Pasay City Public Information Office

Pasay City Public Information Office

Share

The Official page of the Pasay City Public Information Office. More than just pictures.

Photos from Pasay City Public Information Office's post 31/05/2026

PSWDD ADVISORY: ISKEDYUL NG PAMAMAHAGI NG ENHANCED MONETARY INFLATION ASSISTANCE 2026 – 1st Tranche

Bilang pagpapatuloy ng pamamahagi, isasagawa ang Initial at Unclaimed Payout para sa mga barangay na nakasaad sa iskedyul na ito. Mangyaring sundin ang nakatakdang petsa, oras, at venue upang maging maayos ang proseso ng pag-claim.

Sa mga petsang ito, isasagawa ang:
✔ Initial Payout para sa mga barangay na kabilang sa unang schedule ng payout ngayong 1st Tranche
✔ Unclaimed Payout para sa mga benepisyaryong hindi nakapag-claim sa kanilang naunang itinakdang iskedyul

Mga Kailangan sa Pag-Claim:
• Valid I.D. (Pumili mula sa listahan sa ibaba)
• Dalawang (2) photocopy ng Valid I.D. na may tatlong (3) pirma

Mga Tinatanggap na Valid I.D.:
• National ID
• Voter’s ID or Voter’s Registration Record
• Driver’s License
• SSS ID
• UMID
• OSCA ID
• Solo Parent ID
• PWD ID
• PRC License
• Passport
• Pag-IBIG ID
• PhilHealth ID
• TIN ID
• Barangay ID

Mangyaring tiyaking kumpleto, malinaw, at maayos ang inyong mga dokumento upang maiwasan ang abala at mapabilis ang proseso ng pamamahagi.

Para sa mga katanungan at kalinawan, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga barangay.

31/05/2026

ISANG TULOG NA LANG, LIGTAS TIGDAS NA!

Mga BakuNanay, huwag kalimutan bukas, Hunyo 1, 2026 ang Ligtas Tigdas para sa inyong mga anak, anim (6) hanggang 59 buwang gulang kaya’t magtungo sa pinakamalapit na Health Center malapit sa inyong barangay.

Magkita-kita po tayo at sabay-sabay iligtas sa tigdas ang inyong mga anak.

Photos from Pasay City Public Information Office's post 30/05/2026

PROGRAMA NI MAYOR EMI, TULOY-TULOY PARA SA MGA PASAYEÑO

Bago matapos ang linggo ay patuloy ang pagbibigay ng mga proyekto sa ngalan ng Tapat at Higit sa Sapat na Paglilingkod sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Libreng bakuna kontra rabies ang dinala sa Brgy. 86 upang masiguro na ligtas ang mga alagang hayop dito.

Isinagawa naman ang pamamahagi ng Birthday Gift sa mga PWD na nagdiwang ng kaarawan ng buwan ng Abril at Senior Citizen na nagdiwang naman ng buwan ng Marso.

Ipinamigay din ang mga libreng pustiso para sa matamis na ngiti ng mga Pasayeño gayundin ang financial assistance para sa mga nasunugan sa Brgy. 185 at libreng wheel chair para sa mga nangangailangan.

Patunay ito na ang Pasay LGU ay kumikilos at naglilingkod para sa bawat Pamilyang Pasayeño

30/05/2026

DALAWANG TULOG NA LANG KONTRA TIGDAS

Paalala sa mga PapaVaccince na sa Lunes, Hunyo 1, 2026 ay Ligtas Tigdas na! Dalhin ang inyong mga anak, nasa anim (6) hanggang 59 buwang gulang sa pinakamalapit na Health Center sa inyong barangay at pabakunahan sila laban sa tigdas.

29/05/2026

PASAY PRIDE CELEBRATION

Kaisa ang Pamahalaang Lungsod Pasay sa pagkilala sa kahusayan at natatanging ambag ng mga kasapi ng LGBTQIA+ Community.

