Barangay BF Homes

Call Directions Website

Barangay BF Homes Welcome to the official page of Barangay BF Homes. Join us on our . Sama-sama, Kaya Natin!

This page serves as the official information and communications platform of the Pamahalaang Barangay ng BF Homes, ParaΓ±aque City.

𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗕𝗙 π—›π—’π— π—˜π—¦, π—‘π—”π—šπ—žπ—”π—Ÿπ—’π—’π—• π—‘π—š π— π—šπ—” π—œπ—‘π—¦π—§π—₯π—¨π— π—˜π—‘π—§π—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ— π—¨π—¦π—œπ—žπ—” 𝗦𝗔 π— π—”π—¦π—©π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜ π—˜π—Ÿπ—˜π— π—˜π—‘π—§π—”π—₯𝗬 π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿ 🎢September 3, 2026Tatlong Mar...
03/09/2026

𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗕𝗙 π—›π—’π— π—˜π—¦, π—‘π—”π—šπ—žπ—”π—Ÿπ—’π—’π—• π—‘π—š π— π—šπ—” π—œπ—‘π—¦π—§π—₯π—¨π— π—˜π—‘π—§π—’π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ— π—¨π—¦π—œπ—žπ—” 𝗦𝗔 π— π—”π—¦π—©π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—˜ π—˜π—Ÿπ—˜π— π—˜π—‘π—§π—”π—₯𝗬 π—¦π—–π—›π—’π—’π—Ÿ 🎢
September 3, 2026

Tatlong Marimba/Table Lyres ang ipinagkaloob sa Masville Elementary School Drum and Lyre Band sa pangunguna nina Punong Barangay Jeremy S. Marquez at Kagawad Mariel Tumang.

Layunin ng mga bagong instrumentong ito na makatulong sa paglinang ng talento at kasanayang musikal ng mga mag-aaral, pati na rin sa paghahanda nila para sa mga pagtatanghal at kompetisyon.

Patuloy na susuportahan ng Barangay BF Homes ang mga programang nagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na maipamalas ang kanilang talento at magbigay ng karangalan sa kanilang paaralan at komunidad.



03/09/2026
𝗙π—₯π—˜π—˜ π—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ π—”π—¦π—¦π—œπ—¦π—§π—”π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗕𝗙 π—›π—’π— π—˜π—¦ βš–οΈKailangan ng legal advice or document review?Maaaring makakuha ang mga resi...
02/09/2026

𝗙π—₯π—˜π—˜ π—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ π—”π—¦π—¦π—œπ—¦π—§π—”π—‘π—–π—˜ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗕𝗙 π—›π—’π— π—˜π—¦ βš–οΈ

Kailangan ng legal advice or document review?

Maaaring makakuha ang mga residente ng free legal assistance through the City Government Program and Barangay BF Homes Program.

Narito ang mga detalye:

π—–π—œπ—§π—¬ π—šπ—’π—©π—˜π—₯π—‘π— π—˜π—‘π—§ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠
Every last Thursday of the month
9:00 AM to 12:00 NN
Under Ordinance No. 2025-10

𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗕𝗙 π—›π—’π— π—˜π—¦ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠
Every Tuesday
11:00 AM to 3:00 PM

Kasama sa services offered ang legal advice and consultation, document review, assistance in preparing legal documents, legal guidance and case assessment, at referral sa appropriate government agency or office.

Please note na hindi kasama sa programa ang notarial services.

For more information or inquiries, please message our official page.

π—ͺπ—˜π——π—‘π—˜π—¦π——π—”π—¬ π—œπ—¦ π—ͺπ—˜π—Ÿπ—Ÿπ—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗗𝗔𝗬! πŸ’™September 2, 2026Muling naghatid ng libreng medical consultation si Dra. Mary Agnes Rillo sa...
02/09/2026

π—ͺπ—˜π——π—‘π—˜π—¦π——π—”π—¬ π—œπ—¦ π—ͺπ—˜π—Ÿπ—Ÿπ—‘π—˜π—¦π—¦ 𝗗𝗔𝗬! πŸ’™
September 2, 2026

Muling naghatid ng libreng medical consultation si Dra. Mary Agnes Rillo sa Goodwill 2 Multipurpose Hall at Ireneville Mobile Clinic.

