10/05/2025
𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐃𝐈𝐒𝐐𝐔𝐀𝐋𝐈𝐅𝐈𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐊𝐀𝐘 𝐁𝐑𝐈𝐀𝐍 𝐘𝐀𝐌𝐒𝐔𝐀𝐍 𝐅𝐎𝐑 𝐕𝐎𝐓𝐄-𝐁𝐔𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐄𝐋𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅𝐅𝐄𝐍𝐒𝐄, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐌𝐏𝐀 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐌𝐄𝐋𝐄𝐂
Isinampa na sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga kasong disqualification laban kay Bicol-Saro Party-list Representative Brian Yamsuan dahil sa vote buying, abuse of state resources, at paglabag ng Sections 68 at 261(w) ng Omnibus Election Code at paglabag sa Local Government Code. Si Yamsuan ay kasalukuyang tumatakbo bilang kandidato sa pagka-Congressman ng Ikalawang Distrito ng Parañaque.
Ang Petition for Disqualification at Verified Letter Complaint ay isinampa ni Raymund J. Austria, isang residente ng Barangay BF Homes, Parañaque City.
Ayon sa letter complaint ni Austria na isinampa ngayong araw, May 10, si Yamsuan ay namimigay ng 1,000 Pesos habang umiikot sa Parañaque.
Ayon din sa letter complaint, ginagamit din ni Yamsuan ang mga proyekto ng DSWD para sa kampanya at upang mamili ng boto. Dumalo at nangampanya si Yamsuan sa isang distribution ng pay out ng DSWD noong April 29, 2025, kahit ito ay ipinagbabawal ng COMELEC.
Ayon naman sa petisyon, na isinampa kahapon, May 9, pinapa-disqualify si Yamsuan dahil sa pagpapagawa nito ng mga ilegal na poste sa kahabaan ng President’s Avenue, Barangay BF Homes sa gitna ng campaign period kung saan may umiiral na eleksyon ban.
Ayon sa Comelec Resolution No. 10999, ang “construction of public works, delivery of materials for public works“ ay ipinagbabawal mula 28 March 2025 hanggang 11 May 2025. Ayon sa petisyon, nakita ni Austria na ginagawa ang ilan sa mga poste na ito noong 28 March 2025 at 1 April 2025, panahon na ipinagbabawal ng Comelec ang mga nasabing gawain.
Ayon pa rin sa petisyon na isinampa ni Austria, inireport niya ang pagpapa-gawa ng mga poste sa City Engineering Office, at ayon sa mga sulat na ipanadala ng City Engineer, walang permit ang pagpapa-gawa ng mga nasabing poste at ginawa ang mga ito ng walang pahintulot o pasabi sa City Engineering Office.
Ayon din sa kaso, sinabitan ng Notice to the Public ang ilan sa mga nasabing poste bilang babala sa publiko na lahat ng mga digging/excavation sa mga sidewalk ay dapat may tamang koordinasyon sa City Engineering Office.
Kung mahatulan na nagkasala, si Yamsuan ay mapapatawan ng parusang disqualification sa darating na eleksyon.

13/02/2020
06/08/2019
21/07/2019
19/07/2019
17/07/2019
09/07/2019
05/07/2019