18/03/2026
Maraming salamat sa lahat ng nakasama naming natuto at nag-enjoy sa Free Art Workshop noong March 14!
Taos-pusong pasasalamat din sa aming sponsors, volunteers, at guest speakers sa suporta at kaalamang inyong ibinahagi sa mga Pasayeños.
Ang simpleng proyekto at patuloy na suporta sa mga kabataan patungkol sa sining ay may malaking epekto—nagbibigay ito ng direksyon, inspirasyon, at saysay sa kanilang ginagawa. Sa pamamagitan nito, mas napapalalim ang kanilang pagkatuto at naiiwas sila sa mga gawaing maaaring makasama sa kanilang kinabukasan. Nawa’y magsilbi itong panimula upang mabigyan ng puwang ang mga artista ng barangay, at magamit nila ang kanilang talento sa mas makabuluhan at makabuluhang paraan.
Kitakits sa susunod na O-Obra Bayan activities para sa mas maraming pagkakataon na maki-OBRA!
13/03/2026
Kitakits tom mga barangay!
Sabay sabay tayong matuto at ipamalas ang galing ng pasayenos
13/03/2026
The free art workshop will happen tomorrow!
If ikaw o ang anak mo ay interested sumali, just message SK Mira (Victor Mira Jr) or pumunta na lang tomorrow at 12 PM sa Brgy. 190 Court.
This is part of the celebration of Women’s Month and our continuous support for artists in Pasay.
See you! Takits!
26/02/2026
Maraming salamat sa lahat ng nakilahok at naging bahagi ng ating Open Canvas noong February 24!
Ang inyong talento at suporta ang nagbigay-buhay at kulay sa ating komunidad. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon para ipagpatuloy pa ang pagpipinta at pagpapahayag ng sining.
Hindi pa rito nagtatapos ang lahat—ito pa lamang ang simula ng mas marami pang art activities sa ating barangay!
Abangan ang mga paparating na workshop at exhibit ngayong March.
I-follow at i-like ang page ng O-Obra Bayan? para updated ka sa susunod nating mga ganap.
22/02/2026
Halina't makilahok kabarangay sa darating na Tuesday sa ating barangay. Sama sama nating ipagdiwang ang National arts month ng may kabuluhan at makulay.
Follow O-Obra Bayan? For more updates.