OWWA Overseas Workers Welfare Administration

Call Directions Website Contact the organization

OWWA Overseas Workers Welfare Administration Welcome to the OFFICIAL page of the Overseas Workers Welfare Administration.

๐— ๐—”๐—ฆ ๐—ž๐—ข๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—›๐—œ๐—›๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—™๐—ช: ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ง ๐—Ÿ๐—ข๐—จ๐—ก๐—š๐—˜, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐ŸฏPASAY CITY โ€” May bagong...
10/10/2026

๐— ๐—”๐—ฆ ๐—ž๐—ข๐— ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—”๐—•๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—›๐—œ๐—›๐—œ๐—ก๐—ง๐—”๐—ฌ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—™๐—ช: ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ง ๐—Ÿ๐—ข๐—จ๐—ก๐—š๐—˜, ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐— ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐Ÿฏ

PASAY CITY โ€” May bagong lugar na mapagpapahingahan ang mga OFW na lilipad patungo sa trabaho nila sa ibang bansa o kararating sa Pilipinas at may connecting domestic flight sa NAIA Terminal 3.

Binuksan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), katuwang ang New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang bagong OFW Transit Lounge sa Terminal 3. May mga k**a at massage chair ang pasilidad at kaya nitong tumanggap ng hanggang 26 na OFW sa isang pagkakataon. Hanggang tatlong oras ang maaaring pananatili upang mas marami ang makinabang.

Bahagi ito ng pagpapalawak ng mga OFW Lounge sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. May mga lounge na rin sa NAIA Terminal 1, Mactan-Cebu International Airport, at Clark International Airport.

Sino ang maaaring gumamit?

Maaaring gumamit ng lounge ang mga OFW na paalis patungo sa trabaho sa ibang bansa o kararating mula abroad at may connecting domestic flight sa NAIA Terminal 3. Kailangang magpakita ng mga dokumentong nagpapatunay na OFW sila at kumpirmado ang kanilang biyahe. Saklaw ng paggamit ang umiiral na mga patakaran ng lounge.

โ€œPatuloy nating pinapabuti ang mga pasilidad sa paliparan upang magkaroon ang mga OFW ng maayos at komportableng lugar na mapagpapahingahan habang naghihintay ng kanilang biyahe. Kinikilala natin ang pagod at sakripisyong kaakibat ng kanilang paglalakbay,โ€ ani OWWA Administrator Patricia Yvonne โ€œPYโ€ Caunan.

Nagpasalamat si Administrator Caunan sa NNIC sa pakikipagtulungan upang mabuksan ang pasilidad.

โ€œMaraming salamat sa NNIC sa pagsuporta sa serbisyong ito. Sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor, mas napapabuti natin ang karanasan ng mga OFW sa paliparan,โ€ dagdag niya.

Para naman sa mga distressed OFW na kararating lamang sa bansa at nangangailangan ng tulong, maaaring lumapit sa OWWA Airport Arrival Assistance Desk sa arrival area pagkatapos ng Customs sa NAIA Terminals 1 at 3. Maaaring humingi roon ng tulong sa transportasyon, pagkain, o pansamantalang matutuluyan, alinsunod sa mga patakaran ng OWWA.

Patuloy na makikipagtulungan ang OWWA sa NNIC at iba pang katuwang upang mapahusay ang mga pasilidad at serbisyong sumusuporta sa mga OFW sa kanilang pag-alis at pag-uwi sa bansa.

๐Ÿฐ๐Ÿฎ ๐—ข๐—™๐—ช๐˜€ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐—ฑ๐—ถ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฉ ๐—ž๐—”๐—ญ๐—œ๐— ๐—”๐—› ๐—œ๐—œ๐—œ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ; ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฎ๐˜ ๐——๐— ๐—ช, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ดLigtas nang nakauwi sa ...
10/10/2026

๐Ÿฐ๐Ÿฎ ๐—ข๐—™๐—ช๐˜€ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐—ฑ๐—ถ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐— ๐—ฉ ๐—ž๐—”๐—ญ๐—œ๐— ๐—”๐—› ๐—œ๐—œ๐—œ, ๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐˜„๐—ถ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ; ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฎ๐˜ ๐——๐— ๐—ช, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด

Ligtas nang nakauwi sa Pilipinas ang 26 distressed OFWs mula Riyadh, Saudi Arabia, sakay ng Cebu Pacific flight 5J741, at 16 na Pilipinong marino mula sa M/V KAZIMAH III, sakay ng mga flight EY446 at EK334. Dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa kanilang pagdating, sinalubong ang mga OFW at marino ng DMW at OWWA, katuwang ang MIAA Medical Team, upang magbigay ng kinakailangang arrival assistance.

