18/04/2026
Barangay 183 Villamor Pasay City Barangay Council for the Protection of Children FREE SUMMER TUTORIAL for Incoming Grades 1-6 in partnership with Global Montessori School of Manila Inc.,
Ang tanggapan ng Barangay 183 Women and Family sa pangunguna ni Hon.Gerald John M. Sobrevega ay nagagalak na ipakita ang listahan ng mga estudyanteng kasama sa ating Summer Tutorial 2026!
Ito ay proyekto ng Barangay 183 sa pamumuno ni Hon. Alvin Zuñiga at kanyang konseho katuwang ang GMSMI sa pamumuno ni Dr. Susana Buhay Contillo, School Director.
Ang Opening at Orientation ay gaganapin sa lunes April 20,2026 sa Villamor Air Base Elementary School (VABES) sa ganap na 7:30 ng umaga.
Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga magulang na nagtiwala, sa mga g**o na handang magbahagi ng kaalaman,at sa lahat ng sumusuporta sa programang ito.
Sama-sama nating itaguyod ang mas maliwanag na kinabukasan!
________________________________________
Para sa mga katanungan mangyaring pumunta sa Tanggapan ng Kababaihan at Pamilya at makipag ugnayan sa mga sumusunod:
Kagawad Gerald John M. Sobrevega
Tagapangulo, Tanggapan ng Kababaihan at
Pamilya
Michelle Lico
Kalihim, Tanggapan ng Kababaihan at
Pamilya
14/04/2026
Ang konseho ng Barangay 183 sa pamumuno ni Hon. Alvin Zuñiga Punong Barangay katuwang si Hon. Gerald John M.Sobrevega Committee head ng Women and family (Barangay Council for the Protection of Children) ay kaisa sa pagtataguyod ng edukasyon para sa ating mga kabataan.
Ngayong bakasyon, ating ilulunsad ang Free Summer Tutorial for Incoming Grades 1-6 na nag-aaral sa pampublikong paaralang elementarya, ito ay sa pakikipagtulungan ng Global Montessori School of Manila Inc.,
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng sapat na akademikong suporta at gabay upang masig**o ang pag-unlad ng kaalaman ng ating mga estudyante bago ang susunod na pasukan.
MGA PAMANTAYAN SA PAGSALI (QUALIFICATIONS):
• Residente ng Barangay 183: Bukas para sa lahat ng mga naninirahan sa ating nasasakupan.
• Target Learners: Prayoridad ng programang ito ang mga mag-aaral na hindi kabilang sa Cream Section. Layon nating ituon ang serbisyo sa mga batang higit na nangangailangan ng "remedial" at karagdagang atensyon sa kanilang mga aralin upang mas mapataas ang kanilang kumpyansa sa paaralan.
MGA KAHILINGAN (REQUIREMENTS):
• Photocopy ng Birth Certificate (bilang patunay ng edad).
• Proof of Residency o pagpapatunay na residente ng Barangay 183.
E.g, ID ng magulang na may address sa Barangay 183 Villamor.
DETALYE NG REGISTRATION (Online registration)
Registration form:
https://forms.gle/8tzZdNoHyVz8bA2a9
Para sa iba pang katanungan maaari lamang magtungo sa tanggapan ng kababaihan at pamilya at hanapin ang mga sumusunod:
Kagawad Gerald John M.Sobrevega
Tagapangulo ng Tanggapan ng kababaihan at pamilya
Mitchell Lico
Kalihim, Tanggapan ng kababaihan at pamilya
06/04/2026
𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗯𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗔𝗺𝗲𝘀𝗵𝗮 𝗩𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇! 🎂
From hosting for the WAF Multimedia Team to bringing life into every program, you always stand out with your confidence and charm. You make everything feel effortless, but we know how much hard work is behind it.
Wishing you a day full of happiness and a year filled with more moments where you shine. You deserve it all. 💜
05/04/2026
Isang Level-Up na araw, Barangay 183 Villamor!