Sa bawat consultation, sinusuri ang nararamdamang sintomas at medical history ng pasyente, isinasagawa ang basic physical assessment, at nagbibigay ng kaukulang medical advice. Maaari ring ikonsulta ang mga karaniwang concern tulad ng ubo at sipon, lagnat, pananakit ng katawan, panghihina, at iba pang kondisyon na nangangailangan ng paunang pagsusuri.

Kung kinakailangan, binibigyan din ang pasyente ng reseta, follow-up instructions, o referral sa appropriate health facility para sa karagdagang assessment at treatment.

Sa pangunguna ni Punong Barangay Jeremy S. Marquez at Committee on Health and Nutrition Chairperson, Kagawad Cielo Lazatin, patuloy na inilalapit ng Barangay BF Homes ang primary healthcare services sa ating mga komunidad.

Para sa clinic schedules at iba pang official updates, manatiling connected sa official page ng Barangay BF Homes.




π—”π—œπ—₯ π—€π—¨π—”π—Ÿπ—œπ—§π—¬ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ | Good to Fair Air Quality sa ParaΓ±aque as of September 2, 2026Batay sa latest monitoring ng DENR-EMB...
02/09/2026

π—”π—œπ—₯ π—€π—¨π—”π—Ÿπ—œπ—§π—¬ π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ | Good to Fair Air Quality sa ParaΓ±aque as of September 2, 2026

Batay sa latest monitoring ng DENR-EMB, nakapagtala ng Fair air quality ang Don Bosco monitoring station, habang Good naman ang air quality sa PEA Tollway Corporation station as of 12:00 PM.

Bagama’t walang immediate health risk sa kasalukuyan, mahalaga pa ring mag-ingat dahil maaaring magbago ang air quality depende sa oras, lokasyon, at kondisyon ng panahon.

Patuloy na mag-monitor ng official updates at protektahan ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may existing health conditions.

Para sa latest advisories at official updates, follow and stay connected with the official social media pages of Barangay BF Homes πŸ’™




𝗖𝗕𝗦 𝗔𝗧 π—ͺ𝗒π—₯π—ž | Creek Cleaning, Hauling and Tree Maintenance OperationsSeptember 2, 2026Sa kabila ng bagyong naranasan nit...
02/09/2026

𝗖𝗕𝗦 𝗔𝗧 π—ͺ𝗒π—₯π—ž | Creek Cleaning, Hauling and Tree Maintenance Operations
September 2, 2026

Sa kabila ng bagyong naranasan nitong nakaraang linggo, patuloy na nagsagawa ng clearing at maintenance operations ang Clean and Beautification Services (CBS) Team sa iba’t ibang bahagi ng Barangay BF Homes.

Kabilang sa mga isinagawang gawain ang creek cleaning sa Teoville at Camella Homes 2, hauling operations sa Clinicville, at tree trimming sa Camella Ireneville. Inalis din ng team ang isang nakasabit na sanga sa President Avenue upang maiwasan ang posibleng panganib sa mga motorista at pedestrian.

Patuloy ang agarang pagkilos ng CBS Team upang maalis ang mga debris, mapanatiling maayos ang daloy ng tubig, at masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng ating komunidad bago, habang, at matapos ang masamang panahon.

Sama-sama, kaya natin!




π—•π—›π—˜π—₯𝗧 π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ | Patuloy ang Agarang Pagresponde at Pagbibigay ng Medical Assistance sa mga Residente πŸš‘πŸš¨September 1, 2026M...
01/09/2026

π—•π—›π—˜π—₯𝗧 π—¨π—£π——π—”π—§π—˜ | Patuloy ang Agarang Pagresponde at Pagbibigay ng Medical Assistance sa mga Residente πŸš‘πŸš¨
September 1, 2026

Mahigit 30 emergency response operations at 20 patient transport operations ang isinagawa ng Barangay BF Rescue at Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa iba’t ibang bahagi ng Barangay BF Homes mula Agosto 1 hanggang 31, 2026.

