at mga katutubong wika na siyang susi sa pagkakaisa ng buong bansa sa pagdiriwang natin ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025, na may temang "Paglinang sa Filipino at Wikang Katutubo: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa".

Sama-sama nating ipagdiwang ang mga wikang nag-uugnay sa bawat estudyante, pamilya, at komunidad. Makilahok, makiisa sa mga kaganapang bibigyang-buhay ngayong buwan ng Agosto!

09/05/2025

Ang katapusan ng isang kuwento ay ang pagsisimula ng isang bagong paglalakbay. 🪶

Masayang binabalita ng LIKHA ang matagumpay na pagtatapos ng senior members mula sa Talaksan 2025.

Sana ay magabayan ninyo ang lipunan gaya nang paggabay ninyo sa inyong mga juniors. 🙌

SALUDO sa inyong lahat! 🫡

Caption nina 🖋: Stephen Uy at Jazlynne Llanda
Pubmat nina 📜: Beloved Nuqui at Bea Cruz

01/05/2025

Nakikiisa ang LIKHA sa pagpapahalaga sa mga pagsisikap ng ating mga manggagawa na siyang nagpapanatili ng takbo ng ating lipunan; sila’y gumagawa ng daan para sa kinabukasan ng ating bayan.

Ang pagdiriwang ng araw na ito ay nagsisilbing pagkilala sa kanilang pakikibaka at katangapan na maipaglaban ang kanilang mga karapatan, kaya patuloy natin itong alalahanin at kilalanin.

Sa pagsisikap ninyong lahat ay nakikita ng ating bansa ang maliwanag na landas para sa hinaharap. ✨

Salamat sa ating mga kapuwa na manggagawa! 🇵🇭

Caption nina 🖋: Stephen Uy at Jazlynne Llanda
Pubmat nina 📜: Beloved Nuqui at Bea Cruz

09/04/2025

Ngayong Abril 9, 2025, ating bigyang pansin ang Araw ng Kagitingan! 🇵🇭

Alalahanin natin ang dugo’t pawis na sinakripisyo ng ating mga kapuwa Pilipino upang ipaglaban ang ating kalayaan at patuloy na pahalagahan ang pagkakaisa at pagiging makabayan.

Naninindigan at nakikiisa ang LIKHA sa mga nakipaglaban para sa ating kalayaan.
Mananatili ang Bataan sa diwa ng KaBataan!



Caption nina 🖋: Stephen Uy at Jazlynne Llanda
Pubmat nina 📜: Bea Cruz at Beloved Nuqui

25/02/2025

Ngayong Pebrero 25, 2025, ang ika-39 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution! 🎗️

Tatlumpu’t siyam na taon mula sa araw na ito, milyon-milyon ang ating mga kababayan ay nagtipon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) upang itaguyod at ipaglaban ang mga demokratikong prinsipyo para sa ating bansa.

Ating alalahanin ang kagitingang ipinakita ng ating kapuwa Pilipino at panatilihin nating buhay ang kanilang mga pinamalas na katapangan at katatagan sa pamamagitan nang patuloy na pagiging maLIKHAin para sa ating bayang minamahal.

Nawa’y patuloy nating buksan ang ating mga mata at pakinggan ang masa. Samahan niyo kaming gunitain ang nakaraan at payabungin ang ating kinabukasan. ✊

Mabuhay ang KALAYAAN, mabuhay ang PILIPINAS!



Caption nina 🖋: Jazlynne Llanda at Stephen Uy
Pubmat nina 📜: Bea Cruz, Sam Lorenzo, at Liference Hererra

30/11/2024

“Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon ng dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya, at may pagdadamayan.”
- Andres Bonifacio

Ang Pag-alala sa Supremo ng Katipunan! 🇵🇭

Sa araw na ito, ating ginugunita ang ika-161 na kaarawan ni G*t Andres Bonifacio, Supremo ng Katipunan, Ama ng Rebolusyon ng Pilipinas. Ang kaniyang sigaw ng kalayaan at pagmamahal sa bayan ay nag-udyok sa mga Pilipino na iahon ang bayan sa kadiliman at nagsilbing inspirasyon sa bawat mamamayang Pilipino. Sa bawat henerasyon, may bagong pagkakataon upang ipagpatuloy ang kaniyang katapangan at pag-ibig sa ating bayan. Kaniyang pangarap, ating adhikain. Nasyonalismong kaniyang sandata, kalayaang kaniyang gantimpala.

Kaya naman, ang kaniyang niLIKHA ay hindi malilimutan.

