29/03/2026
SPES RECRUITMENT
Ang Public Employment Service Office (PESO) ay inaanyayahan kayong makilahok sa SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS (SPES) Recruitment Activity ngayong Marso 30-31, 2026 (Lunes-Martes) mula 8:00AM–12:00NN sa PESO, 3F Room 310, Pasay City Hall.
Ang unang 75 aplikante bawat araw na kwalipikado at may kompletong dokumento lamang ang mabibigyan ng slot para sa interview.
Sumangguni sa larawan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
23/03/2026
Sa matagumpay na pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, taos-puso naming ipinapahayag ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang “Her Mind Matters.” 💜
Nawa’y magsilbi itong paalala na ang lakas, talino, at boses ng bawat kababaihan ay mahalaga at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa ating komunidad. Hindi dito nagtatapos ang ating adhikain—patuloy nating ipaglalaban ang pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagpapahalaga sa kababaihan sa bawat araw.
Mula sa Sangguniang Kabataan, saludo kami sa inyong lahat. Padayon, kababaihan! ✨
17/03/2026
Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, aming inihahandog ang programang pinamagatang “Her Mind Matters”—isang seminar na naglalayong magbigay ng kamalayan at pagpapahalaga sa kalusugang pangkaisipan, lakas, at mahalagang papel ng bawat kababaihan sa ating komunidad. 💗✨
Bilang bahagi ng programang ito, mamimigay din ng FREE CONDOMS at FREE SANITARY NAPKINS bilang suporta sa reproductive health, personal hygiene, at tamang pangangalaga sa sarili. 🌸
Ang simpleng hakbang na ito ay naglalayong magbigay ng kaalaman at access sa mahahalagang pangangailangan na makatutulong sa kalusugan at kapakanan ng kababaihan at kabataan sa komunidad.🌸✨
📅 Petsa: Linggo, ika-22 ng Marso 2026
📍 Lugar: Sa harap ng Barangay 81 Hall
⏰ Oras: 10:00 AM
15/03/2026
Katipunan ng Kabataan | March 14, 2026
Isang matagumpay na pagpupulong ng mga kabataan sa ating barangay! 👏🏻
Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa KK Assembly. Ang inyong presensya, ideya, at pakikiisa ay patunay na ang kabataan ay may mahalagang papel sa paghubog ng mas maunlad na komunidad. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagiging aktibo at responsableng mamamayan. 💗
10/03/2026
KABATAAN, MAKIBAHAGI!!
Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng KK (Katipunan ng Kabataan) na dumalo sa Unang Semestre na Asemblea ng KK para sa Taong Kalendaryo 2026.
🗓 Petsa: March 14, 2026 (Sabado)
🕐 Oras: 2:00 PM
📍 Lugar: Barangay 81 Zone 10 Barangay Hall
Hinihikayat ang inyong aktibong partisipasyon dahil ito ay pagkakataon upang maging updated, maipahayag ang inyong mga ideya, at sama-sama nating palakasin at gawing mas aktibo ang ating komunidad ng kabataan! 💪
06/03/2026
📍 Interested applicants may visit the PRU Life booth located in front of our Barangay Hall.
🗓 Schedule: Tomorrow /March 6,2026
⏰ Time: 9:00 AM – 12:00 NN
📄 Please bring your updated Resume or Curriculum Vitae.
This is a great opportunity to start or grow your career in the financial industry.
07/01/2026
TRABAHO PARA SA KABATAANG PASAYEÑO
Ang Public Employment Service Office (PESO) ay inaanyayahan kayong makilahok sa SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS (SPES) Recruitment and Profiling Activity ng Hiranand Company (Jollibee at Chowking) ngayong JANUARY 13, 2026 Martes mula 9AM-3PM sa PESO 3rd Floor Rm. 310 Pasay City Hall.
Ang mga interesadong aplikante na kwalipikado at may kompletong dokumento lamang ang mabibigyan ng pagkakataong ma-interview.
Tignan ang larawan sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
15/12/2025
Maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng oras, tulong, at pagmamahal 💖
Nairaos ang masayang Children’s Christmas Party 🎄✨
15/12/2025
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at nakiisa.
Hanggang sa susunod na taon! ❤️