POSU PASAY

Call Directions Contact the organization

POSU PASAY Public Order and Safety Unit

Courtesy Call to Mayora with team POSU 🫶
17/08/2026

Courtesy Call to Mayora
with team POSU 🫶

Maligayang Kaarawan, Hon. Mayor Emi Calixto-Rubiano 🎉🎂Nawa’y pagkalooban po kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at ...
16/08/2026

Maligayang Kaarawan,
Hon. Mayor Emi Calixto-Rubiano 🎉🎂
Nawa’y pagkalooban po kayo ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at patuloy na lakas at karunungan sa inyong paglilingkod sa ating lungsod Pasay. Ang buong team POSU ay nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta sa aming hanay, Maraming pagpapala at magandang buhay po sa inyo.

Happy Birthday po, Mayora!
🫶🫶🫶 🙏

Sa kasalukuyan, nasa Red Rainfall Warning pa rin ang Metro Manila dulot ng patuloy na pag-ulan na dala ng Habagat.Patulo...
09/08/2026

Sa kasalukuyan, nasa Red Rainfall Warning pa rin ang Metro Manila dulot ng patuloy na pag-ulan na dala ng Habagat.

Patuloy ang Public Order and Safety Unit (POSU) sa pagsuporta sa mga lead agencies, sa pangunguna ng tanggapan ng Alkalde (Mayor's Office), kabilang ang Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD), sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan ng Pasay na apektado ng masamang panahon.

Kabilang sa mga isinasagawang suporta ang repacking at delivery ng relief goods, paghahanda at pag-aayos ng beds at tents, at paglalaan ng iba pang pangunahing pangangailangan sa mga evacuation site.

Patuloy ang POSU sa pagiging handa at maagap sa anumang atas upang makatulong sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Kanina, nakiisa ang Public Order and Safety Unit (POSU) sa Pasay Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD)...
06/08/2026

Kanina, nakiisa ang Public Order and Safety Unit (POSU) sa Pasay Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) sa paghahanda at pagre-repack ng mga relief goods, gayundin sa paghahanda ng mga tents at iba pang kagamitan bilang bahagi ng pre-disaster preparations ng Pamahalaang Lungsod Pasay para sa inaasahang epekto ng Bagyong May-may

Patuloy ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga tanggapan upang matiyak ang agarang pagtugon at maayos na serbisyo sa ating mga kababayan gayun din ang kahandaan sa pagtugon sa mga maaaring maging epekto ng masamang panahon dulot ng hanging habagat.

2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)Lead by PCDRRMO
18/06/2026

2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)
Lead by PCDRRMO

Bilang suporta sa pangunguna ng  Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) katuwang ang PNP Pasay, nakibah...
13/06/2026

Bilang suporta sa pangunguna ng Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) katuwang ang PNP Pasay, nakibahagi ang Public Order and Safety Unit (POSU) sa isinagawang Joint Operation Oplan Galugad/Bulabog noong Hunyo 11–12, 2026.

Layunin ng operasyon na matukoy at mabigyan ng kaukulang interbensyon ang mga menor de edad na sangkot sa paggamit ng solvent o rugby, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaayusan at pangangalaga sa kapakanan ng kabataan sa lungsod.

Sa pangunguna ng Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) at DSWD-NCR, isinagawa ang Massive Reach Out Op...
10/06/2026

Sa pangunguna ng Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD) at DSWD-NCR, isinagawa ang Massive Reach Out Operation – Oplan Pag-abot, na naglalayong maabot at mabigyan ng kaukulang serbisyo ang mga kababayan nating nasa street situation, kabilang ang mga nakatira sa lansangan, tulay, at mga mobile vendor

Tumugon at nagsilbi ang POSU bilang tagapagpanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga miyembro ng operasyon at ng mga indibidwal na kanilang inaabot.

Serbisyong may malasakit, kaayusang may pagkakaisa.

📢 POSU on dutyBilang tugon sa kahilingan ng Philippine National Police (PNP) -PASAY, nakikiisa ang Public Order and Safe...
04/06/2026

📢 POSU on duty

Bilang tugon sa kahilingan ng Philippine National Police (PNP) -PASAY, nakikiisa ang Public Order and Safety Unit (POSU) sa pagsasagawa ng clearing operations simula Hunyo 3, 2026, kaugnay ng pagtanggal ng mga pansamantalang istrukturang itinayo ng mga raliyista sa kahabaan ng Diokno Boulevard at paligid ng Senate Building.

Ang operasyon ay isinagawa upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng mga mamamayan, habang patuloy na iginagalang ang karapatan ng bawat isa na maipahayag ang kanilang saloobin sa paraang naaayon sa batas.

Patuloy na magseserbisyo at makikipag-ugnayan ang POSU sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang ligtas, maayos, at disiplinadong Lungsod ng Pasay.




Sa pangunguna ng ating mahal na Mayor at ng LGU Pasay Nakiisa ang buong pwersa ng Public Order and Safety Unit (POSU) sa...
26/01/2026

Sa pangunguna ng ating mahal na Mayor at ng LGU Pasay Nakiisa ang buong pwersa ng Public Order and Safety Unit (POSU) sa makulay at makasaysayang
Fiesta Del Sto. Niño
Grand Parade 2026
noong nakaraang Linggo.
Sama-samang pagdiriwang ng pananampalataya, kultura, at pagkakaisa ng komunidad.
Viva Sto. NIÑO!

13/01/2026

Address

FB Harrison Street
Pasay City
1300

Telephone

+63288318840

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when POSU PASAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to POSU PASAY:

Shortcuts

Share