27/11/2013
ITO ANG DALAWANG TAO NA NAHULI NA FLYING VOTERS. TINANONG ANG BIRTHDAY AT MIDDLE NAME, HINDI DAW ALAM? SA TANDA NYO NA YAN HINDI NINYO ALAM. PAG KAHULI AYUN DUMATING ANG MGA BARANGAY TANOD AT SINABING KAMAG ANAK DAW NILA YAN? TINAKOT PA ANG MGA TEACHER KUNG HINDI PABOBOTOHIN. ANO BA NAMAN YAN?
27/11/2013
LOLA ANO GINAGAWA MO SA MGA I.D. NG MGA ROVING NA BUMOTO? ITO BA AY EBIDENSYA NA SI CAPT. CAILLES ANG TUNAY NA IBINOTO?
GARAPALAN NAMAN. MAGKANO HO BA NAG KAPALIT?
27/11/2013
NANAY NG TUMATAKBONG KAPITAN, NAMIMIGAY NG PULYETOS AT HINDI NATIN ALAM KUNG ANO ANG NASA ILALIM NG PULYETOS ???
HINDI BA NILA ALAM NA BAWAL ANG GANYANG GAWAIN SA LOON NG ESKWELAHAN? O SADYANG NILALABAG NILA ANG BATAS.
24/11/2013
GARAPALAN NA BA TALAGA ANG PAGKUHA NG PERA? NAKAKAHIYA.
24/11/2013
KAYO ANG MAGSABI KUNG ANO ANG GINAGAWA NG TAONG ITO? MGA MAPANGSAMANTALA SA KANILANG PWESTO.
ITO BA ANG TRABAHO NG MGA TAO SA BARANGAY?
BACLARAN
19/11/2013
BAKIT BA KAYO PAKALAT KALAT SA LOOB NG MGA ESKWELAHAN? TAGA PAMAYAPA BA TALAGA?
19/11/2013
GANYAN BA TALAGA KAILANGAN SA BAWAT HARAP NG PRESINTO AY NANDYAN KAYO?
18/11/2013
Magandang Umaga!!!
Masusi po naming pinararating at inilalahad sa inyo ang isang pangyayari nung nakaraang Eleksyon sa Barangay Baclaran. Dapat mabigyang daan po ninyo ang masusing imbestigasyon sa resulta ng Halalan dito at marami po kaming nalikom na ebidensya sa pangyayari nung nakaraang Eleksyon. Ito ay isang patunay na ang kanilang pagkapanalo ay dahilan sa kanilang ginawang pwersa na pandaraya kabilang na rin ang mga g**o, 3rd member at poll clerk. Kasama na rin dito ang mga taong empleyado ng Barangay tulad ng mga Secretary, Ex – O, at Barangay Tanod.
Pinaglalaban talaga ng mga Cailles na mapaupo sila dahilan sa kanilang layunin na makalikom muli ng pera ng bayan, kung susumahin napakarami ng ari-arian ang pamilyang ito mulat sapul sila ay umupo humigit kumulang 19 years bilang punong Barangay. May mga kalakip kami na ebidensya sa pamilyang ito at ito ay dokumentaryo at kayo na po ang humusga.
Sigaw po ng mga taga Baclaran ipaglaban ang karapatan ng bawat isa at dapat ito ay mabigyan ng aksyon para lumabas ang katotohanan at mailahad ang tama at malinis na eleksyon. At kung ito ay hindi mabibigyan ng halaga na ma imbestighan kada maglulungsad ng lokal na eleksyon sa Baclaran paulit ulit ang mga pangyayari at dapat po ito ay matigil napo.
Malaking tulong ang mabibigay ninyo sa aming hinaing at sana makamit namin ang aming katarungan sa labang ito . At hindi kami nawawalan ng pagasa at gabay sa may kapal.
Umaasa po kami sa masusing kasagutan.
LABAN KO LABAN NA BUONG BACLARAN!!!
Nagmamahal,
SAMA – SAMA MOVEMENT
Baclaran
Cc:
Office of the Mayor
Congressman- District 1
City Administrator – Atty. Ding Soriano
Baclaran- Barangay Baclaran
City Comelec Paranaque
Principal – Annex / Unit 1 / Unit 2 / Central
Redemptorist Church
Sta. Rita Church
Iglesia ni Cristo – Main Office / Evangelista / Baclaran
Commissioner Grace Padaca
Vice President Jejomar Binay
ABS- CBN
UNTV
Channel 5
DILG
18/11/2013
SA AMING PAGKAKAALAM, BAWAL ANG MGA BARANGAY TANODs SA LOOB NG KAHIT ANUMANG BOTOHAN, NGUNIT SA TUWING MGA MAHUHULING FLYING VOTERS, AYAN NAGSUSULPUTAN LAHAT SILA PARA HULIHIN KUNYARI AT PAKAWALAN DIN SA LABAS NG ESKWELAHAN. BULOK NA SISTEMA.
11/11/2013
ANO ANG GINAGAWA NG MGA G**ONG ITO? ANONG HIWAGA ANG NABABALOT SA MGA ITO?
BALOTA BUKSAN MO PART 2
ITO ANG MGA G**O NA DIUMANO'Y MAY GINAGAWANG MILAGRO SA LOOB NG PRESINTO. NAKAKAPAGTAKA NA SILA LAMANG ANG NASA LOOB AT NASAAN ANG MGA WATCHER NUNG MGA ORAS ...
11/11/2013
NAWA'Y MABIGYAN NINYO NG KONTING ATENSYON ANG VIDEO NA ITO UPANG MAWAKASAN NA ANG LAHAT NG KATIWALIAN DITO SA BARANGAY BACLARAN.
BACLARAN GISING NA!!
ITO ANG KATIWALIAN NG PINUNO NG BACLARAN NA HALOS DALAWANG DEKADANG NAGPAKASASA SA PERA NG BARANGAY.