Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City

Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City, Government Organization, 1/F Waldertrudes Apartment, 1923 Leveriza Street Barangay 19 Zone 02 District 1, Pasay City.

Photos from Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB's post 27/03/2026

UPDATED PUBLIC ADVISORY: CASH RELIEF ASSISTANCE PARA SA DELIVERY RIDERS

Naririto ang updated na abiso mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board - LTFRB ukol sa pamamahagi ng Cash Relief Assistance para sa mga Delivery Riders na magsisimula bukas, Marso 26 hanggang Marso 31, 2026.

Para sa Lungsod Pasay, ito ay gaganapin sa Pasay Sports Complex mula alas-7 ng umaga na sasakop sa mga pangalang nasa letrang A hanggang J sa Marso 26 at K hanggang Z sa susunod na araw.

Maaaring tingnan sa QR Code o Google Drive link sa ilalim ang mga pangalan na kasama sa listahan. Mangyaring dalhin ang original at photocopy ng Driverโ€™s License.

https://www.facebook.com/100069179110576/posts/1256134310035861/?

18/03/2026

Abiso sa Publiko

PUBLIC ADVISORY: TEMPORARY COMPRESSED FOUR DAYS WORK WEEK

Ipinapaalala ang pagpapatupad ng Temporary Compressed Four Days Work Week mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Lungsod Pasay alinsunod sa Executive Order No. 12, s. 2026 ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Habang ang mga tanggapan na may kinalaman sa essential public services ay mananatiling may pasok mula Lunes hanggang Biyernes, alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Tunghayan ang larawan sa ibaba para sa kumpletong talaan.

Photos from Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City's post 18/03/2026

Mga kaganapan sa nagdaang Barangay Assembly ng Barangay 19 para unang semestre ng taong 2026

Photos from Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City's post 18/03/2026

Mark Misting sa Barangay 19 Zone 02 handog ng ating Bise Alkalde Mark Anthony Calixto. ๐Ÿ’š

Photos from Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City's post 18/03/2026

YAKAP Philhealth Registration sa Barangay 19 Zone 02 kahapon, ika-17 ng Marso, 2026.

17/03/2026

OSCA Advisory: Iskedyul ng Pamamahagi ng Birthday Gift (JANUARY 2026)

BIRTHDAY GIFT (JANUARY BIRTHMONTH)

โœ”๏ธ Marso 17, 2026 (Martes): Brgy. 1-25

Ito ay maaaring kuhanin sa OSCA Office mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon
Requirements sa pag-claim ng Birthday Gift:
โ€ข Senior Citizen: photocopy ng Pasay OSCA ID
โ€ข Authorized Representative
- authorization letter
- photocopy ng valid government-issued ID ng authorized representative
- original Pasay OSCA ID ng senior citizen.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lang sa tanggapan ng OSCA mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM-5PM sa: 8804-0976 / 8846-7703.

06/03/2026

PSA announced the offer in a Facebook post on Thursday, March 5, 2026, saying it's a treat by the Civil Registration Service in celebration of Women's Month. | via PhilSTAR Life

READ MORE: https://tinyurl.com/3xvjs3x7

05/03/2026

Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City

Nais mo bang magpa-KASAL ngunit kulang sa budget? Buo na ba ang loob nyo na matali sa isaโ€™t isa? Sigurado ka na bang s'ya na? H'wag ng mag-atubiling lumapit sa ating Bise Alkalde Mark Calixto.

Ang tanggapan ng ating Bise-Alkalde ay may programang , na nag-la-layong mabigyan ng pagkakataon ang mga magkarelasyon, o matagal ng nagsasama sa iisang bubong ngunit di pa nakakapagpa-tali sa isa't-isa, na magkaroon ng basbas ng kasal at gawing legal ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Para sa karagdagang impormasyon tumawag or mag-mensahe sa mga contact details na naka-post.


05/03/2026

PUBLIC ADVISORY: WORKING HOURS

Ipinababatid sa publiko na simula Marso 16, 2026 โ€” balik na sa dating 8AM to 5PM ang pasok ng mga kawani at transaksyon sa Pasay City Hall.

Para sa karagdagang paglilinaw, maaring tumawag sa Pasay City Trunkline 888-72729 o sa Pasay City Human Resource Management and Development Office (HRMDO) local 1253.

28/02/2026

๐๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ (๐๐‚๐’๐‚)
Ang โ‚ฑ10,000 cash gift sa ilalim ng Expanded Centenarians Act ay ibinibigay nang buo sa mga kwalipikadong senior citizens.
Ang cash gift ay dapat matanggap ng kwalipikadong senior citizens nang walang kaltas. Anumang uri ng paniningil, pagbabawas, o paghingi ng kapalit ay malinaw na ilegal at may kaukulang mabigat na parusa sa sinumang mapatutunayang lalabag sa batas.
Hinihikayat namin ang mga senior citizens at kanilang mga pamilya na agad ireport sa NCSC ang anumang uri ng ganitong insidente.
Email: [email protected]
Contact Numbers: (02) 8567-5646/0962-2743-622
Address: 29th Floor (Penthouse), The Upper Class Tower, Quezon Avenue cor., Scout Reyes St, Diliman, Quezon City
ctto: NCSC


Photos from Barangay 19 Zone 02 District 1 Pasay City's post 23/02/2026

FEB. 18/2026: OPERATION TIMBANG PLUS sa Barangay 19

Nitong nakaraang Miyerkules ng umaga, Pebrero 18, 2026, nag-ikot ang mga staff ng Leveriza Health Center kasama sina Kagawad Anthony Mercado, Ex-O Jackson Chua, Jr., at Joy Argao sa nasasakupan ng ating barangay para magtimbang ng mga batang may edad 0-59 buwang gulang, mamahagi ng Vitamin A, Micronutrient Pack Supplements para sa mga batang may edad 6-59 buwang gulang, at Deworming para sa mga batang may edad 12-59 bwang gulang at mga batang 5 taong gulang hanggang 19 anyos.

10/02/2026

OSCA Advisory: Iskedyul ng Pamamahagi ng Birthday Gift (DISYEMBRE 2025)

BIRTHDAY GIFT (DECEMBER BIRTHMONTH) ng mga SENIOR CITIZENS ng barangay 19 ay sa araw ng:

โœ”๏ธ Pebrero 18, 2026 (Miyerkules)

Ito ay maaaring kuhanin sa OSCA Office mula alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon
Requirements sa pag-claim ng Birthday Gift:
โ€ข Senior Citizen: photocopy ng Pasay OSCA ID
โ€ข Authorized Representative
- authorization letter
- photocopy ng valid government-issued ID ng authorized representative
- original Pasay OSCA ID ng senior citizen.

Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan lang sa tanggapan ng OSCA mula Lunes hanggang Biyernes, 8AM-5PM sa: 8804-0976 / 8846-7703.

Want your business to be the top-listed Government Service in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


1/F Waldertrudes Apartment, 1923 Leveriza Street Barangay 19 Zone 02 District 1
Pasay City
1300