Kasabay ng init ng panahon, mas paiinitin pa natin ang pagbibigay-pugay sa ating mga mag-aaral na nagkamit ng karangalan ngayong Taong Panuruan!
Ang lahat ng Grade 11 at Grade 12 na mag-aaral na nag-aaral sa labas ng Villamor pribado man o publiko ngunit kasalukuyang naninirahan sa Barangay 183 ay maaaring makatanggap ng cash incentives mula sa ating barangay:
May Karangalan – ₱500
May Mataas na Karangalan – ₱1,000
May Pinakamataas na Karangalan – ₱2,000
Mga kinakailangang dokumento:
1.Fully accomplished Application Form
2.Report Card
3.School ID na may nakasaad na address
Makipag-ugnayan lamang sa opisina ng Tanggapan ng Kababaihan at Pamilya.
Ang proyektong ito ay mula sa Barangay 183 Villamor bilang pagkilala sa sipag, tiyaga, at tagumpay ng ating mga kabataang mag-aaral.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kina:
Kagawad Gerald John M. Sobrevega
Tagapangulo, Tanggapan ng Kababaihan at Pamilya, Serbisyong Panlipunan
Michelle Lico
Kalihim, Tanggapan ng Kababaihan at Pamilya, Serbisyong Panlipunan
30/03/2026
𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗞𝗔, 𝗙𝗘! 💜
Sa likod ng bawat ngiti ay isang kwento ng tibay at sakripisyo.
Kilalanin si 𝗙𝗲 𝗕. 𝗥𝗼𝗮𝗱𝗲𝗹, 53 taong gulang mula sa Zone 5. Isang masipag na vendor at kinatawan ng Villamor Talipapa Association.
Bilang isang solo parent, buong tapang niyang hinaharap ang buhay para sa kanyang mga anak. Sa kabila ng pagsubok na iwan siya at ng pagkakaroon ng anak na may kapansanan, nananatili siyang matatag at patuloy na lumalaban para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.
Si 𝗙𝗲 ay patunay na ang tunay na lakas ng isang babae ay nasusukat sa kanyang kakayahang bumangon, magpatuloy, at magmahal nang walang kapalit.
Isang inspirasyon. Isang ina. Isang matatag na babae. 💜
______________________________________________
Para sa iba pang katanungan tungkol sa Buwan ng Kababaihan, makipag-ugnayan lamang sa Opisina ng Kababaihan at Pamilya o hanapin ang mga sumusunod:
𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗦𝗼𝗯𝗿𝗲𝘃𝗲𝗴𝗮
Tagapangulo, Committee of Women and Family
𝗠𝗶𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗟𝗶𝗰𝗼
Kalihim sa Administrasyon ng Women and Family
💜
30/03/2026
𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋. 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀. 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘.
Sa barangay na patuloy na lumilikha ng mga huwaran, ating itinataas ang pangalan ng mga natatanging indibidwal na nagkamit ng karangalang hindi lamang titulo kundi simbolo ng kanilang sakripisyo, lakas, at walang sawang paglilingkod.
Isang makasaysayang tagumpay, sapagkat sila ay napili at pinarangalan mula sa 201 barangay sa buong Pasay City—isang patunay ng kanilang natatanging ambag at inspirasyong hatid sa komunidad. ✨
𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗠. 𝗦𝗼𝗯𝗿𝗲𝘃𝗲𝗴𝗮
🏆 Men as Nurturers and Caregivers
Patunay na ang tunay na lakas ng kalalakihan ay nasusukat sa kakayahang mag-aruga, maglingkod, at magtaguyod ng pamilya.
𝗔𝘆𝗹𝗲𝗻𝗲 𝗔𝗯𝗶𝗴𝗮𝗲𝗹 𝗩. 𝗙𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗿 (𝗔𝗯𝗯𝘆 𝗙𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗿)
🏆 Women in the Corporate World
Larawan ng kababaihang matapang, determinado, at nangingibabaw sa mundo ng propesyon.
