Barangay San Dionisio

Barangay San Dionisio

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay San Dionisio, Public & Government Service, Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque.

Photos from Barangay San Dionisio's post 04/06/2026

ONE STRAIGHT LINE POLICY

Ang Barangay San Dionisio, sa pamumuno ni Punong Barangay Eva L. Olivarez, ay buong pagpapakumbabang nag-aanyaya sa inyo na dumalo sa isang mahalagang talakayan hinggil sa nalalapit na plebisito na gaganapin sa Hulyo 25, 2026, na may kinalaman sa “One Straight Line Policy” para sa mga reclaimed areas na saklaw ang ating barangay.

Ito ay isang mahalagang talakayan upang malaman ang magiging epekto ng polisiya sa ating mga reclaimed areas at magkaroon kayo ng boses sa kinabukasan ng ating lokalidad.

Detalye ng Gawain:
📅 Petsa: Ika-6 ng Hunyo 2026
🕗 Oras: 8:00 ng umaga
📍 Lugar: Tapat ng Sitio Sto. Niño Chapel, Barangay San Dionisio, Parañaque City

👉 I-share ang post na ito para sa kaalaman ng ating mga kabarangay—kita-kita po tayo! 🤝💚


Photos from Barangay San Dionisio's post 04/06/2026

Mas maayos na kalsada, mas ligtas na komunidad.

Isinagawa ng City Government of Parañaque ang asphalt paving at selective patching sa kahabaan ng P. Burgos Street, Brgy. San Dionisio noong Hunyo 3, 2026. Sa tulong ng 10 truckloads ng asphalt materials, mas pinatatag at pinaganda ang kondisyon ng daan upang maging mas ligtas at komportable para sa mga motorista, commuters, at residente.

Patuloy ang ating lokal na pamahalaan at ang Barangay San Dionisio sa pagpapaunlad ng imprastraktura at paghahatid ng serbisyo para sa mas maayos na komunidad.

👍 I-follow ang ating official page para sa iba pang updates at programa para sa ating lungsod.


Photos from Barangay San Dionisio's post 01/06/2026

Flores de Mayo 2026

Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ang muling isinagawa sa Barangay San Dionisio!

Mula sa banal na pagninilay, mga palaro, at makukulay na pagtatanghal hanggang sa inaabangang Grand Sagala, ipinakita ng ating mga kabarangay ang diwa ng pagkakaisa, pananampalataya, at pagmamahal sa ating kultura.

💚 Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng tagumpay ng Flores de Mayo 2026. Sama-sama nating ipinagpatuloy ang tradisyong nagbubuklod sa ating komunidad.

👉 Follow our page for more updates!


Photos from Barangay San Dionisio's post 29/05/2026

🌈✨ REYNA NG KULAY: THE GRAND SAGAY-LA 2026 👑

Handa ka na bang ipakita ang iyong ganda, creativity, at pride? Rumampa na sa pinaka-makulay at bonggang cultural showcase ng Barangay San Dionisio!

🏆 BEST SAGAY-LA DRESS CASH PRIZES:
🥇 ₱10,000
🥈 ₱7,000
🥉 ₱5,000

📅 Deadline of Registration: June 10, 2026
📅 Contest Day: June 14, 2026
📍 Barangay San Dionisio Sports Complex

✅ Open sa lahat ng LGBTQIA+ residents ng Parañaque City, 18 years old pataas
👗 Sagala gown, Barong, Filipiniana, o anumang creative cultural attire

📋 Requirements:
• Valid ID na may Parañaque address
• 2x2 picture

✨ MAG-REGISTER NA:
https://forms.gle/2EvjwpeForJ5gqyRA

👉 Follow our page for more updates!


Photos from Barangay San Dionisio's post 29/05/2026

🏳️‍🌈 SLAY THE RUNWAY IN A SUSTAINABLE STYLE!

Calling all LGBTQIA+ icons of Parañaque District 1! Ipakita ang iyong galing sa pagdidisenyo at pagrampa habang isinusulong ang pangangalaga sa kalikasan! 👗♻️

P15,000 CASH PRIZE ang naghihintay sa Grand Winner!

