National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD

National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD

Share

The logistics arm of the Department in times of disasters.

01/06/2026

MULA SA PAGIGING BENEFICIARY, NGAYON AY KABALIKAT NA SA PAGTULONG! ❤️🤝

Kilalanin si Sara B. Demanarig mula sa Brgy. 190, Pasay City. 1 year ago din po bago ako nakabalik bilang isang TUPAD beneficiary, muli siyang nagbabalik para maglingkod ngayon sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) ng DSWD.

"Masaya po dahil sa ganitong paraan nakakatulong ako sa mga taong nangangailangan, sa mga komunidad at pamilyang natamaan ng bagyo, sunog at iba pang sakuna," ani ni Sara kapag nakikita ang mga repacked relief goods na nakakarating sa mga nasalanta.

Photos from National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD's post 01/06/2026

Walang humpay ang pagsisikap ng mga kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng mga Benepesyaryo ng DOLE-TUPAD at Cash-For-Work sa pagrerepack at paghahanda ng mga Family Food Packs (FFPs) sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City ngayong Araw ng buwan (June 1).

Bukod sa mabilis na pamamahagi, prayoridad ng DSWD ang tuloy-tuloy na produksyon ng FFPs upang mapanatiling sapat ang stockpile. Ang estratehiyang ito ay mahalaga upang matiyak na laging puno ang mga regional warehouse, at handa ang mga lokal na pamahalaan sa agarang pagtugon sa panahon ng sakuna.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at pamumuno ni Kalihim Rex Gatchalian, asahan ang maagap at napapanahong tulong ng Kagawaran sa mga apektadong komunidad.

Photos from DSWD Field Office 12 's post 01/06/2026

DSWD FO XII, nagsagawa ng relief operation para sa mga pamilyang apektado ng flash flood sa Lambayong
Lambayong, Sultan Kudarat – Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office XII (DSWD FO XII), sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division (DRMD), ng relief operation at namahagi ng 1,926 Family Food Packs sa mga pamilyang naapektuhan ng flash flood sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat, noong Mayo 29, 2026.
Naranasan ng Lambayong ang biglaang pagbaha dulot ng malalakas na pag-ulan na dala ng Trough of a Low Pressure Area (LPA), na nakaapekto sa ilang komunidad at pamilya sa lugar.
Isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at mga Barangay Local Government Units (BLGUs) upang matiyak ang maayos at mabilis na paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya. Ang hakbanging ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang maagap at epektibong pagtugon sa pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng kalamidad.

❤️

Photos from National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD's post 01/06/2026

ISANG PAGKILALA SA MASIGASIG NA SERBISYO: MGA BAGONG 'ANGELS IN RED VESTS' NG NRLMB! ❤️👼

Isang malaking pagpupugay at pagbati sa ating mga huwarang kawani mula sa National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) – Administrative Division na pinarangalan bilang On-the-Spot Angels in Red Vests!

Lubos naming ipinagmamalaki ang inyong maagap, tapat, at walang-pagod na paglilingkod:

Ms. Liezel S. Guamos (Administrative Officer IV) – Saludo sa iyong masusing pamamahala bilang Procurement Officer! Dahil sa iyong maingat at mabilis na pag-asikaso, tinitiyak mong laging abot-kamay at handa ang lahat ng pangangailangan para sa ating mga operasyon.

Mr. Christian Fernan R. Abina (Administrative Aide VI) – Saludo sa iyong maaasahang dedikasyon sa Building and Maintenance! Ang iyong sipag sa pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at kaligtasan ng ating pasilidad ay haligi ng ating pang-araw-araw na tagumpay.

Photos from National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD's post 01/06/2026

LOOK | DSWD NRLMB Flag Ceremony

Sinalubong ng National Resource and Logistics Management Bureau (NRLMB) ang unang Lunes ng buwan, (June 1), sa pamamagitan ng isang makabuluhang Flag Raising Ceremony. Sa pagtitipong ito, pormal na ipinakilala ang mga bagong kawani ng kawanihan at ipinaliwanag ang kanilang mahahalagang gampanin para sa mas matatag na serbisyo.

Agad ding sumabak ang lahat sa ating tradisyunal na Zumba Monday upang mapanatiling malakas ang pangangatawan ng ating mga logistics heroes. Handa na naman ang buong NRLMB na maghatid ng Extra Love at Extra Care ngayong buong linggo!

