Barangay 172 Zone 17

Directions

Barangay 172 Zone 17 The Official page of Barangay 172 Zone 17 Malibay, Pasay City.

LIWANAG AT PAG-ASA PARA SA ATING KOMUNIDAD! Patuloy ang ating pagsisikap na maghatid ng liwanag at kaunlaran sa bawat su...
10/10/2026

LIWANAG AT PAG-ASA PARA SA ATING KOMUNIDAD!

Patuloy ang ating pagsisikap na maghatid ng liwanag at kaunlaran sa bawat sulok ng ating komunidad!

Matagumpay na ikinabit ang ating BBM Solar Lights sa mga street upang makatulong sa pagbibigay-liwanag sa ating mga kalsada at mapabuti ang kaligtasan ng ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, patuloy nating isinusulong ang mas maliwanag, mas ligtas, at mas maunlad na pamayanan.

Serbisyong may malasakit, proyektong may liwanag!

📢 ROAD REHABILITATION UPDATE | GERONIMO STREETMuling nagsagawa ng pagpupulong sina Kap. Rodelio “Doddy” I. Domingo ng Ba...
09/10/2026

📢 ROAD REHABILITATION UPDATE | GERONIMO STREET

Muling nagsagawa ng pagpupulong sina Kap. Rodelio “Doddy” I. Domingo ng Barangay 172 at Kap. Rodolfo “Dolphy” Faderes ng Barangay 173, kasama ang City Engineering Office at Calimbas Construction, upang plantsahin ang mga susunod na hakbang at iskedyul para sa pagpapatuloy ng road rehabilitation sa Geronimo Street.

Layunin ng meeting na masiguro na maayos, tuloy-tuloy at ligtas ang pagsasagawa ng concreting hanggang sa matapos ang proyekto.

🛠️ NAPAGKASUNDUAN:

📌 OCTOBER 7–12
• Pagbabaon ng mga natitirang tubo
• Paghahanda at pagpapatag ng daan

📌 OCTOBER 13
• Simula ng pagkokonkreto (150 meters)
• Mula sa kanto ng P. Santos hanggang lampas ng San Diego

📌 OCTOBER 20–21
• Pagbubuhos ng semento sa huling bahagi, mula San Diego hanggang dulo

🚫 MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ang pagdaan ng motor, e-bike, sidecar at anumang uri ng sasakyan sa bahaging isine-semento upang maiwasan ang pagkasira ng bagong konkreto.

🚶 Para naman sa mga pedestrian, 5 oras muna ang kinakailangang hintayin bago maaaring lakaran ang bagong sementadong bahagi.

Patuloy ang koordinasyon ng Barangay 172, Barangay 173, City Engineering Office at Calimbas Construction upang maisakatuparan ang proyekto sa lalong madaling panahon.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pagtitiis at pakikiisa. Kaunting tiis na lamang para sa mas ligtas, maayos at matatag na Geronimo Street.

Monthly Meeting ng ating mga Barangay OfficialsPatuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas maayos, ligtas,...
08/10/2026

Monthly Meeting ng ating mga Barangay Officials

Patuloy ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas maayos, ligtas, at progresibong barangay. Sa bawat pagpupulong, sama-sama nating tinatalakay ang mahahalagang usapin, proyekto, programa, at mga hakbang na makatutulong sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Serbisyong tapat, pagkakaisang matatag, para sa bawat mamamayan!

🇵🇭 MONDAY FLAG RAISING CEREMONYSinimulan natin ang panibagong linggo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Flag Raising Cerem...
06/10/2026

🇵🇭 MONDAY FLAG RAISING CEREMONY

Sinimulan natin ang panibagong linggo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Flag Raising
Ceremony tuwing Lunes ng umaga sa ating Barangay.

Ang simpleng seremonyang ito ay nagsisilbing pagpapakita ng ating pagmamahal sa bayan, paggalang sa ating watawat, at pagkakaisa bilang isang komunidad. Ito rin ay paalala sa bawat isa na patuloy nating isabuhay ang disiplina, responsibilidad, at malasakit sa ating kapwa.

Maraming salamat sa lahat ng barangay officials, kawani, at mga kabarangay na patuloy na nakikiisa sa ating lingguhang flag ceremony.

Sama-sama nating simulan ang bawat linggo nang may pagkakaisa, pagmamalaki, at pagmamahal sa ating bayan!

Cash Incentives for Barangay 172 ALS Community Learning Center First Quarter Examination PassersPagpupugay at pagbibigay...
05/10/2026

Cash Incentives for Barangay 172 ALS Community Learning Center First Quarter Examination Passers

Pagpupugay at pagbibigay ng cash incentives sa ating mga mag-aaral sa ALS na matagumpay na pumasa sa First Quarter Examination. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.

