06/04/2026
Mga Kapatid, tayo po ay buong pusong nakiisa sa isinagawang Oplan Ligtas Pamayanan bilang bahagi ng paggunita sa Fire Prevention Month ng ating barangay, na ginanap sa Jerusalem Compound.
Ang programang ito ay naglalayong palakasin ang ating kaalaman at kahandaan upang maiwasan ang sunog at mapanatiling ligtas ang bawat pamilya sa ating komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa, nakibahagi, at nagbigay ng oras upang maging matagumpay ang gawaing ito.
Patuloy po tayong magtulungan at magkaisa para sa isang ligtas, maayos, at handang pamayanan.
30/03/2026
Mga Kapatid,
Tayo po ay nakipagtulungan sa ating barangay sa isinagawa nilang libreng sakay para sa mga magsisipagtapos ng Moonwalk National High School at kanilang mga magulang. Ito po ay munting suporta natin sa napakahalagang araw ng kanilang pagtatapos.
Kami po ay taos-pusong nakikiisa sa tagumpay ng bawat mag-aaral at pamilya. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa patuloy ninyong pag-abot ng inyong mga pangarap.
Maraming salamat po at mabuhay ang ating komunidad!
11/02/2026
Mga Kapatid,
Patuloy po tayong maglilingkod nang tapat, may malasakit, at may paninindigan sa ating minamahal na Barangay Moonwalk.
Ang tunay na serbisyo ay hindi natatapos sa salita—ito ay nakikita sa gawa, sa sipag, at sa malasakit sa bawat pamilya.
Sama-sama nating itaguyod ang mga programang magbibigay ng kaayusan, kalinisan, seguridad, at oportunidad para sa lahat.
Hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nakakamit ang mas maunlad, mas ligtas, at mas maayos na komunidad.
Sa inyong tiwala at suporta, mas palalakasin pa natin ang serbisyong totoo at walang iwanan.
18/12/2025
𝗠𝗴𝗮 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱,
Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap sa akin ng ating mga kababayan na dating taga-Barangay Moonwalk na ngayon ay naninirahan na sa Naic. Tunay pong nakakataba ng puso ang makita at makasama kayo—kahit saan man tayo dalhin ng pagkakataon, iisa pa rin ang ating pinanggalingan at pagmamalasakit sa isa’t isa.
Lubos din po akong nagpapasalamat kay 𝗞𝗮𝗽 𝗗𝗼𝗰 𝗝𝗲𝗺 𝗤𝘂𝗶 sa paanyaya at tiwala na makasama sa pamamahagi ng 𝗠𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗤𝗨𝗜𝘁 𝗥𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺. Isang karangalan po na maging bahagi ng programang nagbibigay tulong at ginhawa sa ating mga Kapatid.
Patuloy po tayong magtulungan at magmalasakit—para sa bawat Kapatid, saan man naroroon. 💙
14/12/2025
Mga Kapatid 😄
Eto na oh—katabi ko na si Piolo Pascual!
Ngayon tanong ko sa inyo… kamukha ko na ba siya o nadala lang ng lighting? 😂
React na lang:
👍 = May pagkakahawig😉
😂 = Mag pogi pa rin ako🤣
❤️ = Kambal vibes!👬
Comment na rin kayo, maging honest tayo diyan mga Kapatid 😉
14/12/2025
Lubos po akong nagpapasalamat sa JGQ Group of Companies sa ipinagkaloob na parangal na aking natanggap habang nasa serbisyo. Malaking karangalan po ito at nagsisilbing inspirasyon upang ipagpatuloy ang tapat at masigasig na paglilingkod.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa lahat ng aking Mga Kapatid na patuloy na sumusuporta, nagtitiwala, at nakikiisa sa adhikain ng maayos at makataong serbisyo. Maraming salamat po sa tiwala at pagkilala. Patuloy po tayong maglilingkod nang may malasakit at puso. 💙
12/12/2025
Maraming salamat, Mga Kapatid!
Taos-puso akong nagpapasalamat sa inyong patuloy na pag-aanyaya sa inyong mga Christmas Party at iba pang pagtitipon. Nakakatuwang maging bahagi ng inyong masasayang selebrasyon at pagkakaisa.
Nawa’y mapuno ng galak, biyaya, at mas magagandang pagkakataon ang taon para sa ating lahat.
Mabuhay ang ating samahan—patuloy tayong magsuportahan at magbigay-inspirasyon sa isa’t isa. 🎄✨
04/12/2025
Maraming salamat, Kap Doc Jem Qui!
Isang malaking karangalan po ang mabigyan ng pagkakataong mag-donate ng mga raffle prizes para sa inyong Christmas Party sa barangay. 🎄🎁
Bilang kapatid sa serbisyo, masaya po akong makabahagi sa isang selebrasyong nagdadala ng saya, pagkakaisa, at diwa ng Pasko sa ating komunidad.
Salamat po sa patuloy ninyong pagtitiwala. Para sa bayan, para sa barangay—para sa bawat Kapatid. ❤️🤝
Handa na ang Grand Prize para sa gaganaping Christmas Party ng ating Barangay! 😍
Maraming salamat sa pag-sponsor Marciano "Papa Tams" Tamayo! 💕