Binigyan ang mga OFW at marino ng pagkain, pansamantalang matutuluyan, transportasyon, at tulong pinansyal upang matugunan ang kanilang mga agarang pangangailangan sa kanilang pagdating sa bansa.

Patuloy namang magiging kaagapay ng mga OFW at marino ang kanilang Regional Welfare Offices (RWOs) ng OWWA sa pagbibigay ng kaukulang tulong at suporta, kabilang ang mga kinakailangang pagsasaayos para sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya, patuloy na isinusulong ang maayos na repatriation at paghahatid ng kinakailangang tulong sa mga OFW at marino upang makabalik sila sa kani-kanilang pamilya at komunidad.

Sa OWWA ang miyembro, protektado! ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ข ๐——๐— ๐—ช-๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐—ฑ๐—ถ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎKabayan, unahin ang inyong kaligtasan at s...
09/10/2026

๐Ÿ“ข ๐——๐— ๐—ช-๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ
๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐—™๐—ช ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐˜‚๐—ฑ๐—ถ ๐—”๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—น๐˜†๐—ฎ

Kabayan, unahin ang inyong kaligtasan at sundin ang mga tagubilin ng mga awtoridad.

โš ๏ธ MAHALAGANG PAALALA

Huwag kumuha ng video, mag-post, o magbahagi ng impormasyon tungkol sa pagharang sa mga missile at drone, kabilang ang mga lugar na binagsakan ng mga ito.

Ayon sa Saudi Ministry of Interior, ang mga gawaing ito ay maaaring magdulot ng pananagutang legal.

Manatiling kalmado at alerto. Subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga awtoridad ng Saudi Arabia, Embahada, Konsulado, DMW at MWO/OWWA.

Kung nangangailangan ng tulong o nag-aalala sa inyong kapamilyang OFW, makipag-ugnayan sa:

๐Ÿ“ž ๐——๐— ๐—ช-๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—›๐—ข๐—ง๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿฐ๐Ÿด | ๐—•๐—จ๐—ž๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฐ/๐Ÿณ

โ€ข Metro Manila: 1348
โ€ข Labas ng Metro Manila: (02) 1348
โ€ข Mula sa ibang bansa: +63 2 1348
๐Ÿ“ง [email protected]

๐— ๐—š๐—” ๐—–๐—ข๐—ก๐—ง๐—”๐—–๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—ฆ๐—”๐—จ๐——๐—œ ๐—”๐—ฅ๐—”๐—•๐—œ๐—”

๐Ÿ“ MWO/OWWA Riyadh
๐Ÿ“ž +966 50 285 0944
๐Ÿ“ง [email protected]

๐Ÿ“ MWO/OWWA Al Khobar / Eastern Region Operations
๐Ÿ“ž +966 56 232 9926
๐Ÿ“ง [email protected]
๐Ÿ“ง [email protected]

๐Ÿ“ MWO/OWWA Jeddah
๐Ÿ“ž +966 54 473 7797
๐Ÿ“ง [email protected]

Sa pagtawag o pag-email, ibigay ang pangalan ng OFW, kasalukuyang lokasyon, contact number, at tulong na kailangan. Para sa inyong privacy, huwag ilagay ang personal na detalye sa public comments.

I-save at ibahagi ang mga numerong ito. Nandito ang DMW-OWWA para umalalay sa inyo.




๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ, ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟCABUGA...
09/10/2026

๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป, ๐—ก๐—ฎ๐—ด๐—ต๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ผ, ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ผ๐˜€ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ

CABUGAO, ILOCOS SUR โ€” Mahigit 1,200 Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya ang nakinabang sa iba't ibang serbisyo at oportunidad sa ikatlong leg ng Alagang OWWA Serbisyo Caravan ng Region 1 na ginanap sa Cabugao, Ilocos Sur.

Sa pakikipagtulungan ng humigit-kumulang 35 government agencies at partner institutions, inilapit sa mga OFW at kanilang pamilya ang mga programa ng pamahalaan, kabilang ang employment opportunities, serbisyong pangkalusugan, skills training, at iba pang tulong na makatutugon sa kanilang pangangailangan.