𝗞𝗮𝘁𝗵𝗹𝗲𝗲𝗻 𝗞𝗮𝘆𝗲 𝗗. 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗶𝗹𝗹𝗲
🏆 Solo Parent Woman
Isang inang walang inuurungan. Lumalaban, nagsasakripisyo, at patuloy na tumatayo para sa kanyang pamilya.
𝗡𝗼𝗿𝗺𝗶𝘁𝗮 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼
🏆 Senior Citizen Woman Leader
Isang lider na hindi pinipigil ng edad bagkus ay lalo pang pinatatag ng karanasan at paninindigan.
Ang parangal na ito ay bahagi ng Her Story: Honoring Pasayeño Women of Impact, na ginanap noong March 24, 2026 sa La Parc Event Hall, Pasay City—isang gabi ng pagkilala sa mga kababaihan at lider na tunay na nagbibigay-inspirasyon sa lipunan.
Sila ang tibok ng ating komunidad. Mga pangalang dapat kilalanin, igalang, at ipagmalaki! ✨
Maraming salamat din sa Pasay City Social Welfare and Development Department sa pangunguna ni Mary Chris Balictar, RSW, at sa buong pamunuan ng Lungsod ng Pasay sa pangunguna ng ating butihing alkalde, Hon. Emi Calixto-Rubiano, para sa karangalang ito. 💜
Isang pagpupugay sa mga buhay na patunay na ang tunay na dangal ay isinasabuhay! 💜
💜
29/03/2026
𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗞𝗔, 𝗦𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔! 💜
Sa edad na 50, si 𝗦𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮 𝗘𝗻𝗱𝗿𝗶𝗻𝗮 ay isang matatag na haligi ng kaniyang pamilya—isang inang may apat na anak na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay, kabilang ang pag-aaruga sa isa niyang anak na may kapansanan (PWD). Sa kabila ng bigat ng responsibilidad, hindi siya sumusuko; sa halip, lalo pa niyang pinatatag ang kaniyang loob at pananampalataya.
Bilang isang caregiver, araw-araw niyang isinasabuhay ang malasakit at pag-aaruga—hindi lamang para sa kaniyang mga pasyente kundi higit sa lahat para sa kaniyang sariling pamilya. Ang kaniyang trabaho ay hindi lang hanapbuhay, kundi isang misyon ng pagmamahal at dedikasyon.
Bukod dito, nagsisilbi rin siya bilang Auditor ng Villamor Solo Parent Group—patunay ng kaniyang aktibong pakikilahok at malasakit sa kapwa, lalo na sa mga kapwa niya magulang na nagsusumikap magtaguyod ng pamilya.
Si 𝗦𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮 𝗘𝗻𝗱𝗿𝗶𝗻𝗮 ay isang inspirasyon ng katatagan, sakripisyo, at walang sawang pagmamahal—isang tunay na larawan ng isang KakaiBABAE na patuloy na tumatayo hindi lamang para sa sarili, kundi para sa kaniyang pamilya at komunidad.
______________________________
Para sa iba pang katanungan tungkol sa Buwan ng Kababaihan, makipag-ugnayan lamang sa Opisina ng Kababaihan at Pamilya o hanapin ang mga sumusunod:
𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗦𝗼𝗯𝗿𝗲𝘃𝗲𝗴𝗮
Tagapangulo, Committee of Women and Family
𝗠𝗶𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗟𝗶𝗰𝗼
Kalihim sa Administrasyon ng Women and Family
💜
28/03/2026
𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗞𝗔, 𝗡𝗘𝗟𝗜𝗗𝗔! 💜
Sa edad na 67, si 𝗡𝗲𝗹𝗶𝗱𝗮 𝗖𝗮𝗻𝘀𝗼𝗻 𝗜𝗴𝗼𝘁 ay isang buhay na patunay ng walang kapantay na pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon ng isang ina. Taas-noo niyang ipinagmamalaki na ang kaniyang anim na anak ay pawang nakapagtapos na sa kanilang pag-aaral—isang bunga ng kaniyang walang sawang pagsusumikap at pagtitiyaga sa buhay.
