15/07/2026
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐩𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. May mga natanggap po kaming ulat mula sa ilang kliyente tungkol sa mga mensaheng 𝐠𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐏𝐀𝐎 𝐨 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭 para 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐡𝐢𝐧𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐢𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐩𝐞𝐫𝐚, 𝐨 𝐢𝐛𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞.
𝐌𝐚𝐠-𝐢𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐩𝐨 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐧𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐞𝐧𝐬𝐚𝐡𝐞.
Ang 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐞𝐡𝐢𝐭𝐢𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐰𝐞𝐛𝐬𝐢𝐭𝐞 𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭 ay:
𝐚𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭.𝐬𝐞𝐧𝐚𝐭𝐞.𝐠𝐨𝐯.𝐩𝐡
Paalala rin po na 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐝𝐚𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐠𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐥𝐢𝐧𝐤 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐨 𝐌𝐞𝐬𝐬𝐞𝐧𝐠𝐞𝐫 𝐚𝐜𝐜𝐨𝐮𝐧𝐭𝐬. Hindi rin po kami humihingi ng bayad, load, GCash, OTP, confirmation code, o sensitibong personal na impormasyon sa chat.
Ang assistance ng SPAO ay hindi cash. Ito ay ipinoproseso sa pamamagitan ng Guarantee Letter, alinsunod sa tamang proseso ng tanggapan.
Kapag may nag-message sa inyo na kahina-hinala, huwag pong mag-click ng link at huwag magbigay ng personal na impormasyon. Mas mabuting i-block at i-report agad ang account.
Para sa ligtas at tamang pag-apply, dumiretso lamang po sa official website:
assist.senate.gov.ph
Huwag magpa-scam. Walang bayad ang assistance ng SPAO.