Kabilang sa mga tampok na serbisyo ang 473 job opportunities na inialok sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) at mga recruitment agency. Naglaan din ang Land Transportation Office (LTO) ng Theoretical Driving Course para sa unang 200 kwalipikadong kalahok, bilang karagdagang pagkakataon upang makapagtamo ng bagong kaalaman at kasanayan.

Sa tulong naman ng Provincial Health Office at Department of Health (DOH), nakatanggap ang mga dumalo ng libreng medical consultation, gamot, at dental services.

Naghatid din ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng masahe at gupit, habang nagbigay naman ang Migrant's Brew ng libreng kape. Para sa mga batang kasama ng mga dumalo, naglaan ng Children's Corner na pinangasiwaan ng mga iskolar ng OWWA.

Nakiisa sa caravan sina Ilocos Sur Governor Jeremias โ€œJerryโ€ Crisologo Singson, Cabugao Mayor Josh Edward Cobangbang, OWWA Regional Welfare Office 1 Director Marivic L. Mondina, at Ms. Marne M. Halanes ng OWWA Regional Operations Coordination Service (ROCS), bilang pagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo para sa mga OFW at kanilang pamilya.

Ang pagsasagawa ng Alagang OWWA Serbisyo Caravan sa mga komunidad ay alinsunod sa direktiba ni OWWA Administrator Patricia Yvonne โ€œPYโ€ Caunan na gawing mas accessible at abot-k**ay ang mga programa at serbisyo ng Ahensya, lalo na para sa mga OFW at pamilyang naninirahan malayo sa mga pangunahing tanggapan ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Alagang OWWA, layunin ng bawat caravan na hindi lamang maghatid ng agarang serbisyo, kundi magbukas din ng mga oportunidad para sa trabaho, pagsasanay, at kabuhayan ng mga OFW at kanilang pamilya.

Susunod na dadalhin ang Alagang OWWA Serbisyo Caravan sa Laoag City, Ilocos Norte, para sa ikaapat at huling leg ng caravan sa Region 1.

Sa OWWA, patuloy nating inilalapit ang serbisyo at oportunidad sa ating mga kababayan, dahil sa OWWA, ang miyembro protektado. ๐Ÿ’™

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ, ๐—•๐˜‚๐—ธ๐—ถ๐—ฑ๐—ป๐—ผ๐—ป! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™Mas malapit ...
09/10/2026

๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—ข๐—ช | ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป, ๐—›๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ฑ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—š๐—ผ๐—ฏ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ผ, ๐—•๐˜‚๐—ธ๐—ถ๐—ฑ๐—ป๐—ผ๐—ป! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™

Mas malapit na ang serbisyo ng gobyerno sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa San Fernando, Bukidnon!

Ngayong araw, isinasagawa ang Alagang OWWA Serbisyo Caravan sa Municipal Gym ng San Fernando, Bukidnon, kung saan pinagsama-sama ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga katuwang na ahensiya ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaan upang mas madaling ma-access ng mga OFW at kanilang pamilya ang mga programa, benepisyo, at tulong na kanilang kailangan.

Sa pamamagitan ng caravan, mas napapadali ang pagkuha ng impormasyon, pagproseso ng mga dokumento, at paglapit sa mga ahensiyang may kaugnayan sa kanilang pangangailangan, nang hindi na kinakailangang magtungo sa iba't ibang tanggapan.

Katuwang ng OWWA sa paghahatid ng serbisyo ang DMW, DOLE, PAO, DTI, DOH, DSWD, SSS, BIR, LandBank, PhilHealth, Pag-IBIG, PSA, LTO, DICT, BDO, BPI, at Oro Integrated Cooperative.

๐Ÿ“ Municipal Gym, San Fernando, Bukidnon

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng OWWA na ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mas maraming komunidad, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga pangunahing tanggapan ng gobyerno.

Sa Alagang OWWA, hindi lang OFW ang lumalapit sa serbisyo, ang serbisyo mismo ang inilalapit sa OFW at kanyang pamilya. ๐Ÿ’™




๐Ÿ“ข ANNOUNCEMENT!PSA MOBILE APPLICATION SERVICES AT THE OFW GLOBAL CENTER-TaipeiThe Philippine Statistics Authority (PSA) ...
08/10/2026

๐Ÿ“ข ANNOUNCEMENT!

PSA MOBILE APPLICATION SERVICES AT THE OFW GLOBAL CENTER-Taipei

The Philippine Statistics Authority (PSA) will be providing Mobile Application Services at the OFW Global Center-Taipei on October 9, 10, and 11, 9AM to 5PM.