Photos from Department of Social Welfare and Development - DSWD's post 31/05/2026

Global Partnership ng DSWD sa Iba't ibang Bansa, mas Pinapalakas

Sa panahon ng sakuna, mahalagang mabilis na maihatid ang tulong sa mga apektadong pamilya para agad na matugunan ang kanilang pangangailangan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kahandaan at pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad.

Kaya naman patuloy na pinalalawak ng DSWD ang pakikipagpartnership sa mga international organizations gaya ng United Nation’s World Food Programme (UN-WFP) para higit pang mapalakas ang kakayahan ng Kagawaran sa pagtugon sa mga sakuna.

Sa pamamagitan ng mga kagamitang ipinagkaloob ng UN-WFP, mas mapapabilis at mapapahusay ng DSWD ang pagproseso, pag-iimbak, at distribusyon ng mga relief goods para sa mga Pilipinong nangangailangan ng agarang tulong sa panahon ng sakuna.

31/05/2026

Efforts Update:
Dahil sa mga naging epekto ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon sa mga komunidad sa Bicol Region, patuloy ang paghahatid ng DSWD ng kinakailangang tulong sa mga pamilyang naapektuhan at nasa proseso ng pagbangon.

Ito ang bilang ng naipamahaging food at non-food items (FNFIs) sa Bicol Region (as of 6AM, May 31, 2026):

- 141,235 Family Food Packs (FFPs)
- 1,402 Ready-to-Eat Food (RTEF) Boxes
- 8,623 Non-Food Items (NFIs)

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na tinututukan ng DSWD ang mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng agarang paglalaan ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan para matulungan silang makabangon mula sa mga naging epekto ng kalamidad.

Nananatiling nakahanda ang DSWD na magbigay ng karagdagang augmentation support kung kinakailangan, bilang bahagi ng patuloy na pagtitiyak na walang pamilyang Pilipino ang maiiwan sa panahon ng pagbangon.

❤️

Photos from DSWD Field Office IX-Zamboanga Peninsula's post 29/05/2026

DSWD Field Office IX continues its disaster preparedness efforts through the prepositioning of two thousand (2,000) Family Food Packs and ten (10) Modular Tents in the Province of Sulu, particularly in the municipalities of Talipao and Kalingalan Caluang.

The relief items arrived today, May 29, at the Jolo Port aboard a Philippine Coast Guard (PCG) vessel and are currently being unloaded with the assistance of PCG personnel.

This initiative aims to ensure the immediate availability of relief resources for families and communities that may be affected by emergencies and disasters in the area.

DSWD FO IX remains committed to strengthening disaster response readiness and ensuring timely humanitarian assistance to vulnerable communities.

Photos from National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD's post 28/05/2026

PAGPAPALAKAS NG STOCKPILE BILANG PAGHAHANDA SA

Bilang tugon sa banta ng Tropical Depression , walang humpay ang operasyon ng Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City sa loading at agarang dispatching ng mga natapos na Family Food Packs (FFPs) patungo sa mga rehiyong posibleng maapektuhan ng bagyo.

Bilang bahagi ng maigting na paghahanda at pagtitiyak ng kaligtasan ng ating mga kababayan, tuloy-tuloy ang DSWD-LDRC sa pagsasagawa ng prepositioning ng mga Family Food Packs (FFPs) sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang maagap na operasyong ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas estratehiko ang pag-iimbak ng relief goods. Sa pamamagitan nito, sinisiguro ng kagawaran na mabilis ang pagpapaabot ng tulong at walang pamilyang Pilipino ang maiiwan sa panahon ng krisis.

Photos from National Resource and Logistics Management Bureau - DSWD's post 28/05/2026

TINGNAN: Kasabay ng pagbabantay sa Tropical Depression , patuloy ang walang-humpay na repacking ng Family Food Packs (FFPs) sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC).

Ang malaking gawaing ito ay naisasakatuparan sa tulong at bayanihan ng mga masisipag na volunteers mula sa National University (NU), kasama ang mga benepisyaryo ng DOLE TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) at Cash-for-Work (CFW) program at iba pang walk-ins volunteers na nagbigay ng lakas sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City ngayong araw ng huwebes (May 28).

Naka-standby at handa ang DSWD na maghatid ng karagdagang relief goods sa mga lokal na pamahalaan upang masigurong may sapat na kagamitan at pagkain ang mga pamilyang posibleng maapektuhan. Maaga ang paghahanda para sa kaligtasan ng lahat! 🇵🇭🤝

Want your business to be the top-listed Government Service in Pasay City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Chapel Road
Pasay City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm