13/10/2025
Para muling magbahagi ng kaniyang kaalaman tungkol sa likas na paggamot at natural na medisina, muling nagbabalik ang naturopathy doctor ng bayan.
Arturo "Doc Atoie" Arboleda
Mamaya na po ito 12:00 N.T. - 4:00 N.H.
09/10/2025
Magkakaron po ng Bazaar sa Oktubre 23-24 at 27 to 29, 2025 sa loob ng Bulwagan ng Lungsod Pasay. Ang lahat po ay malugod naming inaanyahang pumunta pumunta at mamili.
Maraming salamat po.
02/10/2025
ALAM MO BA?
Si Francis Burton Harrison ay isang Amerikanong pulitiko na nagsilbing Gobernador-Heneral ng Pilipinas mula 1913 hanggang 1921. Bilang gobernador, ipinakilala niya ang mga reporma upang mai - "Filipinize" ang pamahalaan, na nagbigay daan sa mas malaking pakikilahok ng mga Pilipino sa pamahalaan at paghahanda para sa kalayaan. Siya rin ang nagpatibay ng Jones Law noong 1916, na nagbigay ng mas malawak na awtonomiya sa Pilipinas at nagtakda ng landas patungo sa kalayaan.
Matapos ang kanyang panunungkulan, naglingkod siya bilang tagapayo ng mga pangulo ng Pilipinas, kabilang sina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña. Sa kabila ng kanyang mga kontribusyon, nakatanggap siya ng mga papuri mula sa mga Pilipino at kritisismo mula sa mga konserbatibong Amerikano na nag-aakalang siya'y masyadong pabor sa mga Pilipino. Namatay siya noong Nobyembre 21, 1957, at inilibing sa Cementerio del Norte o mas kilala sa tawag na Manila North Cemetery.
25/08/2025
Sa araw na ito, ating ginugunita ang tapang at sakripisyo ng ating mga bayani—kilala man o hindi—na nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng ating bayan. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanilang kagitingan upang patuloy tayong magtulungan sa pagbuo ng isang makatarungan, nagkakaisa, at mahabaging Pilipinas. Ang tunay na kabayanihan ay nananalaytay sa bawat Pilipino na inuuna ang kapakanan ng iba bago ang sarili.
Mabuhay ang bayaning Pilipino!
16/08/2025
Maligayang Kaarawan sa pinakamamahal naming Alkalde!
Kgg. Mayor Emi Calixto-Rubiano!!!
HAPPY BIRTHDAY, MAYOR EMI!
Ang Pamahalaang Lungsod Pasay kaisa ng bawat Pamilyang Pasayeño ay malugod na bumabati sa Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ng Maligayang ika-65 Kaarawan.
Nawa ay patuloy ka pang maging biyaya sa bawat isa sa patuloy na pagyakap, pagmamahal at pagbibigay ng Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod.
10/05/2025
Magiliw po naming binabati ang kagalang-galang na kinatawan ng Lungsod Pasay.
Maligayang kaarawan, Congressman Antonino G. Calixto.!
22/04/2025
Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, Komisyon sa Wikang Filipino, at ang Pambansang Lupon sa Pagpapaunlad ng Aklat o National Book Development Board – Philippines alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015, ating ipinagdiriwang ang National Literature Month o Buwan ng Panitikan ngayong darating na Abril.