Avail of the following services conveniently at the designated venue:

๐Ÿ“„ Civil Registry Document Issuance
โ€ข Birth Certificate
โ€ข Marriage Certificate
โ€ข Death Certificate
โ€ข CENOMAR / CENODEATH

๐Ÿ“ Consultation on Civil Registration

๐Ÿ’ณ Schedule of Fees
โ€ข Birth Certificate โ€“ PHP 155.00
โ€ข Marriage Certificate โ€“ PHP 155.00
โ€ข Death Certificate โ€“ PHP 155.00
โ€ข CENOMAR โ€“ PHP 210.00
โ€ข CENODEATH โ€“ PHP 210.00

PAYMENT MADE EASY!
For your convenience, payment may be made in New Taiwan Dollars (NTD).

๐Ÿ“Œ Requirements:
Applicants are advised to bring a valid government-issued ID. Representatives must present their valid ID, the document ownerโ€™s valid ID, and a properly signed Authorization Letter/Special Power of Attorney (SPA), as applicable.

๐Ÿ—“๏ธ October 9โ€“11
๐Ÿ“ OFW Global Center-Taipei
3F, Chang Hong New Era Building, No. 55 & 57 Zhouzi Street, Neihu District, Taipei City 114, Taiwan

๐Ÿ“ฒ SECURE YOUR APPOINTMENT
To ensure an orderly and convenient transaction, secure your appointment in advance and bring your appointment details on your scheduled date.

For information and guidance, please refer to the official PSA requirements and procedures.

08/10/2026

๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ, ๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ถ๐˜€๐—ฎ, ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜ƒ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—”๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ป๐˜€, ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ๐—ฐ๐—ฒ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ’™

Hindi lamang serbisyo ang inilapit sa ating mga kababayan sa Athens, Greece, kundi pati ang pagkakataong magsama-sama, magdiwang, at ipakita ang diwa ng pagkakaisa ng Filipino community!

Sa ginanap na Alagang OWWA Serbisyo Caravan, umabot sa 1,908 serbisyo at transaksyon ang naihatid sa ating mga kababayan, kabilang ang 1,096 OWWA e-Cards na na-isyu, 221 membership renewals, at 591 transaksyon mula sa mga katuwang na ahensya.

Bukod sa mga serbisyong direktang napakinabangan ng ating mga OFW, naging mas makulay ang pagtitipon sa pamamagitan ng OWWA Cup, cultural presentations, fun games, at raffle draws na nagbigay ng saya at pagkakataong mapagtibay ang samahan ng mga Pilipino sa Greece.

Patunay ang pagtitipong ito na ang Alagang OWWA Caravan ay hindi lamang tungkol sa paghahatid ng serbisyo. Isa rin itong pagkakataon upang makinig, makipag-ugnayan, at higit pang mapalapit sa ating mga kababayan saanman sila naroroon.

Maraming salamat sa Filipino community sa Greece, sa ating mga katuwang na ahensya, at sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang pagtitipong ito!

Dahil sa Alagang OWWA, hindi lamang serbisyo ang inilalapit natin sa mga OFW, kundi pati ang malasakit at pagkakaisang nagpapaalala na saanman sila sa mundo, may gobyernong handang maglingkod sa kanila. ๐Ÿ’™




๐Ÿšจ ๐—ฆ๐—–๐—”๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง | ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—š๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผKabayan, mag-ingat. Maraming manloloko at m...
07/10/2026

๐Ÿšจ ๐—ฆ๐—–๐—”๐— ๐— ๐—˜๐—ฅ ๐—”๐—Ÿ๐—˜๐—ฅ๐—ง | ๐— ๐—ฎ๐—ด-๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—š๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ผ

Kabayan, mag-ingat. Maraming manloloko at maraming kumakalat na pekeng impormasyon online. Marami ang gumagamit sa pangalan ng OWWA para manloko at samantalahin ang sitwasyon ng ating mga OFW.

Mahalagang paalala: Hindi kailangang magbayad ang OFW para sa repatriation assistance ng OWWA. Walang dapat singiling processing fee, advance payment, ticket arrangement fee, o anumang bayad kapalit ng pagpapauwi.

Nakatanggap ang OWWA ng mga ulat tungkol sa ibaโ€™t ibang post, mensahe, Facebook accounts, at WhatsApp accounts na nagpapakilalang konektado sa OWWA at nag-aalok umano ng repatriation assistance.

