09/10/2026
Nagsama-sama ang ating mga kinatawan mula sa LCPC, BCPC, at VAWC Desk Officers para sa ginanap na Skills Enhancement Seminar on Child-Sensitive Approaches na pinangunahan ng ating Pasay Social Welfare and Development Department (PSWDD).
Mahalaga sa atin na mas lalo pang mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng ating mga Barangay at City Officers pagdating sa tamang pag-alaga at paghawak sa mga usaping pangkabataan at pangkababaihan. Sa pamamagitan ng mas child-sensitive na pamamaraan, mas natitiyak natin na ligtas, maayos, at may sapat na proteksyon ang bawat pamilyang Pasayeño.
Maraming salamat sa PSWDD team at sa lahat ng ating dedicated desk officers sa inyong patuloy na pagpapalawak ng inyong kaalaman para sa mas tapat na paglilingkod sa ating pamayanan!