Serbisyo Erwin Tulfo

Directions

Serbisyo Erwin Tulfo Fan of Erwin Tulfo

24/08/2026

NEW CHARACTERS UNLOCKED? 🌳

18/08/2026

Ingat po sa fake news!!! ANG SABI AY WAG PAKIALAMAN ANG FLOOD CONTROL FUNDS—LEAVE IT TO DPWH. July 23, 2025 pa po ito sinabi ni senador erwin tulfo

17/08/2026

HALA SI WITNESS, NAGPAPANGGAP NA DI MARUNONG MAG-TAGALOG? 😭 shocking

15/08/2026

SUMBONG KAY TULFO.

15/08/2026

SUMBONG NIYO KAY TULFO

  MOVES?LINAW LANG PO TAYO.Una, matagal nang sinabi ni Sen. Erwin Tulfo na wala siyang balak tumakbo sa 2028.Pangalawa, ...
14/08/2026

MOVES?

LINAW LANG PO TAYO.

Una, matagal nang sinabi ni Sen. Erwin Tulfo na wala siyang balak tumakbo sa 2028.

Pangalawa, malinaw ang pahayag ng kanyang kapatid na si Sen. Raffy Tulfo na hindi siya tatakbo sa pagkapangulo at magpopokus sa kanyang re-election sa Senado.

Pangatlo, peke at walang katotohanan ang kumakalat na art card na umano’y mula sa mga online news sites.

Maging mapanuri. Huwag agad maniwala o mag-share ng nakikita online.

Bago mag-share, mag-check muna. Katotohanan muna.

FAKE NEWS ALERT ‼️

May kumakalat na quote card na naglalaman umano ng pahayag ni Senator Erwin Tulfo at gumagamit ng logo at visual template ng One PH.

Nililinaw ng One PH na hindi nagmula sa aming news organization ang naturang quote card. Wala rin itong kaugnayan sa anumang official content na inilabas o ipinamahagi ng One PH.

Ginamit lamang ng gumawa ng naturang post ang aming logo at visual template, na maaaring magdulot ng maling impresyon na ito ay lehitimong content ng One PH.

Hinihikayat namin ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita at ibinabahagi sa social media. I-verify muna ang source at tingnan ang official pages ng One PH bago maniwala o magbahagi ng anumang content na gumagamit ng aming pangalan o branding.

12/08/2026

MAGKANO RAW PINABABALIK NA PONDO MULA SA OVP AT DEPED? 😳🤯

Tama po kayo sen erwin!
02/08/2026

Tama po kayo sen erwin!

ERWIN TULFO SA MGA ELECTRIC COMPANIES: MAKISAMA KAYO SA PAGTANGGAL NG SYSTEM LOSS, MAY SOCIAL RESPONSIBILITY KAYO

MANILA, Philippines — Nakakakuha ng bilyon-bilyong pisong tubo ang mga kumpanya ng kuryente dahil sa ipinapasa nilang system loss sa publiko, habang patuloy namang naghihirap ang mga mamimili.

Ito ang naging pahayag ni Senate Committee on Energy Chairman Erwin Tulfo habang hinihimok ang mga electric companies na makipagtulungan sa pag-aalis ng singil sa system loss sa mga electric bills ng ordinaryong Pilipino.

“Nasaan ang konsepto ng social responsibility sa lahat ng ito? Ang community ay nalulubog sa utang at kahirapan habang sila ay kumikita ng bilyon-bilyong tubo dahil pinipiag nang husto ang mga konsyumer,”pahayag ni Tulfo sa isang panayam sa radyo.

“Hindi ito makatarungan. Bakit ang mga mamamayan ang kailangang magpasan ng mga system loss na ito? Ang mga kumpanya ng kuryente ang dapat na managot sa sarili nilang mga lugi,” dagdag pa ng Senador.

Nangako si Tulfo na tatapusin ang mga pagdinig ng komite bago matapos ang taon upang baguhin ang mga patakarang kasalukuyang nagpapahintulot sa mga kumpanya na ipasa ang singil sa system loss sa mga mamamayan.

“Pagaanin naman natin ang pasanin ng mga Pilipino at alisin ang singil sa system loss. Kung titingnan mo ang bill, ilang daang piso lang 'yan, pero malaking bagay na 'yan sa ating mga mahihirap na kababayan. Pambili na rin 'yan ng bigas o gasolina—malaking tulong talaga,” giit niya.

“Itong mga distributor, generation company na ito, may mga social responsibility naman kayo. Makisama naman kayo. Huwag naman puro kabig lang, tumulak din,” ayon pa kay Tulfo.

Binigyang-diin din ng Senador na ang 25 taong gulang na Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA) ay nangangailangan na ng agarang amyenda upang matupad ang pangunahing layunin nitong makapagbigay ng murang kuryente sa mga Pilipino.

Matatandaang matapos ang panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lehislatura na isulong ang mga patakarang mag-aalis sa singil sa system loss, agad na inihain ni Tulfo ang mga sumusunod na panukalang batas:

- Senate Resolution No. 537: Isang resolusyon upang imbestigahan ang patakaran sa pagpapasa ng singil sa system loss sa mga mamimili
- Senate Bill No. 2239: Pagpapawalang-bisa sa Batas Pambansa Blg. 36 ("Energy Tax Law")
- Senate Bill No. 2340: Pag-aalis sa Value-Added Tax (VAT) sa singil sa system loss

Nakatutok ang pinuno ng Senate Energy Panel na wakasan ang paghihirap ng mga mamimiling Pilipino laban sa naitatalang pagtaas ng presyo ng kuryente, lalo na't may buong suporta ito ng kasalukuyang administrasyon. (END)



01/08/2026

MAY NATULUNGAN NA NAMAN SI SEN ERWIN

Tara na't makinig sa hearing para mapababa ang mga bill ng kuryente sa bansa!
30/07/2026

Tara na't makinig sa hearing para mapababa ang mga bill ng kuryente sa bansa!

Standby for the public hearing of the Committee on Energy to be led by Sen. Erwin Tulfo today, July 30, 2026, at 10 a.m.

AGENDA:

SBNs 63,1477, 1950, 2109 and 2112 - Electric Power Industry Reform Act (Lifeline Rate)

SBN 346 - Act Strengthening the Energy Regulatory Commission (ERC)

SBN 367 - Energy Regulatory Commission Governance Act

SBN 1088 - Act Removing the Public Offering Requirement of Generation Companies

SBN 1091 - Act Prohibiting Cross Ownership Between Generation Companies and Distribution Utilities

SBN 1164 and HBN 6540 - Energy Regulatory Commission (ERC) Reform Act

Privilege Speech of Sen. Erwin T. Tulfo, delivered on July 29, 2026, entitled: “System Loss and Its Impact on Electricity

Address

Senate
Pasay City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Serbisyo Erwin Tulfo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category