25/01/2024
TRABAHO PARA SA PASAYEÑO
Sa pangunguna ni Mayor Imelda "Emi" Calixto-Rubiano, ang Barangay Labor Desk - Reload, kasama ang BELMONT HOTEL MANILA, ay inaanyayahan kayong makilahok sa gaganapin na JOB FAIR ngayong Enero 29 (Lunes) at 30 (Martes), 2024, mula 11:00n.u. hanggang 5:00n.h. sa Private Dining Room, Belmont Hotel Manila, Newport Blvd., Pasay City.
Mangyaring magdala lamang ng mahigit sa tatlong (3) resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop na damit para sa interview at posibleng maging isa sa ating mga Hired On The Spot (HOTS).
29/05/2023
Sa mga interesado po mag apply pakitawagan lang po ang cp number☺
24/05/2023
Magandang Araw mga ka-barangay! Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Imelda "Emi" Calixto-Rubiano, ang Barangay Labor Desk-Reload ay sisimulan na sa ating barangay. Inaanyayahan po ang lahat na makilahok sa programang ito na naglalayong makapagbigay ng kabuhayan para sa lahat. Kaya naman inaasahan ang inyong kooperasyon sa pagsagot ng Skills Registry Survey na aming ipapamigay. Maraming Salamat po... Sa mga naghahanap po ng trabaho magsadya lamang po kayo sa Barangay...
19/05/2023
What: Registration for National ID
When: May 20, 22 & 23, 2023 9am-4pm
Where: Barangay Hall Barangay 64 Zone 8 Pasay City
22/01/2023
Magandang gabi po, bukas po araw ng Lunes, January 23, 2023 ay magkakaroon ng Comelec Satellite Registration ang Zone 8 at kasama po ang Brgy natin doon. Sa mga gusto po magparehistro, magpatransfer, magpareactivate at change/update ng status maaari po kayo magpunta bukas sa Brgy Hall ng Brgy 66 at doon naman po sa mga gusto magparehistro subalit walang valid ID pwede po kayo magsadya sa Brgy Hall para magawan kayo ng Brgy ID..Sa mga kabataan naman po na magkikinse anyos or magdidisiotso anyos bago mag October 31, 2023 ay pwede na din po magparehistro para sa SK, school ID lamang po ang kanilang kailangan or kung wala namang school ID ay pwede din po kayo magpagawa ng Brgy ID sa ating Brgy Hall..Inuulit ko po, bukas araw ng Lunes, January 23,2023 sa ganap na 8:00 AM hanggang 3:00 PM ay magkakaroon po ng Comelec Satelliter Registration na gaganapin sa Brgy Hall ng Brgy 66..Maraming Salamat po☺☺
06/11/2022
Magandang araw po Brgy. 64! Ang lahat po ay iniimbitahan mamaya ng 4 PM para sa ating 2nd semester Barangay Assembly na gaganapin sa harap ng Brgy Hall.
Maraming salamat po!
19/08/2022
Eto po ang mga nagpalista for elementary school supplies.
“PARA SA MGA NAGPALISTA SA FORMS SA BARANGAY HALL PAKI-DOUBLE CHECK PO NG GRADE NG INYONG MGA ESTUDYANTE, MAY MGA NAGKAMALI PO NG FILL OUT. “
Kung nais niyo po i-update. Pwede po pakicomment dito asap.
Maraming Salamat po.
*Buburahin po ang mga nadoble, pasensya na po
16/08/2022
Sa “lahat” po ng nagpalista “kahapon” sa barangay hall para sa school supplies.
Paki-update nalang po ng Grade/Level ng student.
Salamat po.