Barangay 190 Zone 20 Pasay City

Barangay 190 Zone 20 Pasay City

Share

The Official page of the Barangay 190 Zone 20 Pasay City. "We work as One"

Photos from Barangay 190 Zone 20 Pasay City's post 18/07/2026

🧹 BARANGAY UPDATE | MANDATORY CLEAN-UP DRIVE 🌿

JULY 18, 2026

Alinsunod sa mandato ng Department of the Interior and Local Government (DILG), matagumpay na nagsagawa ang Barangay 190, Zone 20, Pasay City ng Mandatory Clean-Up Drive bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng ating komunidad.

Sa pangunguna ng ating PB Kap on the Go, Hon. Ricardo Domalaon Pichay, kasama ang mga opisyal, kawani ng barangay, Barangay Tanod, Eco-Aides, at mga volunteer, nilinis ang mga pampublikong lugar upang maiwasan ang pagbabara ng daluyan ng tubig at mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang gawaing ito ay nagpapatunay sa kahalagahan ng bayanihan at ng sama-samang pagkilos upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating barangay.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng kanilang oras at lakas para sa ikabubuti ng ating komunidad. Patuloy po nating isabuhay ang disiplina sa wastong pagtatapon ng basura at pangangalaga sa ating kapaligiran.

πŸƒ Ang malinis na barangay ay responsibilidad nating lahat!

TO GOD BE ALL THE GLORYπŸ™πŸ™πŸ™

Photos from Barangay 190 Zone 20 Pasay City's post 17/07/2026

🌧️ BARANGAY UPDATE | FLOOD MONITORING & ROVING PATROL 🚨

July 10, 2026

Bilang paghahanda at pagtugon sa epekto ng Bagyong Inday, nagsagawa ng flood monitoring at roving patrol ang Pamahalaang Barangay 190 sa pangunguna ng ating PB Kap on the Go, Hon. Ricardo Domalaon Pichay kasama ang ating mga Barangay Tanod Brigade.

Isinagawa ang monitoring sa mga flood-prone areas, partikular sa Tripa de Gallina at Sto. NiΓ±o Creek, upang masubaybayan ang lebel ng tubig at agad na makapagbigay ng kaukulang aksyon kung kinakailangan. Layunin ng aktibidad na matiyak ang kaligtasan ng ating mga residente at maging handa sa anumang maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan.

Patuloy pong nakabantay ang ating Barangay at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang emergency.

πŸ“’ Pinapaalalahanan ang lahat ng ating mga kabarangay na manatiling alerto, sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya, at makipag-ugnayan agad sa Barangay kung kinakailangan ng agarang tulong.

Ang inyong kaligtasan ang aming pangunahing prayoridad. Maraming salamat po at manatiling ligtas ang ating lahat.

TO GOD BE ALL THE GLORY πŸ™πŸ™πŸ™

14/07/2026

Salamat sa tanan, Lord πŸ™β€οΈ

Photos from Barangay 190 Zone 20 Pasay City's post 14/07/2026

πŸ“’ BARANGAY UPDATE πŸ“’

BARANGAY ROAD CLEARING OPERATION (BARCO)

July 14, 2026

Alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG), matagumpay na nagsagawa ang ating Barangay ng Barangay Road Clearing Operation (BARCO) bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng kaayusan, kaligtasan, at disiplina sa ating komunidad.

Naging katuwang sa gawaing ito ang TPMO, PCENRO, Kapulisan mula PCP5, Kagawad at Tanod.

Mahigpit pong ipinapaalala sa lahat na ang sidewalk ay inilaan para sa ligtas na paglalakad ng mga tao. Hindi ito dapat gawing paradahan, imbakan ng mga gamit, o lagyan ng anumang bagay na makahahadlang sa malayang pagdaan ng mga pedestrian.

Ang paglalagay ng mga mesa, upuan, paso, paninda, construction materials, sasakyan, at iba pang bagay sa kalsada o bangketa ay itinuturing na obstruction at labag sa umiiral na mga alituntunin.

Patuloy pong isasagawa ng ating Barangay ang BARCO upang matiyak na ang ating mga lansangan at bangketa ay nananatiling ligtas, malinis, at malaya sa anumang sagabal para sa kapakanan ng bawat residente.

Hinihiling po ng pamahalaan ng Barangay190 sa pamumuno ng ating Punong Barangay Kap on the GO Ricardo Domalaon Pichay at nang buong sanggunian ang pakikiisa at kooperasyon ng lahat sa pagpapanatili ng kaayusan sa ating komunidad.

Disiplina ng bawat isa, susi sa isang ligtas at maayos na Barangay.



TO GOD BE ALL THE GLORY πŸ™πŸ™πŸ™

12/07/2026
09/07/2026



Suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod Pasay ngayong araw, Hulyo 10, 2026 batay sa direktiba ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano at rekomendasyon ng Pasay Disaster Risk Reduction and Management Office. Ito ay bunsod ng inaasahang epekto ng Bagyong .

Ang pamunuan ng mga paaralan ay inaatasan na gumamit ng alternatibong paraan pagtuturo at pagkatuto batay sa kanilang kakayahan.