Isasagawa ang taunang Pride Parade sa darating na Hunyo 24, 2026, araw ng Miyerkules. Magsisimula ito ng alas-3:00 ng hapon, mula EDSA kanto ng Tramo at babagtasin ang kahabaan ng Buendia patungong World Trade Center kung saan gaganapin ang awarding, lecture tungkol sa SOGIE ordinance, at ang Ms. Gay Pasay Tourism.

Magkita-kita po tayo. 🏳️‍🌈

29/05/2026

CONGRATULATIONS, DEEN!

Ang Pamahalaang Lungsod Pasay sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ay malugod na bumabati kay Deen Gungob sa pagtatamo ng apat (4) na gintong medalya sa larangan ng Artistic Gymnastics para sa Elementary Boys’ Division sa ginaganap na Palarong Pambansa sa Agusan del Sur.

Si Deen ay magaaral ng Timoteo Paez Elementary School na nanguna sa individual all-around, horizontal bar at pommel horse.

https://fb.watch/HoPcUv88WB/?

28/05/2026

TATLONG TULOG NA LANG, LIGTAS TIGDAS NA!

Mga BakuNanay, sa Hunyo 1, 2026 dalhin ang inyong mga anak na nasa anim (6) hanggang 59 buwang gulang sa pinakamalapit na Health Center para sila ay maging Ligtas Tigdas. Magkita-kita po tayo at sama-sama nating iligtas ang mga bata laban sa tigdas.

Photos from Pasay City Public Information Office's post 28/05/2026

PSWDD ADVISORY: ISKEDYUL NG PAMAMAHAGI NG ENHANCED MONETARY INFLATION ASSISTANCE 2026 – 1st Tranche

Inilalabas ang panibagong iskedyul ng Initial at Unclaimed Payout para sa mga nakatalagang barangay bilang pagpapatuloy ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa lungsod.

Sa mga petsang ito, isasagawa ang:
✔ Initial Payout para sa mga barangay na kabilang sa regular payout schedule
✔ Unclaimed Payout para sa mga benepisyaryong hindi nakapag-claim sa kanilang naunang itinakdang iskedyul

Mga Kailangan sa Pag-Claim:
• Valid I.D. (Pumili mula sa listahan sa ibaba)
• Dalawang (2) photocopy ng Valid I.D. na may tatlong (3) pirma

Mga Tinatanggap na Valid I.D.:
• National ID
• Voter’s ID or Voter’s Registration Record
• Driver’s License
• SSS ID
• UMID
• OSCA ID
• Solo Parent ID
• PWD ID
• PRC License
• Passport
• Pag-IBIG ID
• PhilHealth ID
• TIN ID
• Barangay ID

Mangyaring tiyaking kumpleto, malinaw, at maayos ang inyong mga dokumento upang maiwasan ang abala at mapabilis ang proseso ng pamamahagi.

Para sa mga katanungan at kalinawan, maaaring makipag-ugnayan sa inyong mga barangay.

27/05/2026

NATIONAL FLAG DAYS

Ang Pamahalaang Lungsod Pasay sa pangunguna ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ay nakikiisa sa paggunita ng National Flag Days mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, 2026.

Inaanyayahan natin ang bawat tanggapan, institusyon, kumpanya at mga tahanan na may dignidad nating isabit ang Pambansang Watawat bilang pagdiriwang sa kabayanihan ng bawat Pilipino at kalayaang tinatamasa.

27/05/2026

LIGTAS TIGDAS, 4 NA TULOG NA LANG

Inaanyayahan ang mga PapaVaccine na pabakunahan kontra tigdas ang mga batang nasa anim (6) hanggang 59 buwang gulang sa Hunyo 1, 2026. Magsadya sa pinakamalapit na Health Center para sa karagdagang impormasyon o katanungan.

Want your business to be the top-listed Government Service in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


Room 214, Pasay City Hall
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm