01/06/2026
HAPPY BIRTHDAY, SK MEJOY! ππ©·ππππ
Isang masayang pagbati para sa kaarawan ng isa sa ating masisipag at maaasahang SK Kagawad, Mary Joy Cabal! Maraming salamat sa iyong dedikasyon at serbisyo. Ang hiling namin para sa iyo ay kasiyahan, kalusugan, kaligtasan, at kasaganahan.
31/05/2026
RE-PACKING OF SCHOOL SUPPLIES
Matapos ang Zumba at Feeding Program natin ngayong araw, nagre-repack naman sa kasalukuyan ang ating masisipag na kawani at SK ng mga SCHOOL SUPPLIES para sa pitong daang (700) mag-aaral ng Barangay 94 mula Kindergarten hanggang Grade 12. Iaanunsyo po namin ang araw ng pamamahagi nito sa bago ang pagbubukas ng klase.
31/05/2026
ZUMBARANGAY 94 AND FEEDING PROGRAM FOR MAY 2026
Tulad ng kanyang ipinangako para sa pagpapalakas ng nutrisyon sa Barangay 94, muling nagsagawa ng ZUMBARANGAY 94 at Feeding Program para sa buwan ng Mayo. Asahan po ninyo na magpapatuloy ang ganitong mga gawin sa buong taon.
30/05/2026
MED IQ MEDICAL CARAVAN FOR YAKAP PHILHEALTH REGISTRANTS
Nagsagawa ng pagpapatala at konsultasyon ang Med IQ Health Care and Diagnostic para sa mga miyembro ng PhilHealth na nais maging bahagi ng YAKAP Program nito. Humigit kulang 50 residente ng Barangay 94 ang nabigyan ng libreng check-up at gamot. Matapos nito, sila rin ay pinayuhang pumunta sa kanilang klinika para naman sa libreng laboratoryo.
30/05/2026
DISTRIBUTION OF EMI FINANCIAL ASSISTANCE
Matagumpay na naipamahagi sa buong Barangay 94 ang Enhanced Monetary Inflation (EMI) Financial Assistance handog ng Pasay- LGU, sa pangunguna ni Mayor Emi Calixto- Rubiano.
Ang programang ito ay naglalayong mabigyan ng tulong ang lahat ng residente sa panahon ng krisis at pagtaas ng presyo ng mga pangunahinh bilihin. Isang taos pusong pasasalamat sa mga kawani ng City Treasurerβs Office at Pasay Social Welfare and Development Department sa pag-alalay.
29/05/2026
PEOPLEβS DAY NI CHAIRMAN LEEROY
Matapos ang 2026 LIGA National Congress, kaagad dumiretso si Chairman Leeroy sa Barangay Hall upang tapusin ang kanyang mga naiwan na gawain at makausap ang mga Kabarangay natin na may nais idulog sa kanya.
Asahan po ninyo na tuloy-tuloy ang ating serbisyo anumang araw at panahon.
29/05/2026
2026 LIGA NG NGA BARANGAY SA PILIPINAS NATIONAL CONGRESS
Dumalo si Chairman Leeroy sa 3-araw na pagpupulong ng mga Punong Barangay sa 2026 Liga ng mga Barangay sa Pilipinas National Congress. Sa temang βRoad to Zero Illiteracy: One Barangay at a time,β pinag-usapan ang mga paraan at pamamaraan upang masiguro na walang bata ang maiiwan sa pagbasa at pagkatuto.
Nagkaroon din ng talakayan patungkol sa darating na Barangay at SK Elections sa Nobyembre hatid ng COMELEC.
27/05/2026
LIBRENG TULI AT GUPIT
Nagkaroon ng libreng tuli at gupit ang tanggapan ng ating LODI sa paglilingkod, Konsehal Luigi Calixto- Rubiano kanina sa P. Zamora Elementary School. Ang mga benepisyaryo ng programa ay personal na sinamahan ni Kagawad Bek Espeleta, Tagapangulo ng Komite sa Kalusugan.
26/05/2026
HAPPY BIRTHDAY, CHAIRMAN LEEROY! πππππ
Isang pagbati para sa kaarawan ng ating pinakamasipag, pinakamaaasahan, at pinakamagaling na Punong Barangay, Chairman Robert LEEROY Lim! Maraming salamat sa iyong hindi matatawarang serbisyo, dedikasyon, at malasakit para sa mga taga-Barangay 94. Dasal namin ang pagpapatuloy ng iyong tapat at higit pa sa sapat na paglilingkod sa mga susunod pang taon. Ikaw ang nagpatunay na pwede pala kaming magkaroon ng Kapitan na handang tumulong at umagapay sa lahat ng oras at panahon na walang hinihintay na kapalit.
Malayo na ang narating natin at naniniwala kaming mas malayo pa ang ating maaabot kapag ikaw ang aming kasama. Maraming paninira, pagpapaawa, mga balakid, at kasinungalingan ang ibabato laban sa iyo pero naniniwala kaming alam ng bawat mamamayan ng ating Barangay ang iyong mga nagawa, ginagawa, at gagawin pa. Nasa likod mo lang kaming lahat upang sumuporta sa iyong magagandang adhikain at pangarap. Mabuhay ka!