Senator Robinhood Padilla

Senator Robinhood Padilla

Share

Senator Robin Padilla

02/06/2026
Photos from Senator Robinhood Padilla's post 01/06/2026

Sa gitna ng lumalakas na ingay sa social media, mahalagang manaig ang katotohanan.

Sa ilalim ng SRN 412, isinusulong ni Sen. Robin Padilla ang masusing imbestigasyon sa naganap na security breach sa Senado. Layunin nitong palakasin ang seguridad, protektahan ang mga manggagawa, at itaguyod ang mas responsable at maayos na pag-uulat sa panahon ng krisis.

Sa ganitong usapin, nararapat ang mahinahong talakayan. Ikaw, ano ang masasabi mo rito?




01/06/2026

20TH CONGRESS | FIRST REGULAR SESSION PLENARY SESSION NO. 69

01/06/2026

Maligayang kaarawan, Senador Ping!

Isang malaking karangalan para sa akin ang mabigyang-buhay ang inyong kuwento sa pelikula. Dahil doon, mas nailapit sa akin ang inyong mga prinsipyo, tapang, disiplina, at dedikasyon.

Sa inyong espesyal na araw, hangad ko po ang inyong mabuting kalusugan, kaligayahan, at patuloy na pagpala sa inyo at sa inyong buong pamilya.

Saludo po ako sa inyo!

01/06/2026

Daily Tribune

"Ang tumitindig para sa kalayaan at soberanya ng kanyang bayan, o ang handang ipaubaya sa dayuhan ang paghusga at pagdidikta sa mga Pilipino?"

31/05/2026

Maligayang kaarawan, Vice President Sara Duterte!

Nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati sa iyong espesyal na araw. Nawa’y patuloy kang pagkalooban ng mabuting kalusugan, karunungan, at gabay sa pagtupad ng iyong mga tungkulin para sa bayan.

31/05/2026

Isang buwang puno ng aksyon, serbisyo, at dedikasyon para sa bayan!

Silipin ang walang humpay na pagkilos ni Senador Robin Padilla sa pagsusulong ng mga reporma, pakikilahok sa mahahalagang usapin ng edukasyon at kultura, at pakikiisa sa mga adhikain ng kapayapaan at pagkakaisa ngayong pagtatapos ng Mayo.

I-like ang post at i-share ang video para mas maraming Pilipino ang makaalam ng mga naging hakbang at kaganapan sa huling linggo ng Mayo.




Photos from Senator Robinhood Padilla's post 30/05/2026

Huwag puro huli lang. Ang hiling ng taumbayan, totoong parusa at pananagutan.

Dito pumapasok ang Senate Bill No. 602 o Anti-Scalawag Act na isinusulong ni Sen. Robin Padilla. Layon nitong lagyan ng pangil ang batas laban sa mga tiwali sa gobyerno.

I-swipe ang post para malaman kung paano ka maaapektuhan ng panukalang ito. Huwag din kalimutang i-save at i-share sa mga kakilala mong pagod na rin sa mga scalawag.




30/05/2026

Sa bawat posisyon o kapangyarihang ipinagkakaloob ng taumbayan, kaakibat nito ang mas mataas na antas ng pananagutan.

Ito ang tinutugunan ng SBN 602 o Anti-Scalawag Act ni Sen. Robin Padilla laban sa mga abusadong nasa kapangyarihan. Panoorin ang video para sa buong detalye ng panukala.

Sang-ayon ka ba rito? Ituloy natin ang diskusyon sa comment section.




29/05/2026

Kapag pera ng taumbayan ang usapan, dapat malinaw kung saan napupunta ang bawat sentimo.

Upang matiyak ito, isinusulong ni Senador Robin Padilla ang Senate Bill 1299 o ang “Mahiya Naman Kayo Act.” Layon nitong ilayo ang kamay ng mga mambabatas sa national budget, local projects, bidding, at mga kontrata ng pamahalaan upang wakasan ang korapsyon at political favoritism.

Sa tingin mo, makakatulong ba ito tungo sa isang mas tapat at transparent na pamamahala? I-comment ang iyong opinyon at i-share ang post na ito!




Want your business to be the top-listed Government Service in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Senate Of The
Pasay City