Kabilang sa mga kasong tinugunan ng team ang panghihina at pagkahilo, blood pressure concerns, hirap sa paghinga, sugat, fractures at iba pang injuries, labor pain, pregnancy-related emergencies, pediatric cases, at iba pang kondisyong nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Sa bawat operasyon, nagsasagawa ang mga responder ng paunang pagsusuri, pag-monitor ng vital signs, first aid, medical assistance at patient stabilization. Ang mga pasyenteng nangangailangan ng karagdagang gamutan ay ligtas na inihahatid at inieendorso sa OSPAR 1 at 2, Asian Hospital and Medical Center, Las PiΓ±as District Hospital, National Kidney and Transplant Institute, at iba pang healthcare facilities.

Patuloy na nakaantabay 24/7 ang Barangay BF Rescue at BHERT upang matiyak ang mabilis, maayos at maaasahang pagtugon sa mga medical emergency sa komunidad.

Para sa anumang medical emergency, tumawag sa:

𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗕𝗙 π—˜π— π—˜π—₯π—šπ—˜π—‘π—–π—¬ π—›π—’π—§π—Ÿπ—œπ—‘π—˜
Telephone: (02) 8809-8670
Mobile: 0960-429-4000 / 0960-479-4000

Sama-sama, kaya natin!

π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—›π—˜π—₯π—’π—˜π—¦ 𝗗𝗔𝗬 πŸ‡΅πŸ‡­August 31, 2026Ngayong National Heroes Day, binibigyang-pugay natin ang tapang, sakripisyo, at pag...
31/08/2026

π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—›π—˜π—₯π—’π—˜π—¦ 𝗗𝗔𝗬 πŸ‡΅πŸ‡­
August 31, 2026

Ngayong National Heroes Day, binibigyang-pugay natin ang tapang, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga bayaning Pilipino.

Kaugnay ng paggunita, sarado ngayong araw ang mga tanggapan ng Barangay BF Homes. Mananatili namang operational ang ating essential and emergency services.

Mabuhay ang mga bayaning Pilipino!




Maraming salamat sa ating Barangay Nutrition Action Officer, Ms. Zeny Pascual, at sa Barangay BF Homes personnel sa kani...
30/08/2026

Maraming salamat sa ating Barangay Nutrition Action Officer, Ms. Zeny Pascual, at sa Barangay BF Homes personnel sa kanilang tulong sa paghahanda at pagre-repack ng pagkain para sa mahigit 500 evacuees sa loob ng dalawang magkasunod na araw. πŸ’™

Sama-sama, kaya natin!



π—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 | Packed Meals at Family Food Boxes para sa mga Evacuees ng Barangay BF Homes August 30, 2026Patuloy ang pagha...
30/08/2026

π—œπ—‘ 𝗣𝗛𝗒𝗧𝗒𝗦 | Packed Meals at Family Food Boxes para sa mga Evacuees ng Barangay BF Homes
August 30, 2026

Patuloy ang paghahatid ng tulong sa kabuuang 503 pamilyang kasalukuyang nananatili sa tatlong evacuation centers ng Barangay BF Homes:

β€’ Phase 3 Gym, 255 pamilya o 921 indibidwal
β€’ Phase 1 Gym, 21 pamilya o 76 indibidwal
β€’ Clinicville Chapel, 227 pamilya

Simula kahapon, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng Barangay BF Homes ng packed meals sa mga evacuee sa Phase 3 Gym, Phase 1 Gym, at Clinicville Chapel, mula dinner kagabi hanggang breakfast at lunch ngayong araw.

Namahagi rin ang City Government of ParaΓ±aque ng Family Food Boxes para sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha.

Sa pangunguna ni Punong Barangay Jeremy S. Marquez, patuloy ang koordinasyon at pag-monitor sa bawat evacuation center upang agad na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga Ka-Barangay.

Maraming salamat sa City Government of ParaΓ±aque, gayundin sa lahat ng barangay personnel at volunteers na patuloy na katuwang sa ating disaster response operations.

Sama-sama, kaya natin! πŸ’™





Address

Ginang Elsie Gaches Street, Barangay BF Homes
ParaΓ±aque
1700

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63288098843

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay BF Homes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share