Kaisa ang LIKHA sa pagdiriwang sa araw na ito bitbit ang katapangan, pag-ibig, at pag-asa para sa bayan! 🇵🇭

Pinagmulan ng Larawan 🖼️: Historic Manila
Caption ni 🖋: Beloved Nuqui at Stephen Uy
Pubmat ni 📜: Beloved Nuqui at Bea Cruz

Photos from LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan's post 05/11/2024

❣️𝑻𝒉𝒆 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒘𝒂𝒚 𝒕𝒐 𝒂𝒄𝒉𝒊𝒆𝒗𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒊𝒎𝒑𝒐𝒔𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆 𝒊𝒔 𝒕𝒐 𝒃𝒆𝒍𝒊𝒆𝒗𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝒑𝒐𝒔𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆.

Sa mundo ng pagsusulat at pag-aaral, tayo ay may kakayahang magbigay kulay sa iba’t ibang paraan.

Upang simulan ang bagong kabanata ng 𝑳ipunan tungo sa 𝑰𝑲auunlad ng 𝑯umanidades at 𝑨gham Panlipunan ay ating kilalanin ang mga bagong halal na mga opisyales ng organisasyong ito na siyang magbibigay kulay sa ating komunidad at magbubukas ng pinto sa maLIKHAing mundong magtataguyod ng kultural na pagkakakilanlan at malayang pagpapahayag!

Caption ni: Jazlynne Llanda
Pubmat ni: Samantha Lorenzo

Photos from LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan's post 22/10/2024

#3: Hidden Heirloom

Nagbabagang Balita: Ang Sikreto ng Pamilyang Crowe, Nalantad Na!

Nalaman mo ba ang sikreto nila?

Noong Setyembre 30, Oktubre 2, at Oktubre 3, 2024 ay binuksan ng ABM, FBS, at LIKHA, ang kanilang pinto sa mundo ng Hidden Heirloom: The Secret of the Crowes! Naging patok ito sa iba’t ibang departamento sa IHMC-P dahil sa mga nakagugulat, misteryoso, at nakakakilabot na mga gawain na magiging daan upang mahanap ang tinatagong pamana. Sa loob ng booth na ito ay mayroong scrabble, trivia, guess the word o hangman, memory card game, at jigsaw puzzle na mga gawain.

Nakalabas ka ba nang mahinahon?

Ang ABM, FBS, at LIKHA ay nagpapasalamat sa inyong naging suporta at partipasyon! Kinagagalak namin ang inyong pagbisita sa mansyon ng pamilyang Crowe.

Manatiling mapagmasid, baka sa’yo ay muling lumapit.

Caption ni: Jazlynne Llanda
Pubmat ni: Samantha Lorenzo

Photos from LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan's post 22/10/2024

#2: Teachers’ Day

Salo-salo at mga Regalo: Selebrasyon ng Araw ng mga G**o

Oktubre 9, 2024, sa umaga ng araw na ito ay nagkaroon ng simpleng pagtitipon upang iparating ang mga mensahe ng mga mag-aaral ng SHS sa pamamagitan ng bidyo na binuo ng SAGE. Ang pagtitipon na ito ay isinagawa rin upang ibigay ang mga munting regalo ng mga miyembro ng SAGE, na siya namang sinundan ng kaniya-kaniyang selebrasyon ng bawat seksyon sa SHS para sa kanilang mga g**o.

Mula sa selebrasyon na ito, nawa ay ating napaalala sa ating mga g**o ang kanilang halaga sa ating buhay. Ang bawat aralin, leksyon, at gabay na kanilang binubuhos ay patuloy na humuhubog at huhubog sa atin.

Kagaya ng awit ni Yeng Constantino, kami ay patuloy na nagpapasalamat sa inyo!

Caption ni: Jazlynne Llanda
Pubmat ni: Samantha Lorenzo

Photos from LIKHA - Lipunan tungo sa IKauunlad ng Humanidades at Agham Panlipunan's post 22/10/2024

#1 Buwan ng Wika

Wika at Kasaysayan: Pagdiriwang ng SHS Department sa Buwan ng Agosto

Noong buwan ng Agosto, ating ipinagdiwang ang Buwan ng Wika at Kasaysayan. Mula rito ay nagkaroon tayo ng iba’t ibang gawain na talagang nagpakita kung paano ginagamit ang ating wika bilang isang instrumento ng kalayaan at kung gaano kahalaga ang pag-alala at pag-aaral sa ating nakaraan tungo sa pagkamit ng magandang kinabukasan. Ang mga okasyon sa buwang ito ay ang Taym Pers! (Tableau), Kakanin at Inuming Pilipino, at ang Barong Making Competition.

Maraming salamat sa pakikilahok, Immaculatinians! Nawa’y nabusog kayo hindi lamang dahil sa mga kakanin at inumin mula Luzon, Visayas, at Mindanao ngunit dahil na rin sa impormasyong sa inyo ay hinain.

Hanggang sa muli!

Caption ni: Jazlynne Llanda
Pubmat ni: Samantha Lorenzo

Want your business to be the top-listed Government Service in Parañaque?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Dominic Savio Street
Parañaque