Para sa pagtugon sa dagling pangangailangan o emergency response, maaaring makipag-ugnayan sa Pasay City Disaster Risk Reduction and Management Office gamit ang Pasay City Trunkline 888-PASAY (72729) loc. 1371, 1372 o 1373 o kaya sa numero bilang 09054939111/ 85517777/ 88338512.

09/07/2026

Have a blessed Friday! Thank You God for the gift of life. Thank You for everything. I'm breathing. I'm alive. I'm truly blessed. ILOVEYOU! πŸ™πŸ»πŸ§‘πŸŒΏ

09/07/2026

πŸ“’ BARANGAY PUBLIC AWARENESS

Nais po naming ipabatid sa ating mga kabarangay na may mga ulat na may kumakalat na pekeng salaping papel (counterfeit banknotes) sa ating lugar.

Dahil dito, pinag-iingat po ang lahat, lalo na ang mga may-ari ng tindahan, negosyante, at mga tumatanggap ng cash payments. Maging mapagmatyag sa pagtanggap ng salapi at tiyaking masuri itong mabuti bago tanggapin.

Bilang karagdagang gabay, kalakip sa post na ito ang larawan ng tunay at pekeng salaping papel upang makatulong sa pagkilala sa kanilang pagkakaiba. Hinihikayat ang lahat na pag-aralan ang mga security features ng tunay na pera upang maiwasang mabiktima ng mga nagpapakalat ng pekeng salapi.

Kung kayo ay makatanggap o makakita ng pinaghihinalaang pekeng pera, huwag itong ipasa sa iba. Agad na ipagbigay-alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o sa Tanggapan ng Barangay upang maisagawa ang kaukulang aksyon.

Ang inyong pagiging mapagmatyag at pakikiisa ay mahalaga upang maprotektahan ang ating komunidad laban sa ganitong uri ng panlilinlang.

Isang paalala mula sa pamahalaan ng ating barangay sa pamumuno ng ating Punong Barangay Kap on the Go Hon. Ricardo Domalaon Pichay at ang buong Sanggunian.

Maraming salamat po at manatiling ligtas ang ating lahat.

TO GOD BE ALL THE GLORY πŸ™πŸ™πŸ™

Photos from Barangay 190 Zone 20 Pasay City's post 09/07/2026

🐾 BARANGAY UPDATE | CLEARING OF STRAY ANIMALS 🐾

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan, at kaligtasan sa ating komunidad, nagsagawa ang ating Barangay ng Clearing of Stray Animals sa pakikipagtulungan ng Pasay City Veterinary Office at sa pag-assist ng ni Kag Tony Conte at mga tanod.

Layunin ng aktibidad na ito na mabawasan ang panganib na dulot ng mga pagala-galang hayop sa ating mga lansangan, maiwasan ang posibleng pagkalat ng sakit tulad ng rabies, at mapanatili ang kaligtasan ng ating mga residente.

Lubos ang pasasalamat ng Pamunuan ng Barangay 190, sa pangunguna ng ating PB Kap on the Go, Hon. Ricardo Domalaon Pichay., sa Pasay City Veterinary Office sa kanilang agarang pagtugon at patuloy na pakikipagtulungan upang mapanatiling ligtas, maayos, at malinis ang ating barangay.

Maraming salamat din po sa ating mga kabarangay sa inyong pakikiisa at kooperasyon. Sama-sama nating pangalagaan ang ating komunidad para sa kapakanan ng lahat.

TO GOD BE ALL THE GLORY πŸ™πŸ™πŸ™

Photos from Barangay 190 Zone 20 Pasay City's post 08/07/2026

πŸ“š BARANGAY UPDATE | ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS)

Malugod na tinanggap ng ating PB Kap on the Go, Hon. Ricardo Domalaon Pichay ang mga kinatawan mula sa DepEd na bumisita sa ating Barangay upang inspeksyunin ang pasilidad kung saan isinasagawa ang Alternative Learning System (ALS).

1. Sir Errol John Ruiz - ALS Supervisor
2. Ms Irish Gregorio- Educ. Program Specialist
3. Teacher Melody B. Magtarayo - ALS Teacher (Science)
4. Teacher Mary Laurence G. Baes - Designated ALS Teacher in our brgy.

Lubos naming ikinagagalak ang mga papuri at pasasalamat na aming natanggap mula sa kanila dahil sa maayos at angkop na pasilidad na ipinagkaloob ng Barangay para sa programa. Ang kanilang positibong pagtanggap ay nagsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming pagbutihin ang aming paglilingkod sa komunidad.

Patuloy na buong pusong sinusuportahan ng Pamunuan ng Barangay 190, sa pangunguna ni PB Kap on the Go, Hon. Ricardo Domalaon Pichay at ng buong Sanggunian, ang mga programang pang-edukasyon tulad ng ALS, sapagkat naniniwala kaming ang edukasyon ay susi sa pag-unlad ng bawat mamamayan at ng ating komunidad.

Maraming salamat sa DepEd sa patuloy na pakikipagtulungan. Sama-sama nating isulong ang edukasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan!

TO GOD BE ALL THE GLORY πŸ™πŸ™πŸ™

Want your business to be the top-listed Government Service in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Bac 1-11 Don Carlos Village
Pasay City
1300