📢📢 ATTENTION MGA KABARANGAY! 📢📢
Ang Barangay 193, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at Pasay City Health Office, ay magsasagawa ng MR-SIA o Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity at Vitamin A Supplementation mula June 4, 5 at June 8, 2026 (8:00AM to 2:00PM)
Inaanyayahan po ang lahat ng magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 6 buwan hanggang 59 buwan laban sa Tigdas at Rubella.
Kasabay nito ay ang libreng pagbibigay ng Vitamin A upang makatulong sa pagpapalakas ng resistensya at kalusugan ng ating mga bata.
Mag-iikot po ang mga kinatawan ng DOH, City Health Office, Barangay Health Workers, at mga opisyal ng barangay upang maabot ang bawat kabahayan at mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga magulang.
Ligtas, libre, at mahalaga ang bakuna para sa proteksyon ng ating mga anak.
Makilahok po at suportahan ang MR-SIA at Vitamin A Supplementation Program.
Para sa malusog na kabataan at ligtas na komunidad, magpabakuna na!
Maraming salamat po.
Brgy. 193 Zone 20 Pasay City
This will show all the Barangay 193 Zone 20 Pasay City Activities
31/05/2026
Saludo Kami sa ating Sangguniang Kabataan ng Barangay 193 SA kanilang dedikasyon. Patuloy ang mga programa para SA ating mga Brgy. 193 Zone 20 Pasay City Kabataan.
Magandang araw!
PAANYAYA para sa ating mga Ka Brgy. 193 Zone 20 Pasay City
*📢 YAKAP MEDICAL CARAVAN – Brgy 193*
*Para kanino: Lahat ng residente ng Brgy 193
*Ano: PhilHealth YAKAP Caravan
*Kailan: May 28-29, 2026 | 9:00 AM – 5:00 PM
*Saan: Brgy 193 Hall
*Paano:
1. Pumunta sa Brgy Hall at magdala ng *PhilHealth ID* kung meron na.
2. Wala pang PhilHealth ID? Pwede mag-register on the spot.
3. Magdala ng *1 valid ID* para mas mapabilis ang proseso.
*Ano ang PhilHealth YAKAP Program?*
Ang *YAKAP* = _Yaman ng Kalusugan Program_. Ito ay package ng PhilHealth na nagbibigay ng *libreng primary care services* tulad ng:
- Konsulta at check-up
- Libreng gamot para sa karaniwang sakit na nagkakahalaga Ng 20,000 Kada taon
- Lab tests tulad ng blood sugar, cholesterol, XRAY at ECG.
- Health education at preventive care
Layunin nito na mas mapalapit ang basic healthcare sa bawat Pilipino nang libre sa accredited clinics gaya Ng IQ Healthcare and Diagnostics
26/05/2026
Lubos po ang aming pasasalamat Meralco team SA pag asikaso sa sumabog na Transformer Ng Brgy. 193 Zone 20 Pasay City . Di Lang isang Transformer kundi dalawa na ang nilagay SA Road 4 2nd Street. SA aming mga Ka patuloy po tayong mag ingat SA ating mga kagamitan gumagamit Ng electrisidad para safety ng bawat isa.
26/05/2026
UPDATE lamang po from Meralco . PAPALITAN po ang TRANSFORMER dahil Di na Nakayanan ang Load. Magdadagdag din Ng ISA pang TRANSFORMER upang mahati ang load capacity at maiwasan.ang muling pagsabog.
PAALALA lamang po na magkakaroon na rin Ng INSPECTION SA ating mga linya Ng MERALCO dito sa ating lugarin sa mga susunod na araw.
25/05/2026
Para SA ating mga Ka Brgy. 193 Zone 20 Pasay City na nawalan Ng ilaw, SA ngalan Ng Meralco TEAM, kami ay humihingi konting pang unawa SA kadahilanang Hindi pa rin naayos ang pagkumpuni sa ating Transformer SA may bandang 1st Street Road 4. Kami ay patuloy na nakikipag ugnayan kanila upang maisaayos ito SA lalong madaling panahon _ Kap Mikael Dawal Mikael Dawlazki
25/05/2026
Mga Ka Brgy. 193 Zone 20 Pasay City, alam po namin na napakahirap Ng sitwasyon dahil pumutok na Naman Transformer SA May Road 4 kahit ito ay kakaayos lamang bandang ala 4:20 Ng hapon kanina. NGUNIT Pumutok na Naman Kaya itinawag na rin namin SA Meralco para SA agarang pagsasaayos nito.
Ang ESTIMATED TIME para Ma Restore ay 12:41 AM mamaya NGUNIT ito ay depende pa rin sa ASSESSMENT ng mga Linemen.
25/05/2026
Para sa kaalaman po ng lahat na ka- Brgy. 193 Zone 20 Pasay City *
Ang brownout sa Capizan Area, Road 4 ay naisangguni na po ito sa Meralco. Pinuntahan na daw po ito kaninang madaling araw, ngunit babalikan daw po nila ngayong araw.
Nakapag-submit na rin po kami ng follow-up report, at natanggap na po ulit ito ng Meralco.
Makakaasa po kayo na amin itong tututukan.
Humihingi po Kami ng dagdag pang unawa. Maraming Salamat po.
Your service in PASAY CITY may be affected by a power interruption. Estimated restoration time is 25-May-2026 05:56 AM. Thanks for your patience.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Website
Address
Road 4
Pasay City
1300
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 11am |
