28/09/2026
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136 at Proclamation No. 6 (s. 1992), ginugunita ang Family Week o Kainang Pamilya Mahalaga Day tuwing huling linggo ng Setyembre, bilang pagkilala sa kahalagahan ng pamilya at sa paglalaan ng panahon upang makapagsama-sama, makapagkuwentuhan, at mapatibay ang samahan ng bawat pamilyang Pilipino.
Kaugnay nito, hinihikayat ang lahat na samantalahin ang pagkakataong ito upang makasalo ang pamilya sa hapag-kainan at makapaglaan ng mahalagang oras para sa isaβt isa, sapagkat ang simpleng pagsasama-sama ay mahalagang bahagi ng pagpapatatag ng ugnayan ng pamilya.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang, ipinababatid ng Land Transportation Office (LTO) na simula alas-1:00 ng tanghali ngayong araw, Setyembre 28, 2026 (Lunes), suspendido ang operasyon ng lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa.
Magpapatuloy naman ang regular na operasyon ng lahat ng tanggapan ng LTO bukas, Setyembre 29, 2026 (Martes).
Hinihiling ng LTO ang inyong pang-unawa at hinihikayat ang lahat na gamitin ang pagkakataong ito upang makasama ang pamilya, makapaglaan ng panahon para sa isaβt isa, at higit na mapahalagahan ang mga mahal sa buhay.