Kabilang sa mga numerong naiulat sa OWWA ang WhatsApp number na +63 955 873 6353. Sa ilang kaso, pinapabili muna ang OFW ng airline ticket o hinihingan ng bayad na sinasabing mare-refund pagkatapos.

Hindi opisyal na OWWA contact number ang +63 955 873 6353. Gayunman, hindi lamang sa numerong ito dapat mag-ingat.

Maaaring gumamit ang mga scammer ng ibaโ€™t ibang WhatsApp numbers, Facebook accounts, private messages, pekeng IDs, AI-generated images, at online posts gamit ang pangalan o logo ng OWWA.

๐Ÿ“Œ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ช๐—ช๐—”
โ€ข Huwag magpadala ng pera.
โ€ข Huwag magbigay ng personal, bank, OTP, o account information.
โ€ข Huwag maniwala sa sinumang humihingi ng bayad kapalit ng repatriation assistance.
โ€ข Huwag basta magtiwala sa WhatsApp number, Facebook account, private message, o online post dahil lamang gumagamit ito ng pangalan o logo ng OWWA.
โ€ข Mag-verify muna sa opisyal na OWWA offices at communication channels.

Para sa repatriation concerns at iba pang OWWA assistance:
๐Ÿ“ž OWWA Hotline: 1348
๐Ÿ“ง [email protected]

Huwag basta maniwala. Huwag basta magbayad. Mag-verify muna sa OWWA.
Sa OWWA, ang miyembro protektado.




KUMUHA NA NG INYONG OWWA Overseas Workers Welfare Administration E-CARD!Mga kababayan sa Hokkaido, magkita-kita tayo sa ...
06/10/2026

KUMUHA NA NG INYONG OWWA Overseas Workers Welfare Administration E-CARD!

Mga kababayan sa Hokkaido, magkita-kita tayo sa Pistang Pilipino sa Hokkaido sa October 17โ€“18, 2026 sa Fureai Hiroba Atsubetsu, Sapporo!

Samantalahin ang pagkakataong makakuha ng inyong OWWA E-Card at alamin ang iba pang programa at serbisyo ng OWWA para sa ating mga OFW.

๐Ÿ“ Fureai Hiroba Atsubetsu, Sapporo
๐Ÿ“… October 17โ€“18, 2026

Kita-kits, mga Ka-OWWA! Alagang OWWA, mas inilalapit sa inyo! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ | ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ถBilang bahagi ng patuloy na health and wellness initiatives ng OW...
06/10/2026

๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ | ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ช๐—ช๐—” ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ถ

Bilang bahagi ng patuloy na health and wellness initiatives ng OWWA, 230 OWWA personnel ang nabigyan ng libreng flu vaccination ngayong Oktubre 6 sa OWWA Central Office.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang ating mga kawani ng dagdag na proteksyon laban sa influenza at maisulong ang preventive healthcare, lalo na para sa mga mas vulnerable sa sakit.

Kasabay ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week 2026, binibigyang-diin din ng OWWA ang kahalagahan ng maagap na pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng ating personnel.

Ang Alagang OWWA ay para rin sa mga taong araw-araw na nag-aalaga at nagsisilbi sa ating mga OFW at kanilang pamilya.

โ€œCaring for our carers. Siguraduhin nating malusog at maayos ang kalagayan ng ating personnel para mas maalagaan din nila nang mabuti ang ating mga OFW. Kapag inaalagaan natin ang mga taong nagbibigay-serbisyo, mas napapalakas natin ang kakayahan ng OWWA na maghatid ng tuloy-tuloy, maayos, at may malasakit na serbisyo,โ€ ani OWWA Administrator Patricia Yvonne โ€œPYโ€ Caunan.

Bahagi ang flu vaccination ng mas malawak na pagsisikap ng OWWA na palakasin ang health, wellness, at well-being ng ating workforce bilang mahalagang bahagi ng kalidad ng serbisyong ibinibigay sa OFWs.

Alagang OWWA: malasakit sa OFW, malasakit din sa mga taong naglilingkod para sa kanila. ๐Ÿ’™





Address

OWWA Center Building, FB Harrison Corner 7th Street
Pasay City
1300

Telephone

+6328917601

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OWWA Overseas Workers Welfare Administration posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to OWWA Overseas Workers Welfare Administration:

Shortcuts

Share