📌 EVENT DETAILS

📍: Barangay San Dionisio Sports Complex
🗓️: June 14, 2026
⏰ Huling Araw ng Rehistrasyon: June 10, 2026

👥 SINO ANG PWEDE SUMALI?

✔️ Residente ng District 1, Parañaque City
✔️ 18 taong gulang pataas
✔️ Miyembro ng LGBTQIA+ community

PAANO SUMALI:

Magdala lamang ng Valid ID (may address) at 2x2 picture, at magparehistro sa LGBT Desk Office.

1️⃣ Magtungo sa LGBT Desk Office para sa opisyal na rehistrasyon
2️⃣ Kunin ang mechanics at simulan ang paggawa ng “Eco-Chic” outfit
3️⃣ I-reserve ang petsa at magningning sa entablado! ✨

👉 Follow our page for more updates!


28/05/2026

CASH GIFT PARA SA MGA LOLA, LOLO, AT PWD!

Inaanyayahan po ang ating mga Senior Citizens at Persons with Disability (PWD) beneficiaries na may kaarawan ng OCTOBER, NOVEMBER, at DECEMBER na dumalo sa Birthday Cash Gift Distribution na gaganapin sa:

📅 June 1, 2026
⏰ 8:00 AM hanggang 12:00 NN
📍Old Barangay San Dionisio Gym

📌 Siguraduhing kumpleto at updated ang inyong requirements upang maging maayos ang pag-claim ng benepisyo.

👉 Follow our page for more updates!

28/05/2026

📢 ABISO SA PUBLIKO: RUTA NG SAGALA 2026

Barangay San Dionisio, narito Grand Sagala 2026 Route.

Pinapaalalahanan ang lahat para sa inaasahang daloy ng trapiko sa mga apektadong kalsada.

Salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

👉 Follow our page for more updates!


28/05/2026

ISANG PANAWAGAN NG MALASAKIT 💔

Noong May 22, tinulungan ng Barangay San Dionisio ang isang indibidwal na natagpuan sa Parañaque Elementary School-Central. Sa araw ding iyon, siya ay na-admit sa Ospital ng Parañaque 1.

Sa kasamaang-palad, siya ay pumanaw na. Tiniyak ng Barangay San Dionisio na maayos siyang nailibing sa Palanyag Cemetery.

Patuloy pa rin ang panawagan sa publiko. Kung may nakakakilala sa kaniya o may anumang impormasyon tungkol sa kaniyang pamilya, mangyaring makipag-ugnayan sa Barangay San Dionisio.

Ang inyong pag-share ay maaaring makatulong upang siya ay makilala at mahanap ang kaniyang pamilya. 🙏

27/05/2026

👑✨ THE QUEENS ARE HERE!

Kilalanin na ang mga Official Candidates ng Queen of Parañaque 2026! 🌟

Hindi lang ito patimpalak ng kagandahan—ito ay selebrasyon ng confidence, talento, talino, at pride ng ating LGBTQIA+ community. 💚🏳️‍🌈

Bawat kandidata ay handang magbigay-inspirasyon at maging boses ng pagkakaisa, empowerment, at tunay na representasyon sa lungsod ng Parañaque.

👏 Suportahan natin ang ating mga kandidata habang ipinapakita nila ang kanilang galing, puso, at adbokasiya para sa komunidad!

👉 Follow our page for more updates!


Photos from Barangay San Dionisio's post 27/05/2026

🌈 KILALANIN ANG NATATANGING LGBTQIA+ NG SAN DIONISIO!

May kilala ka bang inspirasyon sa komunidad? Bigyan natin sila ng nararapat na pagkilala! ✨

Bukas na ang Search for Natatanging LGBTQIA+ para sa 5 outstanding individuals na nagpakita ng serbisyo at dedikasyon sa barangay.

📌 Open sa LGBTQIA+ individuals
📌 Resident o may kontribusyon sa Brgy. San Dionisio
📌 Open sa public nomination

Kumuha ng nomination form sa Barangay Secretary’s Office at isumite ito kasama ang supporting documents.

⏰ Deadline: June 15, 2026

👉 Follow our page for more updates!


Want your business to be the top-listed Government Service in Parañaque?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Dr. A. Santos Avenue, Barangay San Dionisio
Parañaque
1700