01/06/2026
SECRETARY ERWIN R. PASTORAL
May 1, 1968 – June 1, 2026
Lubos naming ipinagdarasal ang kanyang kaluluwa at ipinapaabot ang aming taos-pusong pakikiramay sa naiwang pamilya at mga mahal sa buhay.
Ang iyong kabutihan, pagmamahal, at mga alaala ay mananatiling buhay sa aming mga puso magpakailanman.
Paalam at Maraming Salamat, Sec. Erwin. Magpahinga ka na sa piling ng Poong Maykapal.
"Habang may alaala, hindi kailanman mawawala."
01/06/2026
MATAGUMPAY NA PAGBUBUKAS NG BARANGAY 54 BADMINTON ACADEMY AT BOSS KAP WOMEN'S VOLLEYBALL LEAGUE 2026
Isang makulay at matagumpay na Parade at Opening Ceremony ang naisagawa ngayong Mayo 30, 2026 para sa Barangay 54 Badminton Academy (BBA54) at Boss Kap Women's Volleyball League 2026, katuwang ang ating mga kaibigan mula sa Barangay 51.
Pinatunayan ng mga kalahok, magulang, coaches, volunteers, at mga opisyal ng barangay ang kanilang suporta sa mga programang naglalayong paunlarin ang kakayahan ng kabataan at kababaihan sa larangan ng palakasan. Naging masigla ang programa sa pamamagitan ng parada, panunumpa ng mga manlalaro, at pormal na pagbubukas ng mga paligsahan na sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, disiplina, at sportsmanship.
Ang programang ito ay bahagi ng patuloy na adhikain ng Barangay 54 na hikayatin ang isang malusog, aktibo, at nagkakaisang komunidad sa pamamagitan ng sports at positibong pakikilahok ng mamamayan.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maging matagumpay ang okasyong ito. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa ating mga manlalaro upang ipakita ang kanilang husay, dedikasyon, at pagmamahal sa palakasan.
Mabuhay ang Barangay 54! Mabuhay ang ating mga manlalaro! Laro para sa pagkakaisa, disiplina, at tagumpay!
27/05/2026
Monday Flag raising ceremony.
May 25, 2026
27/05/2026
Building champions, character, and community one game at a time!
Where our youth learn discipline, teamwork, and sportsmanship.
27/05/2026
Building brighter futures, one child at a time!
Barangay 54 Community Learning Hub (B54CLH) Batch 3 continues to empower Kinder to Grade 2 learners through fun, meaningful, and engaging learning activities using the Marungko Approach. Together, we nurture reading, writing, counting, and comprehension skills to help every child grow with confidence and succeed.
We are still accepting new learners!
Be part of our growing learning community and let’s shape a brighter tomorrow for our children.
24/05/2026
YEZumba 54 NA!
Simulan ang inyong Linggo nang masigla, masaya, at healthy!
Inaanyayahan ang lahat ng ka-Barangay na makiisa sa ating Modern Dance Aero Fitness kasama si ZIN Mitch!
Perfect ito para sa lahat ng edad na gustong gumalaw, mag-exercise, at makisaya kasama ang buong komunidad.
📅 Tuwing Linggo
⏰ 6:30 AM – 8:00 AM
📍 Barangay Gym, Barangay 54
✅ Open for all ages
✅ Fun and energetic workout
✅ Libre at pampalusog ng katawan
Tara na at sabay-sabay nating palakasin ang katawan at samahan ng ating barangay!
Kita-kits mga ka-Barangay!
24/05/2026
Taos-pusong pasasalamat po mula sa pamunuan ng Barangay 54 sa matagumpay na pagsasagawa ng Libreng Tuli Program para sa mga batang lalaki ng ating barangay.
Maraming salamat sa inyong malasakit, oras, at serbisyong medikal na nagbigay ng tulong at ngiti sa ating mga kabataan at kanilang mga pamilya.
Lubos po naming pinasasalamatan ang mga sumusunod:
Philippine Medical Association
Pasay Parañaque Medical Society
Philippine Academy of Medical Specialist
Doctors and Nurses from Adventist Medical Center Manila
Doctors and Nurses from San Juan De Dios Hospital
Doctors from Ospital ng Parañaque
Nanay Partylist
Lipi ng Kababaihan ng Barangay 42
Mayor Imelda Mayor Emi Calixto-Rubiano
Vice Mayor Mark Calixto
Councilor Luigi Calixto Rubiano
Ang inyong suporta at pakikiisa ay malaking bahagi ng tagumpay ng programang ito. Nawa’y patuloy po nating mapaglingkuran ang ating komunidad sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan at malasakit sa bawat mamamayan.
23/05/2026
WEEKLY CLEAN UP DRIVE
w/ Barangay Official, Lupon, Tanod, and Volunteers
May 23, 2026
National Barangay Operations Office - NBOO