Sa kabila ng mga hamon, patuloy niyang inaalagaan nang buong puso ang isa pa niyang anak na may kapansanan (PWD), pinapakita ang tunay na kahulugan ng malasakit at pagmamahal ng isang magulang.
Labindalawang taon na rin siyang tapat na naglilingkod bilang staff sa tanggapan ng mga Senior Citizens at PWDs sa kanilang barangay. Bukod dito, aktibo rin siyang miyembro ng Greeters and Collectors Guild at Mother Butler Guild sa St. Therese of the Child Jesus, Villamor Chapter—patunay ng kaniyang pusong handang maglingkod hindi lamang sa pamilya kundi pati sa komunidad at simbahan.
Si 𝗡𝗲𝗹𝗶𝗱𝗮 𝗖𝗮𝗻𝘀𝗼𝗻 𝗜𝗴𝗼𝘁 ay isang inspirasyon—isang ina, asawa, at lingkod-bayan na patuloy na nagbibigay liwanag at pag-asa sa iba sa pamamagitan ng kaniyang kabutihan, katatagan, at malasakit.
______________________________________________
Para sa iba pang katanungan tungkol sa Buwan ng Kababaihan, makipag-ugnayan lamang sa Opisina ng Kababaihan at Pamilya o hanapin ang mga sumusunod:
𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗦𝗼𝗯𝗿𝗲𝘃𝗲𝗴𝗮
Tagapangulo, Committee of Women and Family
𝗠𝗶𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗟𝗶𝗰𝗼
Kalihim sa Administrasyon ng Women and Family
💜
27/03/2026
KAKAIBABAE KA, MARISSA! 💜
Ating kilalanin at ipagmalaki ang isang huwarang babae sa ating komunidad, Marissa B. Viloria.
Sa edad na 56, patuloy niyang pinapakita ang tunay na diwa ng pagiging lider at lingkod-bayan bilang kasalukuyang Vice President ng KALIPI – Villamor Chapter mula 2022 hanggang sa kasalukuyan, at dating Pangulo ng Villamor Air Base Elementary School GPTA mula 2017 hanggang 2021. Isa rin siyang aktibong miyembro ng Christian community bilang finance volunteer, at nagsisilbing Accredited Sales Team Leader sa UrbanDecaGold Prime Realty.
Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, hindi niya kinakalimutang maglingkod at makibahagi sa ating komunidad. Kilala siya bilang madaling lapitan, mapagkakatiwalaan, at laging handang tumulong. Higit pa rito, siya ay isang masipag at mapagmahal na ina na nagbibigay inspirasyon sa marami.
Ang kanyang dedikasyon, malasakit, at positibong impluwensya ay tunay na karapat-dapat kilalanin at ipagdiwang. Isa siyang patunay na ang lakas ng kababaihan ay nasa puso ng bawat komunidad.
Mabuhay ang kababaihan! 💜
______________________________________________
Para sa iba pang katanungan tungkol sa Buwan ng Kababaihan, makipag-ugnayan lamang sa Opisina ng Kababaihan at Pamilya o hanapin ang mga sumusunod:
𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗦𝗼𝗯𝗿𝗲𝘃𝗲𝗴𝗮
Tagapangulo, Committee of Women and Family
𝗠𝗶𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗟𝗶𝗰𝗼
Kalihim sa Administrasyon ng Women and Family
💜
25/03/2026
𝗞𝗔𝗞𝗔𝗜𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗞𝗔, 𝗔𝗡𝗚𝗘𝗟𝗜𝗡𝗘! 💜
Si 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗗𝘂𝗮𝗽𝗮, pangulo ng EPLC, ay isang babaeng nakalaan sa dakilang bagay. Makikita ito sa kaniyang walang sawang pagsisikap—kahit gaano man kahirap ang buhay, hindi siya naghintay na maging madali ang lahat; siya mismo ang gumawa ng paraan upang magtagumpay.