Distribution of ALS Uniform and ID LaceBinigyan ng suporta ang ating mga ALS learners sa pamamagitan ng pamamahagi ng ka...
05/10/2026

Distribution of ALS Uniform and ID Lace

Binigyan ng suporta ang ating mga ALS learners sa pamamagitan ng pamamahagi ng kanilang uniform at ID lace bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Isang Hakbang ng Barangay para sa Mas Maayos na KalsadaBilang tugon sa naging delay ng rehabilitation works sa Geronimo ...
01/10/2026

Isang Hakbang ng Barangay para sa Mas Maayos na Kalsada

Bilang tugon sa naging delay ng rehabilitation works sa Geronimo Street, nakipagpulong si Kap. Rodelio “Doddy” I. Domingo, Punong Barangay ng Barangay 172, kasama si Kap. Rodolfo Faderes, Punong Barangay ng Barangay 173, sa City Engineering Office, kasama si City Engineer Johari G. Rangiris at ang contractor ng Calimbas Construction, upang talakayin ang kasalukuyang status at timeline ng proyekto.

Narito ang napagkasunduang schedule at mga susunod na hakbang na sisimulan Bukas October 2, 2026.

🔹 1. Pag-install ng huling 7 plastic drainage
Ang huling pitong (7) plastic drainage ay inaasahang matatapos sa loob ng 4 na araw, simula Biyernes, October 5.

🔹 2. Road preparation – 5 araw
Pagkatapos mailagay ang 7 drainage, aalisin ang mga bato at debris at magpu-pull out na ang backhoe. Susundan ito ng pagpapantay ng buong kalsada, paglalatag ng graba at buhangin, bilang paghahanda para sa concreting. Ang prosesong ito ay inaasahang aabutin ng 5 araw.

🔹 3. Concreting – 1 araw
Matapos ang road preparation, sisimulan na ang pagse-semento ng kalsada gamit ang malaking truck cement mixer. Dahil makitid ang Geronimo Street, mananatili ang cement mixer sa kanto at gagamit ng pressure hose na humigit-kumulang 200 meters upang maihatid ang concrete sa kalsada.

Ang concreting ay inaasahang matatapos sa loob ng isang araw.

⚠️ Mahalagang Paalala:
Matapos ang concreting, kinakailangan ang 4 na araw na curing period bago maaaring daanan ng motorsiklo at pedicab ang bagong sementadong kalsada. Gayunpaman, maaari nang lakaran ng mga residente ang kalsada matapos ang humigit-kumulang 5 oras, alinsunod sa magiging kondisyon ng concrete.

🔹 4. Bahaging hindi maisesemento
Ang bahaging hindi maaabot ng unang concreting ay isasagawa pagkatapos ng 4-day curing period, upang makumpleto ang kinakailangang rehabilitation works.

Pakiusap sa mga residente ng Geronimo Street:
Hinihiling po ng Barangay 172 at Barangay 173 ang inyong pang-unawa, pakikipagtulungan at pagtitiis habang isinasagawa ang mga natitirang trabaho.

Patuloy pong mino-monitor ng ating barangay ang proyekto upang matiyak na maayos at tuloy-tuloy ang rehabilitation ng ating kalsada.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Barangay Waste Solutions: MRF Optimization WorkshopPatuloy nating pinapalakas ang ating sistema sa waste management sa p...
01/10/2026

Barangay Waste Solutions: MRF Optimization Workshop

Patuloy nating pinapalakas ang ating sistema sa waste management sa pamamagitan ng MRF Optimization Workshop. Layunin nitong mapahusay ang operasyon ng Materials Recovery Facility (MRF), maisulong ang wastong segregation at recycling, at makabuo ng mas epektibong solusyon para sa pamamahala ng basura sa barangay.

Tamang Pamamahala ng Basura, Para sa Mas Malinis na Kinabukasan!

Isinagawa ang Livelihood Detergent Making Activity upang matutunan ng mga kalahok ang mga praktikal na kasanayan na maaa...
01/10/2026

Isinagawa ang Livelihood Detergent Making Activity upang matutunan ng mga kalahok ang mga praktikal na kasanayan na maaaring makatulong sa pagbuo ng dagdag na pagkakakitaan. Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagtutulungan, patuloy nating pinalalakas ang kakayahan at kabuhayan ng ating komunidad.

Kasanayan, Pagkakaisa, at Kabuhayan para sa Mas Maunlad na Barangay!

Sama-Sama para sa Malinis na Barangay!Isinagawa ang Clean-Up Drive upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating k...
30/09/2026

Sama-Sama para sa Malinis na Barangay!

Isinagawa ang Clean-Up Drive upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran. Sa simpleng pagtutulungan at bayanihan, malaki ang ating ambag sa paglikha ng mas malinis at ligtas na komunidad.

Kalinisan ay Responsibilidad ng Bawat Isa!

Address

Malibay
Pasay City
1300

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 172 Zone 17 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share