Taglay niya ang pusong matatag at handang mamuno, kasabay ng pagnanais na matuto at lumago. Kahit mahirap, natutunan niyang panatilihin ang pagiging balanse sa buhay habang hinaharap ang bawat hamon nang may tapang at determinasyon. Natutunan niyang harapin ang lahat at ayusin ang mga bagay sa sariling paraan, kahit may mga hindi nakakaintindi o nagpapahalaga sa kaniya.
Ngayon, hindi na niya kailangang patunayan ang sarili sa sinuman. Kung hindi siya naiintindihan ng iba, nakatatak na sa isipin niya na hindi niya na iyon problema. Pinipili niyang maging masaya sa sariling kumpanya at hayaan ang buhay na dumaloy ayon sa tamang panahon.
Si 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗗𝘂𝗮𝗽𝗮 ay isang inspirasyon—isang babaeng may tibay, talino, at puso na handang manguna, magsilbi, at magtagumpay nang may dignidad.
______________________________________________
Para sa iba pang katanungan tungkol sa Buwan ng Kababaihan, makipag-ugnayan lamang sa Opisina ng Kababaihan at Pamilya o hanapin ang mga sumusunod:
𝗞𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗦𝗼𝗯𝗿𝗲𝘃𝗲𝗴𝗮
Tagapangulo, Committee of Women and Family
𝗠𝗶𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗟𝗶𝗰𝗼
Kalihim sa Administrasyon ng Women and Family
💜
24/03/2026
𝗣𝗿𝗼𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝗵 𝗜𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗠𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗣𝗖𝗦𝗛𝗦 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 ✨
Isinagawa noong Marso 23, 2026 hanggang ngayong Marso 24, 2026 ang pagproseso ng cash incentives para sa mga Grade 11 at Grade 12 na mag-aaral ng Pasay City South High School na nakamit ang With Honors, With High Honors, at With Highest Honors.
Ang unang araw ay ginanap sa Sangguniang Kabataan Office, at ipinagpapatuloy ngayon sa Barangay 183 Women and Family Office hanggang Marso 25, 2026, upang mas mapabilis at mapalapit ang serbisyo sa ating mga kabataan. ✊🏻
Cash Incentives:
🥉 With Honors - 500 pesos
🥈 With High Honors - 1,000 pesos
🥇 With Highest Honors - 2,000 pesos
Patuloy nating kinikilala at sinusuportahan ang sipag at tagumpay ng ating mga estudyante—isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. At syempre, ito po ay handog sa atin ng Barangay 183, Zone 20, Villamor Council! 👏🏻
_______________________________________________________________
Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan lamang sa Opisina ng Kababaihan at Pamilya o hanapin ang mga sumusunod:
Kagawad Gerald John Sobrevega
Tagapangulo, Committee of Women and Family
𝗠𝗶𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗟𝗶𝗰𝗼
Kalihim sa Administrasyon ng Women and Family
💚
24/03/2026
𝗛𝗮𝗽𝗽𝗶𝗲𝘀𝘁 𝗕𝗶𝗿𝘁𝗵𝗱𝗮𝘆, 𝗬𝘂𝘁𝗼𝗺𝗼! 💗
Your journey is one defined by perseverance, passion, and purpose. We’ve seen how you pour your heart into everything you do, how you carry responsibilities with courage, and how you stand firm even when the path is not easy.
May life continue to reward your efforts with moments of triumph and growth. May your dreams stretch far beyond the horizon, and may you always find the strength to chase them without fear. Keep shining, keep striving, and keep becoming—because the best is yet to come.
Continue becoming the kind of leader the future will be proud of. ✨